Nagtungo si Joy at Liam sa dalampasigan, suot ang kanilang swimwear, handa na sa mga activities na kanilang gagawin para sa araw na ito.
"Nandito na pala kayo, sakto at kakarating lang ng yacht na sasakyan ninyo," sabi ng ina ni Joy nang makita ang mag-asawa.
"Sige po, ano po ba ang unang gagawin?"
"Kayo ang bahala."
Napalingon si Joy sa magnobyong Amerikano na nakasakay sa parasailing ang mga ito at napangiti si Joy sa saya nila. Dahil rito ay na-engganyo si Joy na ayain si Liam.
"Liam, try natin 'yon. Mukhang masaya," sabi ni Joy.
"Are you sure?" tanong ni Liam.
"Oo, mukhang masaya, para kang lumilipad."
"Hhmmm, o-okay," sambit ni Liam at napaiwas ng tingin.
May fear of heights kasi si Liam, ngunit hindi niya masabi. Bilang lalaki ay gusto niyang mapakita kay Joy na wala siyang kinatatakutan.
"Let's go!" masiglang sigaw ni Joy habang patungo sila sa Parasailing.
Pakiramdam ni Liam ay nanlalamig ang kaniyang mga kamay habang papasakay pa lang sa parasailing. Habang si Joy naman ay labis ang excitement.
"Okay na harness mo?" tanong ni Joy.
"Matibay ba 'to?" bulong ni Liam.
"Ayusin mo life vest mo, for sure ibabagsak tayo kagaya nung dalawa, tignan mo sila nasa gitna ng dagat." Tinuro ni Joy ang nakita niyang couples kanina.
"Okay naman, sanay naman ako lumangoy," naiilang na sabi ni Liam.
"Humawak ka sa lubid," sabi ni Joy.
Ilang sandali lang ay umandar na ang parasailing boat, habang sila ay nasa likuran at nakaupo sa dulo ng boat. Nang marating nila ang gitna ng dagat ay unti-unti na silang pinakawalan. Habang unti-unti ring tumataas ay nakakaramdam na ng pagkalula si Liam.
"Bakit hindi ka man lang ngumingiti? Hindi ka ba masaya? Nakakatuwa kaya!" sigaw ni Joy habang sinisilip kung gaano na sila kataas.
Itinaas ni Joy ang kaniyang mga kamay habang dinadama ang malamig na hangin sa gitna ng dagat, kinukuya-kuyakoy pa nito ang kaniyang mga paa.
"Liam, itaas mo rin mga kamay—Liam?"
Napatigil si Joy nang makitang nakapikit nang mariin si Liam habang hawak ang life vest nito.
"Liam! Okay ka lang?" tanong niya.
"I-I have a fear of heights!" pilit na sabi ni Liam.
Hindi alam ni Joy ang kaniyang gagawin, hindi rin naman ubra na patigilin ni Joy ang bangka na kanilang sinasakyan.
"Sana sinabi mo, takot ka pala sa heights. Sorry, na excite pa naman ako mag-parasailing. First time ko kasi 'to," sabi ni Joy.
Hinawakan niya ang kamay ni Liam.
"Tumingin ka sa akin. Huwag sa baba, huwag mo isipin na nasa mataas tayo."
Dahan-dahang idinilat ni Liam ang kaniyang mga mata. Ngumiti si Joy sa kaniya, tila ba nabawasan ang takot niya nang makita ang masayang mukha ni Joy. Tila ba bumagal ang ikot ng mundo niya at lalong mas gumanda ang kaniyang asawa dahil sa buhok nitong hinahangin. Mabilis siyang umiwas ng tingin, ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso niya, hindi dahil sa takot kundi dahil na kay Joy.
"Oh, okay ka na ba? Hindi ka na takot?" tanong ni Joy.
"Nalulula pa rin," aniya.
"May pang-asar na pala ako sayo ngayon. Nag-dinner pa tayo dati sa rooftop, dapat pala tinulak kita noong first meet natin!" natatawang biro ni Joy.
"It's different, dito lumulutang talaga ako."
"Kaya nga, it feels like flying!"
Makalipas ang ilang minutong pag-ikot sa dagat ay dahan-dahan na silang ibinaba sa tubig.
"Lamig ng tubig!" kumento ni Joy.
