“Hindi ’to maaari.” Ani Desiree at tumayo sa kanyang pagkakaupo.
Mabilis na napalingon si Eury sa direksyon ng ina at unti-unting nababahala sa mukha nito. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang nangyayari. Ngunit napagtanto niyang may hindi kanais-nais na nakikita ang kanyang ina. Napansin niya na lang na ang mga mata ng ina ay nakapikit na parang may kakaibang bagay na kanyang nakita.
“’Ma? Anong nangyayari? Ang aga mo na namang nagising, nakatulog ka ba?”
“Kagabi pa akong hindi nakatulog, ’nak. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa ’yo o hindi, pero karapatan mo ring malaman ang nalaman ko.”
“Ano ba kasi ’yon, ’Ma? Kinakabahan naman ako sa ’yo,” Eury curiously asked while looking at Desiree. She even saw her shaking her head and started washing her face.
“Your father, Hermiso Evaldez, is one of the seven capital vices... He could be the next target.”
“Po? Paano n’yo naman nasabi na isa siya sa seven capital vices, ’Ma? The last thing I knew, naging senador lang siya and now parte na siya ro’n? No way!” ani Eury sa isang nakakikilabot na boses. Rinig na rinig din ni Desiree ang kanyang paghangos, dala ng galit na tila isang bagyong masisilayan sa mata niya na nagdadala ng panggigigil at poot.
“But there’s a possibility that your father could be killed, ’nak. Hindi ka ba natatakot na mawala ang ama mo? Siya na lang ang natitira mong kadugo, ’nak.” May bahid na pag-aalala sa boses ni Desiree habang tinititigan si Eury.
“No! It’s better if he’s dead!” panggagalaiting anas nito sa harapan ng ina. Napakuyom siya ng kamao, at ramdam ang init ng galit na dumadaloy sa kanyang mga ugat. Ang kanyang bibig ay nananatiling sarado, ngunit ang mga mata niya’y nangungusap sa bawat bugso ng galit. “Mas matutuwa akong maglalaho na lang siya na parang bula.”
“Anak naman, ama mo pa rin siya. Hindi sa kinakampihan ko siya pero mas mabuting tulungan mo siya, ’nak. I know it’s hard to forgive, but he’s your father, siya ang dahilan kung bakit ka nabuhay sa mundong ito. At least man lang iligtas mo ang buhay niya, even just do it anonymously. I’m not doing this on my own, para sa ’yo to, ’nak.”
“Sobrang sakit lang talaga maalala ang lahat ng kababuyan niya, ’Ma. Sarili kong ina, nagdusa nang dahil sa kanya at kitang-kita ’yon ng mga mata ko.”
“Alam kong may kunti ka pang pagmamahal sa ama mo, Eury. Pero isipin mo rin na ang pagtulong sa kanya ay isang paraan ng pagtulong sa sarili mo. Hindi para sa kanya lang, kung ’di para na rin sa iyong sariling kapayapaan. Alam kong hindi biro ang magpatawad, pero sa pagpapatawad, maaaring mabawasan ang bigat ng iyong puso. Huwag mong hayaang ang galit ang magiging kadena sa iyong paglaya, ’nak.”
Sa mahabang sermon ni Desiree sa kanya, napayuko lamang ito at tumango. Kitang-kita sa mga mata ni Eury ang muling pag-usbong ng mga alaalang masasakit na kinikimkim ng puso niya. Sa kabila ng mga salitang bumubulong ng sakit at pagdudusa, napagtanto niya ang katotohanang may mga bagay na mas mahirap intindihin kaysa sa iba.
“Maybe there’s still room for forgiveness. Alam ko naman na maaaring magbago ang lahat kung magpapatawad ako,” bulong ni Eury, na tila ba may bahid pa ng pagdadalawang-isip sa kanyang mga mata.
Lumapit si Desiree at mahinahong hinawakan ang balikat ni Eury. “Mahirap ang pagpapatawad at alam mo, ’nak, mas mapapadali ang lahat kung magpapatawad ka. Diyos nga pinatawad tayo, ikaw pa kaya?”
“But still, it’s hard to forgive. Alam ko sa sarili kong hindi madali ang pagpapatawad. I’m trying to do it because he’s my father and nothing else,” aniya sa mahinang boses.
“Forgiveness is a process, ’nak,” paalala ni Desiree sa kanya. “Hindi ito isang larong tagu-taguan lamang na kapag nakita mo na agad, tapos na ang laro. Ang pagpapatawad ay isang hakbang ng paglalakbay patungo sa paglaya mula sa pasanin ng nakaraan.”
“I know right, ’Ma.” Muling ngumiti si Eury.
“So, you’re willing to help your father?”
Nagkibit-balikat si Eury. “’Ma, hindi ko naman siya ibabalik sa buhay ko. Gusto ko lang siyang maligtas at makatulong sa pagbuhay sa akin sa mundong ito. Well, if it’s for my own good, then why not?”
“That’s good to hear... But there’s one thing I worry about,” sambit ni Desiree na may halong pag-aalala.
Desiree just smiled as she observed the sudden change in her emotions. A quiet understanding passed between them, creating an unspoken connection that transcended their conversation.
“What is it? Ano na naman ba ’yang bumabagabag sa isipan mo, ’Ma?”
“Hermiso will have a press conference later...”
“At may posibilidad na lumitaw ang pinaghihinalaan nating pumatay kay Eira. Should I be there? What’s the plan? ”
“You really need to be there, Eury. Well, don’t have to worry much; I’ll be of help, pagplanuhan lang natin nang mabuti. I hope we can get some answers. We are really close to the truth now. Malapit na nating mabuo ang seven capital vices.”
“I really hope so.”
YOU ARE READING
Nosi Balasi (Published) | ✓
Mystery / ThrillerPublished under 8Letters Publishing House "Sino ang tunay na may sala sa pagkamatay mo? Sino? Sino ba sila?" Five years ago, Eury Genehuges' sister went missing and was brutally murdered. After a storm of devastation, she began to investigate about...