Kabanata 9

61 5 2
                                    

"Kanina ka pa nakauwi, 'nak?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kanina ka pa nakauwi, 'nak?"

She heard Desiree right behind the sofa. Abala itong nagluluto ng kanilang hapunan, ang niluluto nitong kaldereta.

Napalingo ito sa sala at nadatnang nakabukas pala ang TV. "Bakit nakabukas ang TV? Kanina pa ba 'yan?" tanong nito at mabilis na lumapit sa sala upang kunin ang remote.

"May inaabangan lang ako, 'Ma," aniya sa mahinang boses at napabuntonghininga.

It's as if Eury didn't hear anything that Desiree has been saying to her. Her eyes were glued to the TV.

"This year's fulfillment of the new generation into new leaders across the world-"

Huli na nang biglang nilipat ni Desiree ang channel ng TV, pero kinuha ulit 'yon sa kanya ni Eury dahilan upang ibalik niya ulit sa channel na kanyang pinapanood.

"Bakit mo naman nilipat ng channel, 'Ma?" aniya at bumuntonghininga.

"Ang boring naman ng pinapanood mo, 'nak."

"I am Hermiso Evaldez, the newly elected senator of Kalanguianan Province. Sa aking mga minamahal na kababayan... batid ko po na sa aking pagsali sa politika ay maraming nagulat at maraming nag-aabang, ngunit ito ay simula na ng mumunting pagbabago. Pinapangako kong magiging mabuti ang pamamalakad ko."

"H-hindi..."

Bigla na lang nahirapang huminga si Eury nang makita niya ang mukha ng taong nagsasalita sa TV. Mukhang hinding-hindi niya makakalimutan sa tanang buhay niya. Naninikip ang kanyang dibdib dahilan upang siya'y mapaluha.

Kaagad napansin ni Desiree na nahihirapan ang anak sa paghinga. Nagtataka siya kung bakit ito napaluha na lang bigla.

"Hey, are you okay?" saad nito.

Eury looked at Desiree, who's now sitting beside her. She looks worried; she was looking at her thoroughly when her eyes went sadder and her smile started to fade.

"Hindi maaari, 'Ma. Hindi siya p'wedeng magpakita ulit," natatakot nitong sambit. Eury's voice trembled as fear crept into her.

"Anak, huminahon ka muna. Breath in and out."

"How can I stay calm, 'Ma? Paano? Hermiso Evaldez is my biological father. Ang taong sumira at bumaboy sa amin!"

Eury's fists clenched as anger burned in her eyes. "'Ma, hindi ko kayang maging tahimik. Gusto kong harapin si Hermiso at iparamdam ang sakit na idinulot niya sa atin! Gusto kong gumanti. Dahil sa kanya naging impyerno ang buhay namin."

"Alam kong galit na galit ka sa kanya, 'nak. Noong una pa lang, ayaw mo nang magk'wento tungkol sa ama mo. Lahat napag-usapan na natin, maliban sa kanya." Desiree gazed at Eury with understanding eyes.

"Sobra ko siyang kinamumuhian..."

Desiree sighed deeply, realizing Eury's resentment. "Alam kong mahirap, 'nak. Pero ang galit na iyan ay maaaring maging sagabal sa mga plano natin o baka p'wede ring maging daan para mas magalit ka pa, at hindi mo kailangang maging kawawa sa galit na 'yan. Kailangan mo ring malaman kung paano ito palayain."

Eury looked at her, torn between anger and the desire for peace. "Anong gusto mong gawin ko? Ang patawarin siya, 'Ma? Hindi 'yon p'wede! Paano ko siya mapapatawad sa lahat ng ginawa niya?"

Desiree smiled gently, "Ang pagpapatawad ay hindi para sa kanya, kung 'di para sa sarili mo. Kapag natutunan mong palayain ang galit, mas naging malaya ka rin."

"No! I'd be happy if he were dead. He's making me hate him more, and he deserves it. Sa katulad niyang ama na walang k'wenta, wala rin siyang karapatang mabuhay. She killed my biological mother; I can't forgive him!"

"Eury, ama mo pa rin siya."

Eury's voice trembled with so much anger as she continued, "Kung mamamatay siya, mas lalong magiging tahimik ang mundo. Hindi ko kayang patawarin ang taong umagaw sa akin sa sarili kong ina, 'Ma. Gusto kong mabura ang alaala niya sa buhay natin."

"Wala na akong pakiramdam sa amang nag-iwan lamang ng puro pasakit sa amin, 'Ma. Alam mo kung gaano kasukdulan at kung saan umaabot ang galit ko, kahit sa kamatayan pa, hinding-hindi ako luluhod sa kanila."

Kitang-kita ni Desiree kung gaano kagalit si Eury sa sariling ama nito, bagamat alam niya ang sakit na dinadala ng anak at nalulungkot lamang siyang nakikita na nagdudusa ito.

"Rest, Eury. I know you need rest, pagod ka na."

Eury reluctantly nodded and lay down in the comfort of her bed. "Sana nga mawala na 'tong galit na 'to, 'Ma. Sobrang nakakapagod. Sobrang nakakapagod na sa totoo lang."

Nosi Balasi (Published) | ✓Where stories live. Discover now