Chapter 11-There is no Goodbye Luna Inn!

626 32 0
                                    

Tomorrow was my 1st week here in Beloniå,and those days I'm happy and learn alot.I also met incredible persons and they are so friendly,I wish to continue living like this with the people I met and the friends I make.But happy moments will not last long they said...

Tanghali na ng makabalik ako galing sa trabaho ko,my job was to collect barbisyal flower na panggamot sa ubo.It was an easy job for me kaya maaga ko itong natapos at nakabalik dahil naalala ko na may gagawin pa nga pala ako,ng nabigay ko na ang barbisyal flower at nakuha ang bayad sa guild ay bumalik na ako sa inn ng nakangiti.Pero agad din yun nawala ng maabutan ko sa may dining hall sina Ate Linda,yung babaeng nakausap ko noong unang araw ko dito sa inn,at ang 8 trabahante ng inn na parang pinagbagsakan ng langit at lupa,the atmosphere is heavy and sad.'What happened?'

"Uhmmm ate Linda,ano po ang problema?"dahan dahan kong sabi ng makalapit sa kanila,ang ilan sa mga trabahante ay binalak akong bigyan ng ngiti pero hindi man lang umabot  sa kanilang mata.'It's a big problem'naisip ko nalang.

"Oh Lily,nakabalik kana pala"sinubukan din ni ate Linda na pasiglahin at ngitian ako pero naging ngiwi lang ito at kaagad nabalik sa malungkot niyang expression.

"Ate kung may problema man kayo makikinig po ako"malambing kong sabi saka tinabihan siya sa upuan.

"Salamat Lily ha"sabi nya saka hinaplos ang aking ulo,nginitian ko lang sya at hinihintay na mag kwento,napabuntong hininga pa muna sya bago magsimula magsalita.

"Sa katunayan niyan Lily,sa makalawa na gigibain itong Luna Inn."panimula niya na ikinatigil ko,wait what?

"Kaninang umaga ay pumunta dito si Baron Francis upang sabihin na kung hindi pa daw makakabayad sa utang ang may ari ay kailangan ng gibain itong inn dahil kailangan na daw ng isang merchants itong lupa para makapag patayo ng kaniyang negosyo.Kahit anong gawin daw ng baron ay hindi nito mapigilan ang naturang merchants dahil may kapit din daw ito sa mga nakakataas at ang dahilan ng merchants ay nababaon naman na daw sa utang ang inn kaya siya nalang ang bibili,doble pa ang halaga na ibibigay niya"mahabang kwento niya.

I know Baron Francis,mabait at patas syang tao,kaya mahal na mahal siya ng mga tao na pinamumunuan niya, pero ayon sa kwento ni ate Linda,sigurado akong pinagbantaan siya ng sinasabing merchants kaya ganun ang kanyang naging pasya.Maganda kasi ang pwesto nitong inn,nakatapat sa market at kitang kita sa labas pa lang ng village,wala ding katabi at malawak ang lupain,kaya siguro gustong gusto makuha ng merchants nayon itong lugar.

"Ano po ang sabi ng may ari nitong inn?"tanong ko matapos ang mahabang katahimikan.

"Humingi nalang sya ng paumanhin sa baron at saamin at sinabing wala na siyang kakayanang mabayaran pa ang utang dahil ang natitirang kayaman nila ay nakalaan na sa pagpapagamot ng anak nila"sagot ni Rose,isa sa mga taga tanggap ng bisita sa inn.

"Pero hindi pwedeng mawala itong inn,lalo na't nagiisa lang itong tuluyan ng mga manlalakbay at turista dito sa village"giit ko

"Ganun nga din ang sinabi namin sa baron pero kailangan pading gibain itong inn,ang sabi niya ay magiisip pa daw siya ng solusyon at baka magpatayo ng panibagong inn."malungkot na sabi ni kuya Alfredo,isa sa mga tagakuha at tagahain ng pagkain.

"Pero matatagalan pa iyon"dugsong nya pa na nagpatahimik ulit sa lugar.

"Magkano po ba ang utang nitong inn?lakas loob kong tanong.

Nagtinginan muna sila bago nagsitanguan.

"Malaking halaga Lily.Ang tansya ko ay nasa 100 gold coins lahat lahat"luging sabi ni ate Linda,tumango tango ako,may naisip.

"Hindi nila gigibain itong inn at tatayuan ng panibagong negosyo kung makakapag bayad tayo,tama?"tanong ko sa kanila.

"Oo,tama"sabay sabay nilang sabi habang nakakunot ang noong nakatingin saakin,napangiti ako ng malaki sa kanilang lahat.

"Then let's pay them"nakangiti kong sabi.

I was Reincarnated in Another World with an Absorb SkillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon