Kabanata 1

248 10 0
                                    

“Congratulations, Mayor!” bati ng mga tagahanga ni Mayor Rio Sentimiento na kapapanalo lamang galing sa eleksiyon makalipas ang isang linggo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Congratulations, Mayor!” bati ng mga tagahanga ni Mayor Rio Sentimiento na kapapanalo lamang galing sa eleksiyon makalipas ang isang linggo.

Si Mayor Rio Sentimiento ay ang panganay na anak ni Romualdo Sentimiento na isa sa mga tagapaglingkod ng bayan, sa madaling salita, isang mambabatas sa Kongreso ng Pilipinas na may mahalagang papel sa paggawa ng mga batas para sa bansa. Sa edad na bente-otso, naging isa siyang mayor sa munisipalidad ng San Ijida, hindi lamang isang beses kung ’di pangalawang beses na.

“Ngumiti ka, Rio. Huwag mong kalimutang nasa harap tayo ng maraming tao. Maraming mata ang nagmamasid sa ’yo, maraming nakaabang upang pabagsakin ka sakaling magkamali ka,” mahinang bulong ng sariling ama sa kanya habang patuloy na ngumingiti sa harapan ng mga tao.

“I will, Dad,” mariin niyang sagot sa ama.

Kaway roon, kaway rito. Ngiti roon, ngiti rito lamang ang tanging ipinapakita ng mag-amang Sentimiento habang nakasakay sa isang malaking trak na pinapasada sa buong San Ijida.

“Mayor! Mayor! Maligayang pagkapanalo, Mayor Rio Sentimiento! Mabuhay ka!”

Rinig na rinig nila ang hiyawan at sigawan ng mga taong nakaabang sa kanila roon kaya’t hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ni Congressman Romualdo Sentimiento. Ilang sandali pa ay huminto ang malaking trak at kaagad na bumaba ang mag-ama patungo sa isang entabladong nakahanda para sa kanila.

Tumayo si Congressman Romualdo Sentimiento sa entablado at bumati, “Magandang umaga, San Ijida!”

“Mabuhay ang pamilyang Sentimiento! Mabuhay ang bagong mayor ng San Ijida!”

Hindi magkandamayaw sa hiyawan ang mga tao na patuloy isinisigaw ang pangalan ni Mayor Rio Sentimiento, nangangahulugang malakas ang suporta at pagkilala ng mga tao sa kanya. Ang ganitong uri ng liderato ang pinakaaasam-asam ng kanyang ama, dahilan upang maging mataas ang antas ng pagtitiwala at reputasyon ang nakukuha niya mula sa kanyang mga nasasakupan.

Akma na sana siyang uupo sa kanyang upuan nang may isang tagahanga niya ang nagtanong tungkol sa kanyang pagkapanalo.

“Mayor, ano po bang sekreto n’yo sa pagkapanalo? Sa pagkakatanda ko po, pangalawang beses na po kayong nanalo bilang isang mayor.”

“Sumagot ka nang maayos,” pabulong na banta ng kanyang ama na kauupo lamang.

“Magandang umaga sa lahat ng nandirito at maraming salamat sa tanong, malugod ko itong tinatanggap. One thing for sure, God is surely on my side.” Ngisi nito sa harapan ng mga tao.

“Ibig sabihin, hindi totoo ang usap-usapan na hindi kayo naniniwala sa Diyos?” dagdag pa nitong tanong.

“Kung ano man po ang narinig n’yong usap-usapan, huwag po kayong maniwala kaagad dahil pawang kasinungalingan lamang iyon. Maniwala po kayo sa akin bilang isang mayor na matagal n’yo nang tinatangkilik. Totoo ang Diyos, siya ang nagpapanalo sa akin sa eleksiyong ito, at kung hindi rin dahil sa tulong n’yo, wala ako dito sa harapan n’yo. Maraming salamat, San Ijida sa pagpili sa akin.” Direktang ngiti niya na para bang nagtagumpay siya sa lahat ng aspeto sa buhay.

“Sinungaling ka, Mayor!”

Napatigil ang lahat nang may bigla silang marinig na malakas na boses galing sa isang babaeng nakasuot ng uniporme.

Nagtatagis-bagang itong nakatingin kay Mayor Rio Sentimiento, dahilan para mapaatras ito sa kanyang kinatatayuan.

Sumiklab ang mga matatalas nitong salita galing sa kanyang bibig, “Ito ba ang tinatawag n’yong tuwid at tapat na naglilingkod sa bayan? Baka hindi n’yo alam ang mga karumal-dumal at nakatagong sikreto ng pamilyang Sentimiento. Mga mapanlinlang!” sabay hakbang patungo sa harap ni Mayor Rio.

“S-sino ka ba? Tumigil ka! Tumigil ka na sa kahibangan mo! You are talking nonsense!” puno ng pang-iinsulto ang boses nito habang nakatingin sa mata ng babae.

“Ano? Natatakot na ba kayo? Congressman Romualdo Sentimiento? Bakit natahimik ka? Naputol na ba dila mo ngayon at hindi ka na makapagsalita? Magsalita ka! Sabihin mo sa buong mundo ang mga katarantaduhan na mga ginawa mo! Ang mga pamilyang binaboy mo!”

Napatitig si Congressman Romualdo Sentimiento sa babae nang may galit sa mga mata. “Huwag mo akong subukan, iha!” tugon niya na may kasamang pagtutol. “Hindi ako natatakot sa iyo o sa anumang alegasyon mo. Kung mayroon kang ebidensya, ipakita mo nang mabuti sa amin.” Sinubukan niyang panatilihin ang kanyang kalmadong boses, ngunit malinaw na sumisiklab ang tensyon sa pagitan nila.

Evidence... That word is not new to her anymore. The intense exchange raised critical questions about the role of evidence in holding individuals, particularly those in positions of power, accountable for their actions. Because evidence... It serves as a foundation upon which judgments and decisions are made.

“Hinding-hindi mo ako madadala sa mga pananakot at paninindak mo sa akin, Congressman Sentimiento.” Patuloy nitong ngisi.

“Nakamaskara ka lang ngayon, iha. Hindi mo kilala ang kinakalaban mo, baka bukas buhay mo na ang mawawala,” may halong paninindak niyang deklara.

Napangisi lamang nang tuluyan ang babae, matapos ay pumagitna siya sa entablado.

“Congratulations, Mayor Rio Sentimiento! Baka sa susunod na araw, ako naman ang magdidiwang dahil sa pagbagsak mo. Hihintayin ko ang araw na ’yon!” parang nababaliw na sigaw ng babae.

“Guards! Ipakaladkad n’yo na ang babaeng ’yan!”

“Sino ba kayo sa mga inaakala n’yo? Mga Diyos ba kayo? Kayong mga taga San Ijida, sino ba sila? Sino ba sila!”

Saglit na namayani ang katahimikan sa San Ijida nang makita nilang parang nababaliw ang babaeng sumugod sa mag-amang Sentimiento. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman, dito mag-uugat ang mga alon ng katotohanan, at sa San Ijida magsisimula ang simoy ng pagbabago o baka isang delubyo ng... kasamaan.

Nosi Balasi (Published) | ✓Where stories live. Discover now