CHAPTER 13

98 7 0
                                    

Habang abala naman sa pagluluto si Joy ng kanilang tanghalian ay nagulat siya nang makita si Liam suot ang kaniyang uniporme.

"Liam, akala ko ba hindi ka papasok ngayon? Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Joy at binitawan ang hawak niyang sandok para lapitan ang asawa.

"Okay lang ako..." nag-iwas ng tingin si Liam sa kaniya.

Napatingin naman si Liam sa apron na suot ng kaniyang asawa, pinagluluto siyang muli nito, may parte sa kaniya na gusto niyang matikman ulit ang luto ni Joy ngunit kailangan na siya sa trabaho.

"Kaya mo ba mag-drive?" tanong ni Joy.

"Yes, I can drive. Hindi na ako lasing." Mabilis na tumalikod si Liam at sinuot ang kaniyang black shoes sa tapat ng pinto kung nasaan ang kanilang shoe rack.

"Susunod ako, ah? Papasok rin ako sa trabaho."

"Kanino ka naman sasabay?" tanong ni Liam.

"Kukuhanin ko na yung kotse ko sa bahay ni Mommy tapos didiretso ako sa company," paliwanag ni Joy.

Tumango lamang si Liam ata agad ring umalis. Nang makarating siya sa company ay sinalubong siya ni Ria, hinawakan nito ang kaniyang braso na ikinagulat ni Liam. May pagtataka naman sa mukha ni Ria, dahil mukhang hindi naalala ni Liam ang nangyare kagabi.

"Sir, kailangan daw po kayo ng Papa ninyo sa 5th floor."

Tumango lang si Liam at sumakay ng elevator, nakatitig naman sa kaniya si Ria at hinihintay nitong magsalita si Liam.

"Ikuha mo ako ng kape, tapos dalhin mo sa office ko, pupunta rin ako doon after ko makipag-usap kay Dad."

"Yes, Sir!"

Pagdating ni Liam sa silid kung nasaan ang kaniyang ama ay agad siyang nagbigay galang. Nakaupo ang ama nito sa couch habang nakatingin sa glass wall na tanaw ang buong ka-maynilaan.

"This city becomes overpopulated, people think they can only get a job and opportunities in this kind of place," sabi ng kaniyang ama.

Napakunot ang noo ni Liam.

"What do you mean, Dad?"

"If Joy becomes pregnant, I want them to live in a province. Maybe you can bring Joy and your son to China and—"

"Dad, you know that I don't want to go back there. People are discriminating me with their looks. Saying that I am not a pure chinese."

"But it's the truth, what else they can do about it?" tanong ng kaniyang ama.

"I was bullied, and I don't want my future children to be bullied either."

"If that's your decision, I'll accept it. I will go back to China next week for business and selling of our lands. I hope when I get back here, you will announce that Joy is pregnant. We need a heir and heiress," sabi ng kaniyang ama at tumayo upang tapikin ang balikat ni Liam.

Niyukom niya ang kaniyang kamay, sabay buntong hininga. Pakiramdam ni Liam ay ginagawa lamang siyang pang-reproduction ng kaniyang ama para sa kanilang business.

Nang makita ni Liam na lumabas ng silid ang kaniyang ama ay hinabol niya ito.

"Why are you pressuring me to have a child?" tila ba natanggal ang bigat na nararamdaman ni Liam, dahil sa wakas ay natanong na niya ang matagal na nitong gustong itanong.

"Because I don't want you to become like me! I am old, Liam. I was in my 30's when I met your mother! She's the only woman who accepted me for who I am. I have a problem, we almost never had you, but Jenny and I, drink a lot of medicine to finally have a child. I was thrity four when you were born... That's why, I want you to have a child as early as possible!"

Napasapo sa noo ang kaniyang ama.

"I didn't know that," bulong ni Liam.

"Please, have a child as early as possible so you won't regret it."

"Y-Yes, Dad.."

