Gabi na nang makarating si Liam at Joy sa kanilang malaking bahay, nasa 250 sqm ang sukat nito, tamang-tama lamang para sa kanilang dalawa.
"Home sweet home love birds!" sabi ng ina ni Liam sabay abot kay Joy ng susi ng bahay.
Napangiti si Joy.
"Uuwi na rin kami, sana mapuno ng pagmamahalan ang bahay ninyo," dagdag ng ina ni Joy.
"Thank you po, mag-iingat po kayo sa byahe," sabi ni Joy.
Kumaway lamang si Liam sa dalawa bago tuluyang isarado ang pinto ng Van na sinasakyan ng kanilang magulang. Nang tuluyan na silang umalis ay sinarado na ni Liam ang gate ay nawala ang ngiti ng mag-asawa.
"Open the doors, ang lamok dito sa labas," utos ni Liam.
Mabilis na kumilos si Joy, nadatnan nila ang kanilang mga gamit sa living room. Kahon-kahon iyon at may mga pangalan nila.
"Grabe, mukha akong pinalayas, naka-kahon talaga? Mukhang balikbayan box," Sambit ni Joy.
"So much work to do, kaya ayoko ikasal e..." sambit ni Liam habang hinihila ang kanilang mga maleta papasok ng bahay.
Binuksan ni Liam ang lahat ng switch, lumiwanag ang buong bahay dahilan para mamangha si Joy sa ganda ng kanilang tahanan.
"Grabe, minimalist style... Sobrang aesthetic! White and wood theme," sambit ni Joy, binitawan niya ang kaniyang bag at naglakad sa buong bahay.
Kumpleto ang gamit, maski ang furniture. Napahawak si Joy sa malaking oven nito, may air fryer, rice cooker at electric stove. Nakita niya rin ang coffee maker, na-excite siyang gumawa ng kape.
"Sagot ba nila ang supply natin?" Tanong ni Joy.
"Of course not, by the way... We already have a joint account at a bank. All of our monetary gifts from the wedding were sent there by Mom's secretary."
"Talaga? Naka-magkano?"
"Eight hundred thousand pesos."
"W-What!?" Napatulala si Joy sa laki ng pera na nakuha nila.
"Converted na lahat sa peso, most of them sent foreign money. That's why mataas talaga kapag converted sa peso," sabi ni Liam.
"Ang galing naman... Ang yayaman kasi," kumento ni Joy.
"Hindi lang 'yon, may mga business partners rin akong hindi monetary gift ang bigay, but stocks and shares sa business."
"Ibang klase ka talaga," namamanghang sabi ni Joy.
"I know, ako lang 'to," ani Liam.
"Sus, pero in fairness, ang galing nga pumili ng Mommy mo. Ganda ng bahay," sabi ni Joy.
"Right, I'll just check the rooms. Nabanggit ni Mom na apat ang kwarto."
"Ang dami naman."
"Yup, kaya yung isa ay sayo na. Pumili ka na lang." Napatigil si Joy sa sinabi ni Liam.
Nakaramdam siya ng kaunting lungkot, muli niyang naalala na magsisimula na ang wala nilang pakealamanan sa buhay ng bawat isa.
"I'll get the first door, this is my room!" sigaw ni Liam mula sa second floor.
Nakatitig lamang si Joy sa hagdanan, hindi siya maka-akyat. May kung ano siyang lungkot na nararamdaman.
"Ano ka ba, Joy? Hindi ba mas okay na 'to? Hindi na kayo tabi matutulog..." bulong niya sa sarili.
"Oh, ano pang tinatayo-tayo mo diyan?" Rinig sa buong bahay ang baritonong boses ni Liam.
"H-Ha?"
"Get your things, anyway... Bahala ka, kung kelan mo gusto mag-ayos." Tinalikuran siya ni Liam habang bitbit nito ang maleta patungo sa kaniyang silid.
Napabusangot naman si Joy, hindi niya alam kung kakayanin niyang buhatin ang kaniyang mabibigat na gamit.
"Bahala na, kahit masira 'to," bulong ni Joy sabay hawak sa handle ng maleta.
Malakas ang kalampag ng maleta nito sa hagdanan, kada baitang ay humahampas ang gulong nito.
"What's that sound!?" Sigaw ni Liam at lumabas ng kaniyang silid.
Napatingin si Joy sa kaniyang asawa, nasa kalagitnaan na siya ng hagdanan. Napabuntong hininga si Liam nang makita ang ginagawa ni Joy.
