Hinihintay lamang ni Eury si Hermiso Evaldez na tumuntong sa entablado. Kahit kanina pa siyang nakatayo sa may kalayuan, nanatili pa rin siya sa kanyang posisyon.
“May conference ba talagang magaganap, ’Ma? Bakit parang wala akong nakitang anino ni Hermiso dito?” naiinis nitong reklamo.
“Just wait, I am here tracing where Hermiso Evaldez could be. Napag-usapan na natin ’to, one key is your patience. Maghintay ka muna, they’re on their way,” paliwanag naman ni Desiree kay Eury na kanina pa naiinip.
Ilang sandali pa’y naghiyawan na ang mga taong nakaabang. Napuno ng ingay ang lugar nang biglang tumayo si Senator Hermiso Evaldez sa gitna ng entablado.
“Fine, nandito na nga siya, ’Ma. Infairness, ang dami palang fans itong tatay ko,” parang inaantok na may halong ngisi nitong sambit.
“Tatay mo pa rin ’yan remember? W-who’s that? Wait, ’nak, may napansin akong kahina-hinala.”
Saglit na kinabahan si Eury nang biglang napatigil sa pagsasalita si Desiree habang kausap sa telepono. Sa pagkakataong iyon, tila maraming pumapasok na kung anu-ano sa kanyang isipan.
“H-hello, ’Ma? Still there? A-anong napansin mo?”
“He’s a total psycho! We don’t have much time. Mag-ingat ka, ’nak. We saw bombs everywhere. May na-track akong bomba sa ilalim ng entablado, kung pasasabugin niya man ’yon, maraming tao ang madadamay.”
Parang natataranta na si Eury sa kanyang lagay habang kinakausap ang ina, knowing that it’s just her and Desiree who are working. Pati mga paa niya’y hindi na niya makontrol sa sobrang panginginig. “Ano? I should do something... Oh, what should I do? Wait, should I turn on the fire alarm?”
“Tama... Tama! If you don’t really do that, many will get killed, kasama na riyan ang ama mo.” Rinig ni Eury ang pangamba nito kahit mahinang boses lamang ang naririnig nito sa telepono.
Mayamaya pa’y kaagad na nagpunta si Eury sa panel room. Mabilis niyang pinindot ang fire alarm at nagmamadaling umalis do’n kaya nataranta ang mga taong dumalo sa press conference ni Hermiso Evaldez. Kitang-kita niya na rin na nagsisitakbuhan na ang mga tao palabas sa mismong lugar.
“’Ma, nandiyan ka pa ba? I turned on the fire alarm already. How did you manage to see the killer? I mean, how did you recognize him?” boses ni Eury na nagmamadali.
“Hermiso was taken... Magpunta ka na kaagad sa stage. Nando’n ang killer, bilisan mo!” aniya sa isang hinihingal na boses, kaagad nang naputol ang linya.
“What? ’Ma?” Eury frustratingly shouted.
Walang ibang naiisip na paraan si Eury kung ’di ang magpunta na lang sa mismong entablado—kung nasaan si Hermiso Evaldez.
She finally saw how terrified her father was. She was standing at a distance while her father took a glance at her. Tanging nasa isip lamang niya ay ang mailigtas ito at wala nang iba.
YOU ARE READING
Nosi Balasi (Published) | ✓
Mystery / ThrillerPublished under 8Letters Publishing House "Sino ang tunay na may sala sa pagkamatay mo? Sino? Sino ba sila?" Five years ago, Eury Genehuges' sister went missing and was brutally murdered. After a storm of devastation, she began to investigate about...