“Please, please wake up...”
Unti-unting nagigising si Eury sa boses na kanyang naririnig. Tahimik man ang lugar at paligid, bagkus ay rinig nito ang mumunting boses na tila ba’y iiyak na sa sobrang pagsusumamo.
Napapikit siyang muli nang maaninag sa sikat ng araw ang kanyang mata at nang tuluyan na niya itong ibuka ay sumalubong sa kanya ang lumuluhang mukha ng isang lalaki.
“R-Rio? What happened? Why am I in the hospital?”
“’Ma, Eury is finally awake!” boses nitong para bang nananabik kaya’t walang patumpik-tumpik na lumabas kaagad ng hospital room at nagsisisigaw sa sobrang tuwa.
Tila hindi maintindihan ni Eury ang tili nito. Base sa pagkakakilala niya kay Rio, masungit at hindi palangiti itong lalaki, kaya’t sobrang ipinagtataka niya iyon. Lalong-lalo na nang makita niya iyong nakangiti.
Napabuntonghininga na lamang siya at napakunot ng noo. “Ano ba talagang nangyayari?” bulong niya sa kanyang sarili.
Akma na sana siyang tatayo nang bigla namang bumukas ang pintuan. Ilang sandali pa’y bumulaga sa kanya ang kanyang ina na si Desiree; isang babae at ang isa pang lalaki na nasa likuran ng ina—ang kanyang ama na si Hermiso.
“Anak!” Desiree suddenly hugged her. Sa sobrang higpit ng yakap nito, hindi na tuloy siya makahinga at makapagsalita. “Mabuti naman at nagising ka na talaga, anak! Sobra mo kaming pinag-alala,” dagdag nitong sambit sa kanya na may kahinaan ng boses, kulang na lang ay maiyak na sa kanyang pagsasalita.
“Hindi ko po kayo maintindihan, ano pong nangyari? Nasaan po si Eira?” naguguluhang tanong ni Eury.
Everyone looked at her in full confusion. While they’re starting at her face, they can’t help but worry. They thought Eury was still unstable.
“Anak, sino si Eira? Okay ka lang ba? May masakit ba sa ’yo?” may bahid ng pag-aalala sa boses nito saka mas lumapit pa kay Eury at hinaplos ang mukha nito.
Eury saw how Desiree’s eyes got teary. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. All she just remembered, she was stabbed with a knife by Simone and all became blurry.
“Hindi ba’t kapatid ko si Eira, ’Ma? Eira was killed... She was killed by Simone. Kailangan niyang makulong...”
“Anak, you were in a coma... Sino ang mga taong pinagsasabi mo? Wala ka namang binabanggit sa aming Eira at Simone na kaibigan mo,” kabadong boses nito.
“Coma? Me?”
“P-po? Coma? Ako po? Baka nagkakamali lang kayo, ’Ma? ‘Di ba, hinahanap natin ang pumatay sa kapatid ko? How about Eira?” Eury sounded so confused, hindi na niya alam kung sino ang paniniwalaan niya.
“You were in a coma for almost two months, anak. Ang tanging kapatid mo lang ay sina Rio at Rhea. Hindi mo ba sila naaalala?” mahinahong sambit ng ama nito—si Hermiso.
“We thought we’d lost you. Sobrang nagpapasalamat kami sa Panginoon dahil nakasama ka pa rin namin ngayon,” luhaang sambit ng ina, saka niyakap ulit siya nito nang napakahigpit. “Huwag mo nang uulitin ‘yon, Eury. Hindi namin kakayanin kong mawawala ka, ikaw ang bunso naming anak. Mahal na mahal ka namin. Nakikita mo ‘yang kuya Rio mo, nag-resign lang para bantayan ka dito sa ospital,” dagdag pa nitong sambit habang kayakap pa si Eury.
“I-I’m sorry po, kahit hindi ko maalala ang nangyari, I still apologize for making you all worry.”
“You’re already forgiven, anak. Saka ang importante ngayon, gising ka na.” Tanging ngiti nito.
Napakamot na lamang ng ulo si Eury, wala pa rin siyang naiintindihan sa mga sinasabi nila. “’Ma? Kung hindi n’yo po mamasamain. P’wede ko bang malaman kung anong nangyari sa akin? Kung bakit ako na-coma? Wala po kasi talaga akong maalala.”
Nagkatinginan lamang si Desiree at Hermiso, animo’y nag-uusap ang kanilang mga mata.
Her parents both sighed. “Maski rin kami, ’nak, nagtaka sa ginawa mo. Masayahin ka naman, wala kaming nakitang rason bakit mo ginawa ’yon. Ang hindi lang namin maintindihan ay kung bakit ka uminom ng mga ipinagbabawal na gamot?”
Fear was visible in Desiree’s eyes when she told Eury what happened to her. Kahit siya mismo ay nagulat sa ikinuwento ng ina. Maraming tanong ang pumasok sa kanyang utak, ngunit wala siyang nakuhang mga sagot.
A couple of seconds passed, and Rhea, from behind, stood up. “Looks like your depression eats you alive, dear Eury. I was there when you collapsed. Sa pagkakaalam ko, tinatapos mo ang sinusulat mong akda. Kung hindi ako nagkakamali, Eira and Simone were the characters in your book,” ani Rhea at napaupo sa kanyang tabi.
“I wrote something?” usisa nito.
“It’s not just something, anak. It’s your masterpiece; although you haven’t finished what you have written, you can still finish it when it’s okay. Kahit nasa coma ka, hindi kami sumuko at nanatili ka pa rin sa aming mga tabi. We are so proud of you.”
“Po? I wrote a book? What book? How did I write that?” sunod-sunod nitong tanong.
“Nosi Balasi.”
Hearing the title herself, Eury let out a small chuckle as she breathed heavily, a sign of relief.
YOU ARE READING
Nosi Balasi (Published) | ✓
Misterio / SuspensoPublished under 8Letters Publishing House "Sino ang tunay na may sala sa pagkamatay mo? Sino? Sino ba sila?" Five years ago, Eury Genehuges' sister went missing and was brutally murdered. After a storm of devastation, she began to investigate about...