Chapter 15-Let's go!Fighting!

593 41 1
                                    

Di pa man sumisikat ang araw ay ready na kaagad ako para ipamukha na may perang pambayad ang inn sa merchants na yun.Naglinis kaagad ako at nagayos ng sarili.Saka bumaba sa dining hall ng inn kung saan nakita kong naghahanda na ng pagkain sa isang lamesa sina ate Linda.Nakasarado ngayon ang inn dahil ito na ang huling palugid na ibinigay dito para mag-operate kaya walang ibang tao maliban sa mga employee na nagtatrabaho dito,nakaalis nadin naman ang mga nangungupahan dahil mga manlalakbay ang mga ito at nagtungo na sa iba't ibang destinasyon na pupuntahan nila.

Ng makalapit ako sa kanila ay sabay sabay silang ngumiti at bumati na sinuklian ko din kaagad.Sabay sabay kaming kumain at masasabi kong masarap talaga ang luto ng inn na ito,at nalaman ko din na si ate Linda pala ang chef dito katulong ang kanyang anak na babae na si Leah na nasa edad 20s lang.

Habang kumakain ay nagkukwentuhan kami at nagtatawanan pero ramdam ang nerbyus ng bawat isa sa kahihinatnan ng inn mamaya.Ng natapos na kaming kumain ay nagpaalam na ako sa mga ito para pumunta sa lugar kung nasaan ang opisina ni Baron Francis.

Lumabas ako ng inn habang nakasunod sila saakin.

"Sana ay maganda ang kalabasan ng paguusapan ninyo mamaya Lily"ani ni ate Linda.Nginitian ko lang ito,don't worry ate dahil hindi ako babalik ng hindi dala ang titulo ng lugar na ito.Nagpaalam na ako sa mga ito at lumakad na.

"Goodluck Lily,ipanalo mo itong inn"
"Be safe there Lily"
"Kaya mo yan laban lang!"pahabol nilang sabi na ikinangiti ko.Pati na din ang ibang tao na nakakasalubong ko ay binibigyan din ako ng lakas ng loob,kalat na sa buong village ang mangyayari sa Luna Inn at madami ang hindi sumasangayon na mawala ito.Kaya ganun nalang ang tuwa ko dahil hindi lang pala kami ang ayaw mawala ang inn,kundi madami pala kami.

Maaga akong nakadating pero mas maagap pa pala si August dahil pagpasok ko sa office ni Baron Francis ay parang nagkukwentuhan ang mga ito.Mabilis na lumapit saakin si August at binati ako na sinuklian ko din.Naiwan si Esmeralda sa kanila para bantayan ang mga bata kaya siya nalang ang pumunta.

"Totoo ba itong narinig ko na ikaw ang tumukoy at gumamot sa sakit ng anak nitong si August?"manghang tanong ni Baron Francis,nahihiyang sumangayon ako dito habang napapakamot nalang sa ulo.

"Isa kang genius iha!galaw mo kang sa dami ng manggagamot ang tumingin sa batang iyon,ni isa sa kanila ay hindi man lang nalaman ang dahilan ng sanhi ng sakit na iyon"saad niya pa.

"Naniniwala kami ng asawa ko na isa siyang anghel na dinala ng mahal na Diyosa saamin para gamutin ang munti naming prinsesa"masayang sabi ni August at parang proud na proud pa.Looking at his appearance parang hindi man lang ito naging mukhang zombie dahil sa aliwalas ng mukha nito,hindi nadin mababakasan ng stress at lungkot,even his voice is full of warm now.Napangiti nalang ako dahil sa hiya.

"Well nagpapasalamat din ako dahil pumayag ka na ibigay saakin ang titulo ng inn na mula pa sa ninuno mo"masayang sabi ko and speaking of inn,bat kaya dipa kami nagsisimula?

"Hindi paba po tayo magsisimula baron?"takang tanong ko

"Hindi pa iha,may isa pa tayong panauhin na hinihintay"mapakla ang pagkakasabi niya sa panauhin at parang alam ko na kung sino ang tinutukoy nito.

Ilang sandali lang ang hinintay namin at dumating nadin siya.Don Custodio Salvadör.A business merchant who sell clothes and bags.Sa itsura pa lang ay masasabi mo ng maitim ang budhi nito,lalo na ang bigote nitong naka style pa.Hindi ko alam pero kaagad nag-init ang dugo ko habang nakatingin sa kanya.May kasama din syang bodyguards na tumayo lang sa isang tabi.

