CHAPTER 1

544 15 1
                                    

"Can you please marry the son of Mr. Cheng?"

"P-Po, Mom..."

Napaiwas ng tingin si Joy sa kaniyang ina. Hindi niya akalain na ito pala ang hihilingin ng kaniyang ina.

"Anak, you know how rich Cheng Family is. Sila ang makakatulong sa atin para makabangon ang kumpanya natin. I can't lose our business. Alam mo kung gaano ko pinaghirapan ito, dahil ito rin ang nagtaguyod sa atin. Simula nang iwan tayo ng ama ninyo ni Brian, nakita mo kung gaano ako naghirap para lang pagtapusin ko kayo ng pag-aaral... Anak, please..."

Hinawakan niya ang mga kamay ni Joy, dahilan para mapa-angat ng tingin si Joy sa kaniyang ina. Mapait siyang napangiti at dahan-dahang tumango sa kaniyang ina kahit ba ang puso nito ay uma-ayaw sa gusto ng kaniyang ina.

"Sige po, Mom. Tatanggapin ko po, kung ito talaga yung gusto ninyo at kung ito po yung makakatulong para sa atin. Alam ko naman po na napakalaki ng sakripisyo niyo sa amin ni Kuya." Napakagat sa ibabang labi si Joy, wala siyang magawa kundi ang sumang-ayon na lamang.

"Maraming salamat anak. Sinisigurado ko sayo, napakabait ng anak ni Mr. Cheng. Gwapo rin 'yon, at malamang sa malamang mabilis lang kayo magkakadevelop-an." Biro pa ng ina ni Joy.

Pekeng tawa na lang ang nasagot ni Joy sa sinabi ng kaniyang ina. Ilang sandali pa ay tumunog ang telepono nito.

"Sandali lang anak, may tumatawag—"

"Wait, Mom. Aalis na rin po sana ako. Pupuntahan ko po si Hanna."

"Ganoon ba? Sure, go ahead. Mag-enjoy kayo at ibalita mo sa kaniya na magiging Mrs. Cheng ka na."

Napayuko si Joy at sinuot ang kaniyang high heels. Nanghihina siyang lumabas ng kanilang bahay at nagpahid sa kaniyang personal driver patungo sa bahay ni Hanna.

"Hanna?" Sigaw ni Joy sabay katok sa pinto ng bahay ni Hanna.

"Joy!" malapad na ngiti ang sinalubong sa kaniya ng kaniyang matalik na kaibigan.

College best friends ang dalawa at ngayon ay may asawa na si Hanna.

"Buti naman napadalaw ka ulit, pasensya na ha? Hindi kasi ako makalabas ng bahay masyado. Napakastriko kasi ng asawa ko, buntis kasi ako kaya ayun... Alam mo na, protective."

"Kamusta pala ang baby? May gender na ba?" tanong ni Joy.

"Wala pa, next month pa malalaman. Upo ka muna, anong gusto mo? Juice?"

"Wine." May halong buntong hininga ang pagkakasabi ni Joy dahilan para mahalata ni Hanna na problemado ang kaniyang kaibigan.

Agad niyang niyakap si Joy, kasabay noon ang pagtulo ng mga luha niya.

"Bes, si mommy kasi..."

"Anong nangyare? Makikinig ako sayo..." Hinimas ni Hanna ang likod ni Joy.

"Gusto niya akong ipakasal sa anak nung business partner niyang si Mr. Cheng, ni hindi ko nga kilala yon, at alam mo namang ayoko mag-asawa. Kahit nga nobyo e wala ako..."

"A-Ano? Bakit ka naman pumayag? Hindi ba alam ni Tita na trauma ka sa mga lalake dahil sa Dad mo?"

Napailing si Joy sabay punas sa kaniyang mga luha.

"Hinding-hindi ko makakalimutan lahat ng ginawa samin ni Dad... Kung paano niya saktan si Mommy, basagin lahat ng gamit sa bahay, mambabae at pagbuhatan kami ng kamay ni Kuya. Iniwan niya kami para sa babae niya, nakita ko kung gaano siya kawalang-hiya, Hanna. Pakiramdam ko lahat ng lalake kagaya lang ni Dad. I was just 10 years old that time... Pero Hanna, dahil rin doon hindi ko magawang tanggihan si Mom. Ang hirap humindi sa kaniya..."

Arranged Marriage With Mr. CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon