Nagtungo si Liam at Joy sa living room kung nasaan ang ina ni Liam na ngayon ay abala sa kaniyang cellphone. Hindi pa man tuluyang nakakalapit sina Joy ay biglang idinikit ng ina ni Liam ang cellphone niya sa kaniyang tenga.
"Yes, they are doing good. Nakita ko nga sila sa iisang kama, they are having a good relationship. I am sure mag-wo-work ang marriage nila."
Nagkatinginan si Liam at Joy sa kanilang narinig. May parte sa puso ni Liam na ayaw niyang ma-disappoint ang kaniyang ina ngunit hindi rin naman niya kayang tiisin ang relasyon na napipilitan lamang.
"I'll call you back..." sabi ng ina ni Liam nang makita niya ang mag-asawang nakatayo sa kaniyang gilid.
"Mommy Jenny, it's nice to see you po again," malambing na wika ni Joy sabay beso sa ina ni Liam.
"It's good to see na you are getting along with my son. Siguro naman, Liam... Inaalagaan mo ng mabuti itong si Joy," nagkatinginan muli si Liam at Joy.
Bakas sa mata ni Liam ang pagkailang, alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya hustong naalagaan si Joy. Samantala, nakangiti naman si Joy dahil alam niya sa kaniyang sarili na hindi siya pinababayaan ni Liam.
"Of course, Mom.. I-I am taking care of her. Iyon rin naman ang pinangako ko sa Mom ni Joy," sabi ni Liam. Napaiwas siya ng tingin kay Joy.
"That's great, bumisita lang ako para i-check ang bahay ninyo, mukhang okay naman. Malinis at maayos ang set-up ninyo. Kung may gusto at kailangan kayong bagong furniture sa bahay, you can call me," sabi niya kay Joy.
Napangiti si Joy at tumango.
"Dinala ko nga pala ang legal contract signed by the Bernardo Family," sabi ng ina ni Liam sabay abot kay Liam ng isang envelope.
"Thanks, Mom."
"Starting next week, monday... Joy will accompany you. She will be assigned as the new CFO of our company."
"P-po? Chief Financial Officer?" gulat na tanong ni Joy.
"Yes, because the CEO is Liam. Mas mabuti kung magkasama kayong mag-asawa sa iisang company. Naka-usap ko na rin ang mother mo regarding this, since handle niya pa rin naman ang company niyo, and financial ang role mo sa both companies, I can say na you'll do well. I believe in you, anak!"
Natulala si Joy, hindi niya akalain na hindi lang responsibilidad bilang asawa ang kaniyang kailangan gampanan ngunit kailangan niya ring pagbutihin sa trabaho.
Nakita naman ni Liam na nagulat si Joy sa mga sinabi ng kaniyang ina, maski siya ay hindi rin makapaniwala. Agad niyang hinila ang kaniyang ina patungo sa labas ng bahay.
"Anak, bakit ba?"
"Mom, Bakit mo siya ginawang CFO?"
"What's the matter? Kailangan magkasama kayo sa company. May problema ba about doon?"
"Napakahirap i-handle ng financial management-"
"Then help her, guide her. Asawa mo siya."
Napatigil si Liam sa kaniyang narinig, tila ba sinampal siya ng katotohanang kasal sila at sa lahat ng bagay ay magkaugnay na silang dalawa.
"Anyway, uuwi na ako. May foot spa pa ako tomorrow morning, I need beauty rest. By the way, ipa-pregnancy test mo na si Joy next month!"
"Mom!"
"See you around!"
Naglakad na patungo sa Van ang kaniyang ina. Nakabusangot namang bumalik ng bahay si Liam, naabutan niya si Joy na nakahiga sa sofa.
"Are you crying?" tanong nito.
Nang silipin niya ang kaniyang asawa ay nadatnan niyang natutulog na ito.
"Naku, nakatulog na pala si Mam Joy diyan... Ang dalas pala matulog ni Mam," sabi ni Martha.
Nagtaka si Liam kaya naman hindi niya napigilang magtanong.
"Madalas? Nakikita mo ba siyang patulog-tulog?" tanong ni Liam.
"Kanina po kasi pagka-kain niya ng almusal nakatulog siya, tapos paggising niya umalis siya tapos ayan, tulog na naman si Mam..."
Napakunot ang noo ni Liam, hindi naman antukin si Joy noong nasa Hawaii sila kaya naman agad niyang binuhat si Joy.
"Manang Betty, pakibuksan na yung kwarto ni Joy, ihihiga ko na siya don," sabi ni Liam.
"Sige po."
Inihatid ni Liam ang kaniyang asawa sa silid nito, kinumutan niya si Joy at tinanggalan ng kolorete sa mukha gamit ang wet wipes.
"You're a unique woman, alam mo ba 'yon? Ikaw lang ang nakapagpatibok sa puso ko ng ganito. Tuwing nariyan ka, nag-iiba ang ihip ng hangin. I know na hindi mo 'ko gusto, hindi ko na ipipilit pa ang sarili ko sayo..."
Tumayo si Liam at tuluyan nang iniwanan ang natutulog niyang asawa sa silid.
Kinabukasan, maagang pumasok si Liam sa trabaho. Hindi na naman niya nakasabay mag-almusal si Joy, may parte sa kaniya na hindi siya sanay nang hindi na kasabay kumain si Joy ngunit kailangan niyang masanay.
Pagdating niya sa trabaho ay sinalubong siya ng kaniyang bagong secretary. Papasakay siya sa elevator nang habulin siya nito.
"Good morning, Sir! Late na po ba ako?" tanong niya.
"No, maaga lang akong pumasok." Akmang pipindutin ni Liam ang floor number ngunit inunahan siya ng kaniyang secretary.
"Ria, make five photocopies for this contract. Ingatan mo, that's a very important document," inabot ni Liam kay Ria ang envelope na binigay sa kaniya ng kaniyang ina kagabi lamang.
"Noted po, Sir!" masiglang sabi ni Ria.
Napakunot ang noo ni Liam, tila ba pareho sila ng energy ni Joy. Sandaling napatitig si Liam kay Ria, nakikita niya si Joy sa kaniyang bagong secretary.
"Nandito na po tayo-M-May dumi po ba ako sa mukha?" Naiilang na sabi ni Ria nang mapansin nitong nakatitig sa kaniya si Liam.
"Wala," tipid na sagot ni Liam.
Napangiti naman si Ria, lingid sa kaalaman ni Liam na may ibang binabalak si Ria sa kaniya, matagal nang may gusto si Ria kay Liam at nag-apply ito bilang secretary upang mapalapit siya kay Liam.
"Sir, ako na pong magbubukas ng laptop ninyo!" mabilis na kumilos si Ria.
Sinadya niyang yumuko upang makita ni Liam ang malalaking dibdib nito. Hindi naman siya nabigo, dahil nahuli niya ang mga mata ni Liam sa kaniyang dibdib.
Samantala, ang nasa isip ni Liam ay ang gabi ng pagtatalik nilang dalawa ni Joy. Hindi hamak na mas maganda ang hubog ng dibdib ng kaniyang asawa kaysa sa ibang babae.
"Okay na po, Sir."
"Thanks, what's my schedule today?"
"Meeting po with board members at 10 am, lunch with Mr. Cheng, your father po, then approval for endorsements."
"That's all?"
"Yes, Sir."
"Good, maaga pala akong uuwi ngayon."
"Bakit sir? Excited po ba kayo umuwi?" tanong ni Ria.
Napabuntong hininga lamang si Liam, hindi siya nakasagot sa tanong ni Ria.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage With Mr. CEO
RomanceIsang dalaga na trauma sa lalake dahil sa kaniyang ama, na ipinagkasundong ipakasal sa isang binata na hindi niya kilala. Magkaroon kaya sila ng mapayapang buhay kahit pilit lamang silang nagpakasal?