"Ano itong narinig ko na hindi mo ibebenta saakin ang Inn na iyon?"maarteng sabi niya na dinaig pa ang babae sa kaartehan

"Maupo muna tayo Don Custodio"magalang na sabi ni Baron Francis

Ng nakaupo na kami lahat ay tiningnan ay tinaasan ako nito ng kilay,kini-question kung bakit may isang bata silang kasama na ikinakunot ko ng noo.

"So let's start"panimula ng baron

"Hindi na namin pwedeng kuhain at gibain ang Luna Inn dahil ayon sa kasunduan,kukunin lang ang Inn oras na hindi makapag bayad ang may ari nito sa itinakdang panahon,at ngayon ang araw na iyon.Sinabi na saakin ni August,ang may ari ng Luna Inn na nandito sila upang magbayad ng utang at dahil doon mawawalan ng saysay ang kapangyarihan ko bilang isang baron sa pagkuha ng inn dahil makakapagbayad na sila."mahabang sabi ng baron

"Nonsense!" nagulat kami ng hampasin ng Don ang lamesa ng baron at masamang tiningnan ito.

"Pano sila nagkaroon ng ganung kalaking halaga sa isang araw lang!?miski ako na isang successful business merchant ay kailangang magtrabaho ng dalawang linggo para kitain ang pera na iyon!"galit na sigaw pa nya.

"Don Custodio baka nakakalimutan mong mas mataas sa estado mo ang kausap mo ngayon!"galit na suway ni August dito.Tinitigan siya ng Don at tinawanan.

"At sino ka naman para suwayin ako?baka nakakalimutan mong mas mataas ang estado ko kesa sayo!"sigaw nito pabalik

"Enough!"galit na hinampas ni Baron Francis ang lamesa na ikinatahimik ng dalawa.

"Kumalma kayo at magusap ng maayos kung hindi ay pare pareho kayong hindi makikinabang sa inn na yan!"galit ba dugsong niya

"Nagtataka lang ako kung paano nagkaroon ang tao na ito ng ganung kalaking halaga ng pera gayung baon din ito sa utang"hindi makapaniwalang tanong ng Don

"Hindi naman kaya'y nagnakaw ka?may nabalitaan akong nakawan na naganap sa kalapit bayan.Hindi ko akalain na hahantong ka sa pagnanaka-"hindi na nya natuloy pa ang sasabihin dahil mabilis siyang dinukwang ni August at kwinelyuhan na ikinaalarma ng mga bodyguards ng Don.Mabilis kong nilagyan ng protection shield ang paligid ni August para hindi ito masaktan habang nakatingin lang sa kanilang lahat.

"Kahit mawalan kami ng bahay dahil sa utang,hinding hindi ko maiisip at magagawa ang ibinibintang mo saakin!mas maigi pang putulin ko ang aking braso at binti para ibenta kesa gawin ang walang pusong gawain na katulad ng ginagawa mo!"galit na galit na sabi ni August sa takot na takot na Don.

"I SAID ENOUGH"kumidlat ng malakas pagkatapos sumigaw ng Baron kaya kaagad kaming napatingin dito.Napagtanto ko na Kidlat ang kapangyarihan niya dahil ang mga mata nito ay hugis kidlat na habang umiilaw ng kulay yellow.

"SIT"delikadong sabi niya na kaagad sinunod ng dalawa,miski ang mga bodyguard ng Don ay nanginginit na napaupo sa sahig dahil sa takot.

Tahimik lang kami habang kinonontrol ng baron ang kanyang galit at ng mawala na ay bumalik ang isang friendly and jolly na baron na nakilala ko.Wow that is really a one dangerous being.

"Don Custodio,huwag muna tayong mambintang ng wala namang katibayan,at ang nakawan na nasabi mo sa kabilang bayan,nahuli na ang suspek doon at nalutas na ang kaso kanina lang umaga"mahinahong sabi ng Baron.

"Pero paan-"hindi ko na sya pinatapos pa sa sasabihin niya dahil nagsalita na ako.

"Dahil saakin."malamig na sabi ko na ikinalingon nito saakin.

I was Reincarnated in Another World with an Absorb SkillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon