Chapter 20-Bigger Luna family

610 54 2
                                    

Maaga akong pumunta sa merchant company ni Madam Clarita at dumeritso sa office nya ng masigurado kong ayos na ang inn bago ako umalis.Malaki ang bahay ni Madam Clarita,meron itong dalawang palapag na bahay na nahahawigan ko sa bahay ng mga japaness nung unang panahon,meron din itong maliit na fond na may maliit ding tulay na gawa sa mga bato,sa pagpasok sa loob ay makikita mo ang isang di kalakihang hagdan na gawa sa matibay na kahoy,meron din itong kulay dark green na carpet,sa isang tabi ay mga upuan na gawa sa kahoy na may malambot na unan na inuupuan,sa kabila naman ay lobby kung saan merong 2 empleyado na nagaasikaso ng mga panauhin na dumadating.

Ang merchat company ay isang uri ng negosyo kung saan ay dito ka mag-aaply kung gusto mo mang maging isang merchant,iba't ibang trabaho din ang kanilang ginagawa katulad nalang ng paghahanap ng mga empleyado na request ng kanilang costumer,mga gamit na gustong ibenta,bilihan ng mga lupa at iba pa.

At ang namamahala dito ay walang iba kundi si Madam Clarita Machiøvæneş,75 years old na sya at tiyahin sya ni guild master Flabio.Matagal na syang namamahala ng naturang kompanya dahil sa mga ninuno nya nagsimula ito katulad nalang ng Luna Inn,kaya naman kinikilala siya hindi lang sa village na ito kundi sa iba't ibang lugar dahil nagkalat ang merchant company sa buong Evergreén Empire,at dito na sya tumira kung saan ang kanyang tunay na tahanan ng sumapit sya sa taong 60 upang magrelax at ipa-ubaya ang ibang kompanya sa 3 nyang anak.

"Goodmorning Madam Clarita"magiliw kong sabi sa matanda na ngayon ay nakangiting nakatingin saakin.

"Magandang umaga din,Lily" nakangiti nyang sabi,sa unang tingin ay aakalain mong masungit at sopistikada ang matanda dahil sa kakaibang awra nito,pero kapag nakilala mo ito ng matagal ay malalaman mo na isa pala syang mabuti at maasahang tao.

Inaya niya akong umupo sa sofa at agad na pinag-servan ng kanyang sekretarya ng isang tasang tsaa.

"Alam ko na ang sadya mo dito" sabi nya saka uminom ng tsaa na nakahain.Gulat akong napatingin dito dahil paanong alam na nya kaagad?

"Paano nyo po nalaman?" napapantastikuhan na ani ko,ngumiti ang matanda at saka seryosong tumingin saakin.

"Madami akong mata at tenga sa lugar na to,iha.Kamusta nga pala ang unang araw ng Luna Inn?" tanong nya na ikina-ngiti ko.

"Medyo hindi po okay dahil sa kakulangan ng mga empleyado kaya pagod na pagod po kami kinagabihan"napapakamot sa batok ko nalang na sabi habang ngiwing nakangiti sa kanya.Narinig ko ang sopistikada nyang tawa

"Pagsubok lang yan iha,kaya sa susunod ay kaagad mong isipin at paghandaan ang mga paparating pang araw ng sa gayon ay hindi ka mahirapan",makahulugang sabi niya na ikinatango ko nalang

"Siya at sumunod ka saakin ng maipakilala ko na saiyo ang mga empleyado na nahanap ko"sabi niya na ikinagulat ko ulit at saka sumunod sa kanya papunta sa kabilang kwarto.Narinig ko ang mga ingay sa loob,may mga nagtatawanan at nag-uusap pero kaagad yung natigil ng pumasok si Madam Clarita.

"Magandang umaga sa inyong lahat,pinapunta ko kayo dito upang kilatisin ng aking kleyente kung papasa ba kayo bilang isang trabahante sa kanyang negosyo,kaya humanay kayo" seryosong sabi ni madam sa lahat kaya mabilis silang tumayo at humanay.

Nasa 50 katao ang nandito ngayon sa loob,20 babae na nasa edad 19-40 at 30 kalalakihan na nasa edad 17-45 ata.Lumakad ako pauna at saka tiningnan sila,kita ko kung paano ako husgahang ng ilan habang napapantastikuhan naman ang iba.

"Teka lang madam Clarita,siya ba ang magiging boss namin kung sakali?"tanong ng isang lalaki na di gaano kataasan,di kalakihan ang katawan,at kala mo'y naka-drugs,may pagkairita ang tono ng kanyang boses habang hinuhusgahan ako nitong tinitingnan kaya tinaasan ko ito ng kilay.This bi-...you're exis to me!

I was Reincarnated in Another World with an Absorb SkillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon