His Arrival

71 0 0
                                    

WINNA'S POV

Ako si Winna Alvarez....Isang manager sa isang sikat na fastfood chain sa Pilipinas....isang babaeng di naman kaputian at kagandahan......compared to others I am only a simple girl with simple dreams and simple needs.At 22 years old, naging dalagang ina. Nasaktan....nawasak..... at sa huli ay nakabangon. For two years ibinuhos ko ang oras at panahon ko sa aking anak na si Nathaniel. Walang araw akong sinayang para mapaganda ang buhay nya at mapunan ang kawalan nya ng ama. For two years ako ay naging isang nanay na tatay pa. Si Nathan ang mundo ko sya ang lahat sa akin. Sa di inaasahang pagkakataon, nakilala ko si John Dale Polinar.... gwapo, matangkad, may matipunong katawan. Sa unang tingin malaki ang hawig nya kay Piolo Pascual..... matangos ang ilong, may nangungusap na mga mata at kakaibang shape ng panga na lalo pang dumagdag sa lalaking lalaki nyang hitsura.

Ma"am may naghahanap po sa inyo sa labas, sabi ni Kate, isa sa cashiers ng Greenwich kung saan ako nagtatrabaho.

Sino raw?

Mag-aaply po ata as dining crew.

Sige papasukin mo.

Good morning Ma'am, nakangiting sabi sa akin ng isang lalaking mga 5'6" ang height. Naka blueng polo sya na lalong nagpatingkad sa angkin nyang kagwapuhan.

Ako po si John Dale Polinar. Mag -aaply po sana ako as dining crew.

Tiningnan ko sya. Tila ba may kung anong magnetismo ang humihila sa akin papunta sa kanya. Parang ngayon pa lang may malalim na koneksyon na kaming dalawa. Little did I know na ang araw na yun ang magiging simula ng aming exciting pero masalimuot na love story.
 
John Dale"s POV

Ako si John Dale Polinar, 20 years old, fourth year student from the University of Santo Tomas, taking up Bachelor of Arts Major in Economics. Isa akong working student since third year college pa. First job ko ang pagiging dining crew sa Jollibee Recto. At ngayon na end of contract  na ako as crew sa Jollibee kailangan ko ulit humanap ng trabaho to support my studies lalo na at maraming gastos ang pagiging graduating student. Sabi ni Jheanne,ka-crew ko sa Jollibee , may opening daw sa Greenwich Dapitan. SIster company ng Greenwich ang Jollibee kaya naman mas malaki ang chances na matanggap ako.Isa pa mas madali para sa akin since walking distance lang ang Dapitan branch ng Greenwich sa Arts and Letters  building ng UST.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon