ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟷𝟶 - ʜɪɢʜ ᴘʀɪɴᴄᴇss ᴄᴏɴsᴏʀᴛ

185 7 0
                                    

Malakai's Point of View

It's been almost two days since I came back from Vermillion Palace. Magda-dalawang araw na rin akong wala sa katinuan matapos ang mga naging usapan namin ng royal family.

Hindi lang basta basta Welcome Ball ang magaganap ngayong araw dahil sa event rin na ito ako iaannounce bilang isang prinsesa.

Yes, I'll be a Princess - the High Princess Consort. Dahil ako ang mate at soon to be wife ni Ysabeau, required akong maging isa ring royalty.

Nalaman ko rin sa pag-uusap namin ng kanyang pamilya na si Beau pala ang susunod na mauupo sa trono. Kaya pala siya palagi ang nakapwesto sa kanan ng Hari.

Unang itinalagang magmamana ng trono ang High Prince pero ibinigay niya kinalaunan ang pwesto kay Beau. Mas gusto raw nito pamunuan na lamang ang Cerberus Guild. Mas gusto raw kasi nitong direktang makatulong sa mga ordinaryong mago kaysa ang laging manatili lamang sa palasyo.

I honestly admire him for that. He could actually lead the Royal Army but he even refused to that dahil halos pareho lang daw ito sa pagiging Hari.

I can say that he's an adventurous man. He likes to go on different kinds of missions, and guilds do exactly that.

Kung si Beau ang susunod sa kanyang Ama na mamumuno sa aming mundo, bilang mapapangasawa niya ay may malaki rin aking responsibilidad. At ang pagtatalaga sa akin ngayong araw bilang Prinsesa ang isa sa mga iyon.

Simula ngayong araw, kailangan ko nang pangatawanan ang magiging tungkulin ko kay Beau at sa mundo. Lalo pa't kung tutuusin may potensyal akong maging pinakamakapangyarihang mago dahil lahat ng elemento ay kaya kong gamitin.

Hindi ko lubos maisip na ganito pala ang mangyayari sa akin. Malalaking pagbabago ang nangyayari sa buhay ko simula nang magdecide akong mag-aral dito sa academy. Hindi ko na kasama si Mama pero nagkaroon naman ako ng mga kaibigan. Nakilala ang aking mate na isang Prinsesa at ngayon ako'y magiging isa na ring Prinsesa.

Pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam tungkol sa mga magulang at pagkatao ko. Kahit pa iyon ang pinakarason kung bakit ako narito. Ngunit naisip ko rin naman na ang pagkakatalaga sa akin bilang Prinsesa ay may malaking advantage para mahanap ko ang mga kasagutan sa lahat.

Tinanong din nila ako kung kailan ko nais maikasal kay Beau. Doon ay wala pa akong naisagot dahil talagang hindi pa ako handa sa bagay na iyon. Hindi ko masabi sa kanila na gusto ko muna malaman ang buong pagkatao ko at makilala man lang ang totoong mga magulang ko bago iyon. Hindi ko pa pwedeng aminin sa kanila na hindi ako tunay na anak ni Mama Reika.

Time Check: 9:30AM

Maaga pa pala. Ala sais pa ng gabi mag-uumpisa ang Welcome Ball at kagigising ko lang ngayon. Hindi ako nakapagmorning exercise dahil gusto ko ng mahabang pahinga. Kinakabahan na excited ako ngayong araw. Hindi ko rin maipaliwanag kaya naman medyo tinatamad ako kumilos ngayon hehe. Hindi rin pala ako nakapag-almusal. Kumakalam na ang sikmura ko.

"Kai, gising kana ba? Dinalhan kita ng pagkain. Iniwan ko sa table sa sala." Tawag sa akin ni Rhea mula sa labas ng kwarto ko.

"Babangon nako, Rhea! Salamat sa pagkain!" Sigaw ko sabay bangon at ayos ng kama ko.

"Sige, Kai! Lalabas muna kami nila Mauve. Kitain ka na lang namin ng lunch sa great hall, Okay?"

"Alright. Ingat kayo!" Paalam ko at mabilis na kumuha ng mga damit para makaligo na.

"Ikaw din, Kai."

After makakuha ng susuotin ay mabilis akong naligo at lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa sala para makapag-almusal na. Ngunit may iba pang bumungad sa akin bukod sa mga pagkain.

A Promise to Fulfill (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon