Pagsapit ng gabi, tumungo sila sa Bar and Grill kung saan sila maghahapunan. Puno ito ng mga turista at mayroong banda na kumakanta sa stage.
"Here's your order, Ma'am and Sir!"
Nakaramdam ng gutom si Joy nang maamoy niya ang masarap na pork steak, sa sobrang excited ni Joy na tikman iyon ay hindi niya alam na sobrang init pala nito.
"Aray..."
"Iluwa mo, next time be careful. Here, uminom ka," nag-aalalang sabi ni Liam.
"Anak, mag-iingat ka naman..."
Pinunasan ni Liam ang gilid ng labi ni Joy. Napatitig si Joy sa kaniyang asawa, kahit ba alam niyang pagpapanggap lamang ang ginagawa nila ay may parte kay Joy na natutuwa ito sa trato sa kaniya ni Liam.
"Thank you," bulong ni Joy.
"Try this instead," sabi ni Liam sabay kuha sa tinidor nito.
Sinubuan ni Liam ng pasta si Joy, habang ang mga magulang nila ay tuwang-tuwa sa kanilang nasasaksihan, lingid sa kanilang kaalaman na pagpapanggap lamang iyon.
"Masarap, 'di ba?"
"Oo nga, magaling ka talaga pumili ng order mo," biro ni Joy.
Napangiti si Liam at kaniya pang pinaghimay ng steak si Joy. Habang kumakain sila ay biglang um-order ng alak ang magulang nito.
"Let's have a drink!" masayang sabi ng ina ni Liam.
Napayuko siya dahil alam niya ang binabalak ng kaniyang ina, nais silang painumin ng alak at kung malasing sila ay posibleng makagawa sila ng milagro.
"Naku, Mommy Jenny, masyado pong matapang 'tong na-order niyo, baka malasing po kami niyan," sabi ni Joy.
"Don't drink too much," bulong ni Liam sa kaniya.
Tumango naman si Joy ngunit habang tumatagal ay paulit-ulit na pinupuno ang baso ni Joy. Habang si Liam naman ay wala ring magawa sa pagpilit sa kaniyang uminom, mabuti na lamang at mataas ang alcohol tolerance nito.
"Liam, parang hindi ka umiinom, mas malakas pa pala sayo si Joy sa alak e!" biro ng kaniyang ina.
"Stop it, Mom. Baka maging wasted lang si Joy," sabi ni Liam at kinuha ang alak sa kamay ng kaniyang ina.
"Anak, we're just having fun, hindi ba... Joy?" aniya.
Paglingon nila kay Joy ay bigla nalang itong pumikit at nang babagsak ang ulo nito sa lamesa ay mabilis na sinalo ni Liam ang noo nito gamit ang kaniyang palad.
"See? Mukha bang nag-e-enjoy si Joy? Nilasing mo lang siya," inis na sabi ni Liam.
"Anak naman, minsan lang naman ito. Uminom ka pa—"
"No, so please excuse us." Mabilis na tumayo si Liam. Sandali siyang napatigil nang biglang nagbago ang timpla ng katawan nito.
"Are you okay? Sorry, anak. We taught mas magiging komportable kayo kapag uminom tayo," sabi ng ina ni Joy.
"It's fine. Mauna na kami," sabi ni Liam at agad na binuhat si Joy.
Napatingin sa kanila ang mga tao sa paligid, marami ang kinilig at nagbulungan. Pinilit ni Liam na makabalik ng kanilang hotel habang ramdam na nito ang ngalay ng mga braso niya sa elevator ay biglang nagising si Joy.
"Nasaan tayo?" tanong nito.
"Lasing ka na," saad ni Liam.
"Sanay ako malasing..." natatawang sabi ni Joy at pilit na tumayo.
"So, party girl ka pala?" tanong ni Liam.
"Hindi naman, marami kasing problema kaya dinadaan namin ng best friend ko sa alak. Nami-miss ko na nga yung best friend ko, buntis kasi siya ngayon kaya hindi kami makapag-inom. Magaling magtimpla ng alak yung kilala naming bar sa—"
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage With Mr. CEO
RomanceIsang dalaga na trauma sa lalake dahil sa kaniyang ama, na ipinagkasundong ipakasal sa isang binata na hindi niya kilala. Magkaroon kaya sila ng mapayapang buhay kahit pilit lamang silang nagpakasal?