Lumipas ang ilang araw. Nakalabas na ng hospital si Joy, umuwi na sila sa bahay at muling nanumbalik ang Liam na kaniyang nagustuhan.
"Here's your milk," sabi ni Liam at inilagay sa side table ang gatas ni Joy para sa pagbubuntis nito.
"Thank you, Liam."
"Nami-miss ko nang tawagin mo akong Love... Hindi ba Love na Ang tawag mo sa akin noong nasa yacht tayo?" sabi ni Liam at tinabihan ang nakahiga niyang asawa.
"Sus, so inaamin mong nagustuhan mo rin pala ang pagtawag ko sayo ng Love noon?" pang-aasar ni Joy.
"Oo, nagustuhan ko."
"Ikaw talaga, pakipot ka pa kasi. Arte mo kaya noon," sabi ni Joy at napa-irap.
Ininom niya ang gatas niya at inilabas naman ni Liam ang mga vitamins na kailangan niyang i-take.
"Nanguha ang Mommy mo ng malunggay leaves. Iyon daw ang isama sa lulutuin ni Manang Betty."
"Naku, magsisimula na naman ang buhay kong puro gulay ang kakainin."
"Dapat lang, para healthy si baby."
Napangiti si Joy.
"By the way, hindi ka ba papasok sa work. Almost 8 am na, hindi ka pa rin gumagayak."
"Parang ayaw kita iwanan. Bed rest ka, tapos—"
"Nandito naman si Manang Betty at Martha. Siguradong hindi nila ako papabayaan. Alam ko ring busy ka sa work lalo na at may bago kang investors, hindi ba?"
"Okay, you're right. Maliligo na ako."
Hinayaan ni Joy si Liam na maligo, habang nasa banyo naman si Liam ay tumunog ang cellphone ni Liam. Agad na chineck iyon ni Joy, dahil baka importante ito.
Napakunot ang noo ni Joy nang makita ang pangalan ng secretary ni Liam. Binuksan niya ang kanilang conversation.
'Get your things and get out of my company. My lawyer will sue you for making false accusations and threatening me'
Nanlaki ang mga mata ni Joy sa sinabi ni Liam sa kaniyang secretary.
'Subukan mo, isesend ko ang picture na 'to sa asawa mo!'
Ramdam ni Joy ang pagtulo ng kaniyang luha nang makita ang litrato ni Liam na nakahiga sa kama habang si Ria ay walang saplot.
'Nandito ako sa office mo! Nasaan ka? Subukan mo lang at isesend ko talaga to sa asawa mo, tignan ko lang kung hindi pa kayo maghiwalay!'
Biglang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa noon si Liam. Hindi alam ni Joy kung paano siya magre-react.
"Liam... Niloloko mo ba ako?" tanong ni Joy.
"Shit!" Mura ni Liam dahil alam niyang nabasa na ni Joy ang pag-uusap nila ni Ria.
"Ano ba!? Sagutin mo ako!" sigaw ni Joy.
"No! Kaya kong patunayan sayo. My attorney showed me the CCTV footage sa bar. Noong naglasing ako, kitang-kita sa video na mag-isa lang ako pero dumating siya bigla. Siya ang nagpadala sa akin papuntang VIP room because I'm already sleeping. Kaya sigurado akong walang nangyare. She's just blackmailing me, look! Yung picture namin May damit ako! Siya lang ang wala!"
Napayuko si Joy, hindi niya alam kung maniniwala ba siya kay Liam.
"Umalis ka na."
"I promise, Joy. Gagawin ko ang lahat para mapakulong ang Ria na 'yon."
"Liam, hindi ko alam kung ano ang nangyayare sa inyo tuwing magkasama kayong dalawa. Mas close pa nga kayo, kumakain kayo ng sabay. Tayong dalawa ba?" malungkot na sabi ni Joy.
Kahit nakatapis lamang si Liam at basa pa ang katawan ay mabilis itong sumampa sa kama upang yakapin ang asawa.
"Shhhh... I'm sorry. Naglasing ako dahil nagseselos ako sainyo ni Paulo. Hindi ko akalain na susundan niya ako, I am really sorry."
Napakunot ang noo ni Joy, matagal na pala siyang nagseselos kay Paulo pero hindi niya iyon napapansin.
"Please, bigyan mo 'ko ng chance na mapatunayan sa 'yo, Joy..."
"Liam..." Humiwalay si Joy sa yakap kay Liam at saka pinunasan ang kaniyang mga luha.
"Gusto kong maniwala sayo, pero nahihirapan ako. Alam mo naman na hindi naging madali ang relasyon nating dalawa."
"Naiintindihan ko, Love... Joy ko please bigyan ko mo ko pagkakataon..."
Mabigat man sa kalooban ni Joy ay dahan-dahan siyang tumango. Handa siyang tiisin ang lahat para lang mabigyan ng buong pamilya ang kaniyang anak.
Umalis si Liam at pumunta sa opisina niya, kasama nito ang hired niyang attorney at ang ilang awtoridad. Mag-isang pumasok si Liam sa silid nang hindi sinasarado ang pinto.
"Ria."
Nadatnan niyang nakaupo sa couch si Ria habang hawak ang cellphone nito.
"Liam! I can't contact you for days! Hindi ka man lang pumasok sa office at wala kang pasabi kung ano na ang nangyayare sayo!" sigaw ni Ria.
"Bakit ba kung umasta ka ay parang ikaw ang asawa ko!?" inis na sabi ni Liam.
"Because I will be your wife. Magkakaanak na tayo—"
"I remembered everything, walang nangyare sa atin!" sigaw ni Liam.
"W-What? How did you..."
"So it's true, na gawa gawa mo lang ang lahat?" natatawang tanong ni Liam.
"Gagawin ko ang lahat para mapa-sa akin ka Liam!" sigaw ni Ria.
"Stop it, Ria. Umalis ka na. I'm now happy with my marriage."
"No you're not! Ipapakita ko kay Joy ang picture natin, magdi-divorce kayong dalawa, ako ang papakasalan mo!" tinulak ni Ria si Liam at napasandal ito sa kaniyang desk.
Nagulat siya nang bigla na lang lumapit si Ria upang halikan siya. Naitulak niya si Ria kasabay noon ang pagpasok ng kaniyang attorney at ng ilang pulis para hulihin si Ria.
"F*ck!" Mura ni Liam sabay punas ng kaniyang labi.
Sinamaan niya ng tingin si Ria.
"You can't do this to me, Liam!"
"Sir, okay lang po ba kayo?" tanong ng attorney ni Liam.
"Yes, dapat makulong ang babaeng 'yan. As soon as possible, please.... Attorney."
Tumango ang attorney ni Liam at sumama na sa mga pulis. Habang si Liam naman ay nagbigay ng mensahe kay Joy na nasa bahay lamang. Ibinalita niya na tuluyan nang nakuha ng mga pulis si Ria.
Samantala, naging bali-balita sa social media ang pagkaladkad kay Ria mula sa building ni Liam. Napuno ng iba't ibang kumento ang kanilang social media pages dahil sa nangyare. Maraming netizens ang natuwa dahil hindi raw pinili ni Liam ang lokohin ang asawa niya.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage With Mr. CEO
RomanceIsang dalaga na trauma sa lalake dahil sa kaniyang ama, na ipinagkasundong ipakasal sa isang binata na hindi niya kilala. Magkaroon kaya sila ng mapayapang buhay kahit pilit lamang silang nagpakasal?