Tuluyang lumakad ang kaniyang ama patungo sa elevator. Ngumiti ito sa kaniya. Lumakad si Liam patungo sa meeting room ngunit nagulat siya nang makita si Ria sa gilid ng pinto.

"Ria?"

"Sir Liam..."

"Kanina ka pa diyan?" tanong nito.

"Yes, I am sorry po sir. Wala po akong narinig." Tinaas ni Ria ang kaniyang dalawang kamay.

Napailing si Liam, alam niyang narinig ni Ria lahat. Biglang uminit ang kaniyang ulo, ramdam niya ang inis nito at pakiramdam niya ay sasabog siya ano mang oras. Hinila niya ang kamay ni Ria at pinasok ito sa silid.

"Ang ayoko sa lahat ay pinapakealamanan ang private life ko!" inis na sabi ni Liam.

Biglang tumawa si Ria na ikinagulat ni Liam, binitawan niya ang kamay ni Ria at agad na nilabas ni Ria ang cellphone nito.

"Napakadaling malaman ang private life mo, Liam... Do you even remember sleeping with me?" tanong niya sabay pakita ng cellphone nito.

Nanlaki ang mga mata ni Liam nang makita ang litrato nilang dalawa. Walang saplot si Ria at nakahiga sa kama si Liam. Biglang bumalik ang alaala nang mag-inom siya kagabi.

"What the hell!?" sigaw ni Liam at akmang pagbubuhatan ng kamay si Ria ngunit napatigil siya.

"Subukan mo 'kong saktan. Ipapakita ko 'to sa asawa mo, masisira ang image mo. The CEO is cheating with his secretary, sleeping in one bed," pagbabanta ni Ria.

Mabilis na hinablot ni Liam ang cellphone niya at hinagis ito sa pader. Napasigaw si Ria sa gulat, basag ang cellphone nitong nasa sahig na.

"Akala mo ba matatakot ako sayo, Ria? Who are you!? Why the f*ck are you doing this to me?" mariin na tanong ni Liam.

"I want you, Liam. I f*cking want you in my life! Naunahan lang ako ng babaeng 'yon. Kaya kong ibigay kung ano man ang kailangan mo. Lahat gagawin ko," sabi niya at hinawakan ang pisngi ni Liam.

"I have a wife, Ria!"

"Yes, may asawa ka nga. Ano bang role ni Joy sa buhay mo? Palamuti sa pangalan mo? Isang CEO, ipinakasal sa anak ng mayaman, sa isang businesswoman na si Joy Ponce."

"W-What are you talking about?" napaatras si Liam habang si Ria naman ay patuloy ang pag-abante.

"Mag-asawa sa news at social media pero magkahiwalay ng kwarto. Hindi natutulog sa isang kama, you don't love her, right?" tanong ni Ria.

"Shut up, Ria! You're fired!"

"Subukan mo 'kong patalsikin sa building na 'to, sisiguraduhin ko na ang unang makakakita ng litrato natin ay si Joy at ang mga magulang mo."

Napagtanto ni Liam na walang silbi ang pagsira niya sa cellphone ni Ria dahil mukhang marami itong kopya ng kanilang litrato.

"F*ck it, Ria!" hinawakan ni Liam ang kwelyo nito at tinulak dahilan para mapaupo si Ria sa couch.

"Tanggapin mo na, walang pakialam sayo si Joy. Hindi kayo nararapat para sa isa't isa. Tigilan mo na ang pagpapanggap. Hindi mo talaga gusto si Joy, ako yung nandito, Liam. Handa ko i-alay lahat sayo!" sigaw ni Ria at muling tumayo.

"May nangyare sa atin kagabi?" tanong ni Liam.

Napalunok sa sariling laway si Ria bago magsalita. "Y-Yes, we did it!" pagsisinungaling niya.

"Them tell me if you are pregnant, papanagutan kita." Tinalikuran ni Liam si Ria at agad namang napangiti si Ria sa kaniyang narinig.

Arranged Marriage With Mr. CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon