Lumipas ang ilang araw, naupo na sa posisyon si Joy bilang CFO ng kumpanya ni Liam. Habang ang lahat ng tao ay nagpapalakpakan para sa kanilang bagong boss... Hindi naman maipinta ang mukha ni Ria nang malamang dito na rin magtatrabaho ang asawa ng matagal na niyang napupusuan.
"Mukhang kailangan mo na rin ng secretary, I can find you one," sabi ni Liam.
"Siguro, pero kailangan ko muna kayanin mag-isa."
"Mam, ihahatid ko na po kayo sa office ninyo, sa 7th floor po," sabi ni Ria at pumagitna sa dalawa.
"What's your name again?" tanong ni Joy.
"Ria po, Mam!"
"Sige, Ria. Gusto ko munang libutin ang building. Paheram muna ako ng secretary mo, ah?" sabi ni Liam.
"Sure... Just make sure to return her by 3 pm, darating sila Mr. Bernardo."
"May meeting ka pala mamaya, hanggang anong oras ka?" tanong ni Joy.
"I don't know."
Tumango lang si Joy at tumungo na sa elevator. Pagtingin niyang muli kay Liam ay may kausap na itong grupo ng mga lalakeng empleyado. Ibang-iba ang dating ni Liam, tila ba nangingibabaw ang kagwapuhan, tindig at malakas niyang charisma.
"Kamusta po ang marriage niyo, Mam Joy?" biglang tanong ni Ria.
"O-Okay naman kami," tipid na sagot ni Joy.
Lingid sa kaniyang kaalaman na alam ni Ria ang lahat tungkol sa kanilang mag-asawa. Dahil sa pagka-obsess ni Ria kay Liam ay kumuha siya ng private investigator at napag-alaman nilang magkahiwalay ang silid ng mag-asawa.
"Dito po ang cafeteria, Mam. Buffet type, kaya busog lagi ang mga employees ni Sir Liam, ganoon siya ka-generous." kwento ni Ria.
Kailangan niyang mapalapit kay Joy para hindi siya pagdudahan nito.
"Mukhang masarap yung soup nila, crab and corn ba 'yan? Favorite ko 'yan nung highschool ako," kwento ni Joy.
"Opo, Mam. Gusto niyo po ba? Ikukuha ko kayo," sabi ni Ria.
"Sige, ikuha mo ako please," sabi ni Joy at naupo sa isang table for 2 people.
Nakangiti si Joy na hinihintay si Ria ngunit nang pabalik na si Ria dala ang soup sa tray ay biglang may nakabunggo itong isang babae. Natapon ang soup kay Ria at nadumihan ang uniform nito.
"Hala! Ang uniform mo!" sigaw ni Joy at mabilis na nilapitan si Ria.
"Sorry po, Mam Joy, Sorry po, Miss! Hindi ko kayo napansin nagce-cellphone kasi-"
"O-Okay lang, Miss... Mag-iingat ka next time. Magbibihis lang po ako, pakikuha na lang ng bagong soup si Mam Joy..." Pilit na nagpipigil ng inis si Ria, wala tuloy siyang magawa kundi tiisin ang sakit ng mainit na soup na tumapon sa kaniya.
Samantala, patungo si Liam sa kaniyang opisina. Pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kaniya si Ria na naka-tank top lamang at skirt.
"Bakit ganiyan ang suot mo?" tanong ni Liam.
"Natapunan po ako ng soup ni Mam Joy kanina."
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage With Mr. CEO
RomanceIsang dalaga na trauma sa lalake dahil sa kaniyang ama, na ipinagkasundong ipakasal sa isang binata na hindi niya kilala. Magkaroon kaya sila ng mapayapang buhay kahit pilit lamang silang nagpakasal?