"Finally," rinig niyang sabi ni Liam habang lumalangoy na patungo sa bangka.
"Thank you for experiencing this with me," sabi ni Joy sa kaniya.
Hindi inaasahan ni Liam ang mga salitang 'yon mula kay Joy. Muli na namang bumilis ang tibok ng kaniyang puso.
"Mam, Sir. Our next destination is the best for snorkeling!" sabi ng tour guide.
"Let's go! I'm excited!" sabi ni Joy.
Tinanggal nila ang harness at naupo sa boat. Tahimik lamang si Liam at Joy, hanggang sa nakarating sila sa parte ng isla kung saan napakalinaw ng tubig.
"O. M. G! Dito pa lang may mga isda na, kamukha ni Nemo 'yon, tignan mo Liam!" sabi ni Joy at tinuro ang dagat.
"You can start here, Mam and Sir. As you can see at the south, there's a rope. That part is a private property."
Napatango ang mag-asawa. Sinuot na nila ang kanilang fins at goggles. May mga turista pa ang dumating sakay ang mga bangka nila, lahat sila ay nagsipagtalunan sa dagat. Nainggit naman si Joy kaya agad siyang nag-dive sa tubig.
Namangha si Joy sa ganda ng mga corals at mga isda na kaniyang nakikita. Samantala, lingin sa kaalaman ni Joy na pinapanood siya ni Liam sa paglangoy nito.
Nang matapos sila ay sabay silang umahon, nakaramdam ng gutom si Joy kaya naman nag-aya na itong bumalik sa dalampasigan.
"Kamusta? Masaya ba ang activities niyo?" salubong sa kanila ng ina ni Liam.
"Yes po, Mommy Jenny. Lulang-lula nga po itong si Liam." Natatawang sabi ni Joy.
"Naku, malulain talaga yan simula bata. Ang hirap nga pasakayin ng eroplano yan noon, nasanay nalang ngayon," kwento ng kaniyang ina.
"Mom, huwag mo na ikwento ang mga ganyang bagay."
"Sus, tara na nga at mag-lunch na tayo."
"Wait po, pwede po bang magbihis muna kami?"
"Oh, sure anak!"
"Saan po ba tayo kakain? Kahit mauna na po kayo sa restaurant, susunod na lang kami ni Liam."
"May nakita kaming restaurant sa tabi ng kinainan natin kagabi, marami silang sine-serve na gulay. Iyon ang kainin mo, para naman sure na mabuo ang baby," sabi ng ina ni Liam.
Nanlaki ang mga mata niya, nagkatinginan si Liam at Joy. Bakas sa mukha ni Liam ang pagtataka, wala siyang kaalam-alam sa sinasabi ng kaniyang ina.
"O-Osige po... M-Mauna na po kami ni Liam," sabi ni Joy sabay hatak sa kamay ng kaniyang asawa.
"What was that?" tanong ni Liam.
"Basta, Mommy mo kasi, masyado akong pinressure. Nakakainis!"
"Tell me the truth!"
"Tinatanong ako kung may nangyare sa atin kagabi!"
"Don't tell me..."
"Yes, oo nagsinungaling ako. Sinabi ko na lang yung makakapag-pa-satisfy sa kanilang dalawa. I think Mom mo lang naman ang atat magka-apo. Wala namang sinabi si Mommy ko na gusto na niya ng apo. Mommy mo lang talaga ang atat!" inis na sabi ni Joy.
Tinalikuran niya si Liam at mabilis na tumungo sa elevator. Sasakay na sana si Liam pero pinagsaraduhan niya ito.
"Uunahan na kita magalit," bulong ni Joy at pinindot ang palapag ng kanilang kuwarto.
Naunang nagbanlaw si Joy, pagkatapos ay nadatnan niya si Liam na naghihintay sa kaniya sa labas ng banyo.
"What are we gonna do now?" tanong ni Liam sa kaniya.
"Kunwari hindi successful, dali-dali."
Napabuntong hininga si Liam sabay pasok sa banyo. Napailing naman si Joy, mukhang hindi na naman sila magpapansinan nito.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage With Mr. CEO
RomanceIsang dalaga na trauma sa lalake dahil sa kaniyang ama, na ipinagkasundong ipakasal sa isang binata na hindi niya kilala. Magkaroon kaya sila ng mapayapang buhay kahit pilit lamang silang nagpakasal?