Kinabukasan, nagising si Joy na wala si Liam sa kaniyang tabi. Mabilis siyang nagsuot ng kaniyang damit. Hindi niya alam kung saan nagpunta ang kaniyang asawa, mabilis niyang kinuha ang cellphone nito at nagtungo ng banyo.
"Ano na, Joy? Kinain mo ang sinabi mo na ayaw mo sa lalakeng 'yon!" sabi niya habang nakaharap sa salamin.
Tinawagan niya si Hanna, nanginginig pa ang mga kamay sa kaba.
"Oh, Joy? Napatawag ka?" sabi ni Hanna mula sa kabilang linya.
"Bes! Paano na 'to?" tanong niya.
"Ha? Ano bang nangyayare?"
"May nangyare na sa amin ni Liam!"
"Ano!? Bumigay ka na sa lalakeng 'yon? Ang bilis ata, Bes? What have I been missing?"
"Hindi ko alam, hindi ko na alam. Pakiramdam ko natutuwa na ako sa mga ginagawa niya para sa akin, pero alam kong peke lang 'yon. Hindi totoo, kaya dapat hindi ako ma-fall sa kaniya. Ngayon, yung nangyare sa amin kagabi, hindi ko rin alam kung totoo na ba o peke lang."
"Teka, ang bilis mo magsalita, Joy. Hinay-hinay lang."
"Napaka-mixed signals talaga ni Liam. Hindi ko alam kung gusto niya ba ako?"
"Bakit hindi mo itanong sa kaniya?"
"May usapan kami, dahil napilitan lang kami sa relasyon na 'to, magpapanggap lang kami kapag nariyan ang magulang namin at para lang sa media. Kaso, may parte sa akin na, baka gusto niya ako. Nahihiya akong itanong, since may time naman na bwisit siya magsalita sa akin. Pero yung time na sweet siya e kapag lang nandito ang parents namin."
"Baka naman nadala lang siya ng ka-sexy-han mo kaya bigla kayong nag-alam mo na?"
"Hindi ko na alam, Hanna. Baka ginawa lang namin yun para mabigyan na ng apo sila Mommy Jenny, gusto na nila magkaroon ng anak si Liam."
Lingid sa kaalaman ni Joy na nakabalik na ng silid si Liam, narinig lamang niya ang huling sinabi ni Joy dahilan para mawala ang ngiti sa labi nito. Buong akala ni Liam ay mahal na siya ni Joy, ngunit dahil sa kaniyang narinig ay nawalan ito ng gana.
"Liam, nandito ka na pala."
"I-I got you breakfast, nakapag-almusal na rin sila Mom. Ikaw na lang ang hindi."
"Ahh, kumain ka na pala? Akala ko sabay tayo," may pagkadismaya sa boses ni Joy.
Tumalikod si Liam at binuksan ang maleta niya.
"Kumain ka na, tapos mag-ayos ka na rin ng gamit. Mamaya lang uuwi na tayo ng Manila."
Napakunot ang noo ni Joy, matapos ang nangyare sa kanila kagabi ay tila ba nagbago na naman ang ihip ng hangin. Nakaramdam ng pagka-ilang si Joy. Naupo siya sa couch at kinain ang dinala ni Liam para sa kaniya.
Nang matapos siyang kumain ay tumayo siya at lumabas. Naghihintay siya, kung sasamahan man lang siya ni Liam ngunit hindi. Walang imik si Joy na tumungo sa dining sa first floor ng hotel.
Habang naglalakad siya ay muli niyang nakasalubong si Paulo.
"Hey! Kamusta?"
"Paulo, okay naman. Sorry last time, medyo toyoin kasi yung asawa ko," aniya.
"Okay lang, kahit ako rin naman. Kung kagaya mo ang asawa ko, talagang bantay sarado. Babakuran at babakuran kita," biro ni Paulo.
"Grabe naman!"
"Kailan nga pala ang alis niyo?"
"Mamaya rin, babalik na kami ng Manila."
"That's nice. Ako, next week pa. 1 week vacation kasi ako rito."
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage With Mr. CEO
RomanceIsang dalaga na trauma sa lalake dahil sa kaniyang ama, na ipinagkasundong ipakasal sa isang binata na hindi niya kilala. Magkaroon kaya sila ng mapayapang buhay kahit pilit lamang silang nagpakasal?