"Kabago-bago ng bahay natin, dudumihan at sisirain mo?" inis na sabi ni Liam.
"Hindi ah, okay naman yung hagdan, maleta ko ang hindi," aniya.
"Kahit na ba, ako na nga ang magbibitbit niyan!" Mabilis na lumakad si Liam patungo kay Joy.
Napangiti si Joy sa pagtulong sa kaniya ni Liam. Naisip niyang lumugar na lamang sa tabi ng kwarto ni Liam kaya iyon ang pinto na kaniyang binuksan.
"Wow, ang ganda. Ang laki ng kama," sambit ni Joy.
Tumayo siya sa whole body mirror na katabi ng vanity table. Tinignan siya ni Liam ngunit mabilis itong nag-iwas ng tingin. Binuksan ni Joy ang kaniyang maleta at nilabas ang mga damit nito.
"Kailangan natin magpa-laundry," aniya kay Liam.
"Bukas ng umaga, darating na ang mga maids na hinire ko, sila na ang bahala sa laundry."
"Ganun ba, e... Bukas ba papasok ka na sa work? Ako kasi baka sa monday na," sabi ni Joy.
"Papasok ako bukas."
"Ahh, ganun ba..." bakas ang lungkot sa boses ni Joy, alam niyang hindi na sila madalas magkakasama ni Liam lalo na at magka-iba ang kanilang kumpanyang pinagtatrabahuhan.
Nakita ni Joy na binitbit na ni Liam ang kaniyang mga gamit na nasa kahon, pinagsama-sama iyon ni Liam sa gilid ng pader.
"Thank you, Liam."
Tumango lang si Liam at pumasok nang muli sa silid nito. Nagsimula nang mag-ayos ng kwarto si Joy, tuwang-tuwa siyang makita ang koleksyon niya ng make-up na naka-ayos na. May sarili itong storage sa kaniyang silid.
"Grabe, 10 pm na pala? Ito pa lang naaayos ko," bulong niya sa sarili. Biglang kumulo ang kaniyang tiyan, akmang lalabas siya ng pinto upang humanap ng makakain sa pantry nila ngunit biglang bumukas ang pinto.
"Ay kabayo!" gulat na sigaw ni Joy.
"We didn't eat dinner, I cooked noodles. Baka gusto mong kumain," sabi ni Liam.
"Aba... Himala at inaya mo ako. Siguro nafa-fall ka na sa akin, tignan mo pinapakain mo pa ako kahit wala na sila Mom," biro ni Joy.
"Are you okay? Marami lang akong naluto at hindi ko mauubos, isa pa... Imposible 'yang naiisip mo," sabi ni Liam at mabilis na tumalikod.
Nadismaya si Joy sa sagot ni Liam. Nakaramdam siya ng hiya, hindi niya alam kung bakit niya sinabi iyon. Tahimik siyang lumabas ng kwarto at tumungo sa kusina. Nakaupo na si Liam sa dining table, kumakain ng noodles habang nagce-cellphone ito. Kumuha si Joy ng mangkok at kumuha ng pagkain. Nakaupo si Liam sa dulo ng hapagkainan kaya naman naupo rin sa kabilang dulo si Joy.
"Hello, yes... I will see you tomorrow," sabi ni Liam sa telepono.
Napakunot ang noo ni Joy... Iniisip kung sino ang kikitain ni Liam bukas. Nagtama ang kanilang mga mata at mabilis na umiwas si Joy. Inubos niya ang kaniyang pagkain.
"Ako na ang maghuhugas, magpahinga ka na," sabi ni Liam at kinuha ang kaniyang pinagkainan.
"T-Thank you," naiilang na sagot ni Joy.
Tumungo na siya sa kwarto at nagpatuloy sa pag-aayos. Habang si Liam ay napahampas sa lababo. May parte sa kaniya na nagi-guilty siya sa kaniyang ginagawa at sinasabi kay Joy, ngunit hindi niya pa rin makalimutan ang mga sinabi nito sa kaniyang ina.
"Why did you marry me, Joy? Kung balak mo lang rin akong iwanan kapag hindi tayo nagkasundo?" bulong ni Liam. Piniga niya ng madiin ang sponge sa inis.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage With Mr. CEO
RomanceIsang dalaga na trauma sa lalake dahil sa kaniyang ama, na ipinagkasundong ipakasal sa isang binata na hindi niya kilala. Magkaroon kaya sila ng mapayapang buhay kahit pilit lamang silang nagpakasal?