“I hate him!” inis nitong anas. Halos maibato na niya ang mga papeles na dala dahil sa sobrang inis at galit na nararamdaman.
“Did Rio screw you?” Desiree asked and was already staring at her. The weight of unspoken questions hung in the air, and Eury could feel the heaviness in her mother’s stare. Despite the weight of their conversation, Eury met her eyes with lazy a nod.
“Mas malala pa sa screw, ’Ma. Binungaran ba naman ako ng nakakainis na tingin at ang nakakaasar niyang rules and regulations. Oh, I really hate it!” panggagalaiting reklamo niya nang mahiga na siyang tuluyan sa sofa.
Umupo naman sa tabi niya si Desiree. “Relax, gan’yan naman talaga siguro. Asikasuhin mo muna ’yang mga binigay niya sa ’yo. Magpa-impress ka, ’nak, kung kinakailangan para makuha mo ang loob niya,” suhestiyon nito.
“Akala ko kasi madali lang ang maging secretary, sana pala hindi na ako pumasok sa ganitong trabaho, ’Ma. Nakakapangsisi naman!”
“Ginusto mo ’yan, ’nak!”
Eury couldn’t object to what Desiree was saying to her. She had a point, wala na siyang ibang gawin kung ’di ang tanggapin at yakapin ang trabahong pinasukan niya.
Sa kabila ng pangangatuwiran ni Desiree, nanatili si Eury na tahimik, tila ba’t tinatanggap ang hamon na kanyang hinaharap. Sa isang saglit, bumalot sa kanya ang pasanin ng responsibilidad— si Rio Sentimiento.
“Kapagod lang talaga, ’Ma, pero okay pa naman. Humihinga pa rin. Anyway, kumusta naman ang naging lakad mo? Any hints?” usisa nito.
“Wala akong nakuha, wala siyang ibang nabanggit sa press conference niya, ’nak. Bukod sa mga plataporma niya, nasabi rin niyang pupunta siya sa Italy for partnership,” dismayadong sambit ni Desiree habang nakatingin sa anak.
“Talaga? Italy, huh? I smell something fishy.” Napaisip na lamang si Eury sa sinabi ng ina. “I think we’re running out of time, ’Ma.”
“Well, time is ticking, but we can still have time in this world. Justice and truth will soon be revealed, huwag ka munang mainip, nag-uumpisa pa lang tayo,” nakangiting sagot ni Desiree sa anak.
In Eury’s mind, time is gold. She values every moment and seizes opportunities with a sense of necessity and purpose. She knew that the ticking of the clock echoed as a constant reminder of the preciousness of each passing second.
“Sana nga sa bawat pag-ikot ng oras; mas lumalalim ang k’wento ng hustisya, at mas nahuhubog ang tibay ng katotohanan. I just can’t afford to lose everything, not now that we are just beginning.” Napapikit na lamang si Eury habang iniisip ang mga plano nila.
Seconds later, a soft whisper filled the air, as if the stillness held a silent voice. In the midst of silence, echoes of eagerness resonate.
“Ang seryoso mo, ’nak.”
Natigilan na lang si Eury nang marinig niya ang mahinang tawa ng ina.
“’Ma, naman,” simangot nito.
“Gutom ka na pala kaya’t tumutunog na ang tiyan mo!” biro ng ina. Ang pang-aasar na naging dahilan para lumakas ang kanilang mga tawanan.
“Gutom na talaga ako, ’Ma. My body’s super drained, hindi ako nakaatake nang maayos kanina,” pagod nitong sambit.
Saglit pa lang ay napatayo si Desiree mula sa sofa at hinay-hinay na nagpunta sa bandang kusina. “Magluluto ako ng paborito mong pagkain, ’nak.”
Hindi na nakasagot si Eury, bigla na lang itong nag-shutdown. Naririnig pa man din ni Desiree ang paghilik nito. “Pasaway,” nakangising komento nito.
Ngunit walang anu-ano, nagsalita si Eury habang natutulog. “Gusto ko ng tinolang isda, ’Ma. Iyong masabaw na may malunggay...”Narinig ito ni Desiree at napatawa na lang nang mahinahon, “Pasaway talaga! Halatang pagod na pagod ang anak ko.”
YOU ARE READING
Nosi Balasi (Published) | ✓
Mystery / ThrillerPublished under 8Letters Publishing House "Sino ang tunay na may sala sa pagkamatay mo? Sino? Sino ba sila?" Five years ago, Eury Genehuges' sister went missing and was brutally murdered. After a storm of devastation, she began to investigate about...