Paglabas ng banyo ni Joy ay pilit niyang ibinababa ang dress nitong hapit na hapit, bakat na bakat ang kurba ng katawan ni Joy dahilan para mapalingon si Liam sa kaniya na abala sa pag-aayos ng maleta nito.
"We will eat lunch, sasakay tayo ng yatch tapos ganyan ang suot mo?" tanong ni Liam.
"May choice ba ako? Wala naman akong ibang damit!" reklamo ni Joy sabay irap.
Naupo si Joy sa harap ng vanity mirror, naglagay siya ng sunscreen at ang paborito nitong lipstick. Nang makapag-ayos siya ay dali-dali siyang lumabas ngunit sinundan siya ni Liam.
"Oh, saan ka pupunta?" tanong nito.
"Bibili ng damit, mukha akong sa bar pupunta kung ganito ang suot ko," sagot ni Joy habang naglalakad patungo sa elevator.
"Okay then, bye."
Napataas ang kilay ni Joy, buong akala niya ay sasamahan siya ni Liam, iniwanan siya nito sa loob ng elevator. Napabuntong hininga na lamang siya at saka tumungo sa ground floor.
Payapang naglalakad-lakad si Joy habang tumitingin sa paligid, napakaraming tao at halos lahat ay turista. Marami ring nag-aalok-alok ng kanilang mga paninda. Napahinto si Joy nang makita ang isang lalake na tumutugtog ng gitara habang kumakanta, may mga taong nag-abot sa kaniya ng pera.
"Mukhang pinoy," bulong nito at nagpatuloy sa paglalakad.
Nakakita siya ng isang souvenir shop, pumasok siya roon at nakakita ng mga t-shirt na may tatak ng Hawaii. Binili niya iyon at naghanap pa ng ibang store. Nang makaramdam siya ng uhaw ay tumungo siya sa katabing restaurant doon.
"One mango shake please," sambit ni Joy at handa na sanang magbayad ngunit laking gulat niya nang makitang ubos na ang Dollars nito at tanging Peso bills na lang ang laman ng wallet niya.
"Naku, wala na pala akong dollars..."
"Give me two, I'll pay for her," sabi ng isang lalake at tumabi kay Joy.
Napalingon si Joy sa lalake at napagtanto niyang iyon ang lalakeng kumakanta kanina lang.
"Kabayan, ako nga pala si Paulo," nilahad nito ang kamay niya.
"Joy," nakipagkamay si Joy sa kaniya at napansin ng lalake ang sing-sing nito.
"Married?" tanong niya.
"Oo, kahapon lang," walang ganang sagot ni Joy.
"Parang hindi ka masaya."
"Ewan nga ba, nga pala... Babayaran na lang kita sa peso—"
"Huwag na, libre ko na yon. Congrats newly wed, nasaan ang husband mo?" tanong ni Paulo.
Napayuko naman si Joy at nahihiyang magsalita, pakiramdam niya ay hindi niya deserve ang ganitong set up nila ni Liam.
"Mukhang namili ka mag-isa? Uuwi ka na ba ng Pinas? Puro souvenirs yan," kumento ni Paulo sabay turo sa paper bag ni Joy.
"Ah, hindi. Wala kasi akong masyadong damit na nadala. Kaya bumili ako." Nakangiting sagot ni Joy.
"Here's your order Mam, Sir." Sabi ng isang waitress at inilapag sa kanilang harapan ang order nila.
"Thank you ulit dito," sabi ni Joy.
"You're welcome. Mauna na rin ako, tutugtog pa ako," sabi ni Paulo.
Ngumiti ito at umalis na. Habang umiinom naman si Joy ay laking gulat niya nang makita ang ina nito, pakiramdam niya ay namamalikmata lamang siya. Nilapitan niya ito at nagkagulatan ang dalawa.
"MOM!?" gulat na sigaw ni Joy.
"A-Anak!" Nagkatinginan ang ina ni Joy at ang ina ni Liam.
"A-Anong ginagawa niyo rito?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage With Mr. CEO
Lãng mạnIsang dalaga na trauma sa lalake dahil sa kaniyang ama, na ipinagkasundong ipakasal sa isang binata na hindi niya kilala. Magkaroon kaya sila ng mapayapang buhay kahit pilit lamang silang nagpakasal?