Eury deeply sighed before sitting on the long bench behind Desiree. Halo-halong emosyon ang kanyang naramdaman. Galit, kaba, at takot ang tanging namumuo sa kanyang puso.
Nang dahil sa nangyaring insidente, pati si Rio ay nadamay. Eury never thought that he would help her, despite the anger and hatred she feels towards him.
“Kung hindi lang talaga nag-text ang mama mo, siguradong patay ka na ngayon, Eury!” Rio looked at her with rage, out of concern.
“Edi namatay na rin si Hermiso Evaldez,” masungit nitong sambit.
“Ang tigas lang ng ulo mo.”
“Bakit ba? Boss lang naman kita, ah!” pagtaas naman ng kilay nito.
“You’re so stubborn, Eury. Kahit pa talaga ako, sinasagot-sagot mo—”
“Enough with your nonsense! Para kayong mga bata!” sigaw ni Desiree sa gitna nilang dalawa. Sobrang naaalibadbaran si Desiree sa bangayan nilang dalawa na parang mga bata.
“Shut up!” pareho nilang sigaw.
“Ay wow! Ako pa talaga ang pinatahimik niyo, ah?” mahinang ani ni Desiree saka mahinang hinatak si Eury patungo sa kanya. “Ikaw’ng bata ka, ang tigas-tigas ng ulo mo.”
“Mama naman, hindi na ako bata. Nakakahiya!”
“Nahihiya ka pa sa lagay mong ’yan?” Desiree said with a stern voice that it sounded like she was mocking Eury.
“’Ma, nakakahiya naman sa bisita natin!” asik niya ulit sa ina habang sinisiko ito.
“Mabuti naman at may natitira ka pang hiya, ’nak,” natatawang sambit ni Desiree dahilan para sumimangot si Eury.
“Whatever,” she muttered silently.
Napakunot at kanina pang nakatingin si Rio sa bangayan ng mag-ina kaya napaubo na lamang ito. “Care to tell me what happened a while ago?” tanong nito, tipong naguguluhan na sa mga nangyayari.
“Should we tell him, ’Ma?” Napabuntonghininga na lamang si Eury habang nakatingin sa ina. As if they were both talking with their eyes.
“Sana nga pag sinabi natin sa kanya ang lahat ay mapagkakatiwalaan na natin siya. We can’t lose everything now, Eury. We were so close.”
“You... can trust me,” he seriously said as he looked at Eury from head to toe before smiling.
“Totoo ba? Sa pagmumukha mong ’yan, parang ang hirap maniwala. Pero kapag ikaw bumaliktad, paniguradong papatayin talaga kita!” banta nito kay Rio, saka dinuro-duro pa.
“Enough with your words, Eury. Iyan talaga ang isa sa mga problema mo, sobrang mainitin ng ulo mo,” rinig niyang sita mula kay Desiree, kaya napatahimik na lamang siya sa kanyang kinauupuan.
“Fine.” She just rolled her eyes.
Dahan-dahang napaupong muli si Desiree sa kanyang tabi. Bakas sa mata niya ang determinasyon at kagustuhang mahanap ang katotohanan. Mayamaya pa’y nag-umpisa na siyang magsalita sa harapan ni Rio Sentimiento.
“Just as you know, Mayor Rio Sentimiento, we are looking for the other members of the seven capital vices. Alam kong nagtataka ka kung bakit namin sila hinahanap, but that organization might be a big help to us, especially to Eury.”
“Oh, did Eury tell you already about Sentimiento being a part of the seven capital vices?”“We already knew about that...” Eury cut her own words when she remembered when to shut her mouth.
“Wait... W-what? You already knew, and you didn’t even bother to tell me?” Rio raised an eyebrow. Nagkatinginan lamang ang dalawa. Parehong natikom ang kanilang mga bibig na tila’y natahi ng sinulid.
“No, I mean... ’Ma tulungan mo naman akong magpaliwanag dito, oh.” Mabilis niyang naihila si Desiree sa tabi niya dahil hindi niya alam ang kanyang isasagot.
Napangiti na lamang si Rio nang bahagya niyang makita ang reaksiyon ni Eury na parang bata kung umasta.
“Kung sasabihin man namin sa ’yo ang lahat, please make sure that this discussion will remain confidential. Walang ibang makakaalam kung ’di tayong tatlo lamang na nandirito, at kung makakalabas man ito, wala kaming ibang pagsususpetyahan kung ’di ikaw lamang, Mayor Rio Sentimiento.”
After a few minutes of listening, Rio was still silent, but Eury was glaring at him like she was going to kill him.
“Ano? Hindi ka na naman makapagsalita? Kung makautos ka sa akin—”
“I’m thinking, Eury! Can you not try to disturb me? I’m still puzzled. Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko, kung saan ako unang maniwala. Was it about the incident earlier? Your sister, Eira? Seven capital vices? Ano pa? Ang hirap maniwala.”
“Explanation lang naman pala ang gusto mo. I can give you that! Kahit pa buong magdamag kitang k’wentuhan, hindi kita uurungan,” nakangisi pang sambit nito na parang nakakaloko.
“But I can assure you, wala akong kinalaman sa lalaki kanina na gustong pumatay sa ’yo. In fact, I was also curious if that was the same man who gave me the death threat, if you can still remember it,” diretsong sambit ni Rio at mabilis na napatayo.
“Naaalala ko pa rin ’yon ’no! At alam kong konektado ang lahat ng mga nangyayari ngayon at sa pagkamatay ni Eira,” mahinahong sagot ni Eury.
“What information do you need? I can tell you everything about the seven capital vices,” seryosong saad nito. Eury suddenly looked at him before clearing her throat.
“There’s no turning back, Rio Sentimiento.”
YOU ARE READING
Nosi Balasi (Published) | ✓
Misterio / SuspensoPublished under 8Letters Publishing House "Sino ang tunay na may sala sa pagkamatay mo? Sino? Sino ba sila?" Five years ago, Eury Genehuges' sister went missing and was brutally murdered. After a storm of devastation, she began to investigate about...