ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟸𝟷 - ɢʟɪᴍᴘsᴇ

77 6 2
                                    

Third Person Point of View

"What did you find?" Tanong ng pinuno ng Holy Circle kay Princess Anastacia.

"Still the same." Sagot ng huli.

May mangilan-ngilan pa ring ineembestigahan ang council na mga pagpatay. Higit na nakatulong ang plano ng High King para mabawasan ito.

Katulad pa rin sa mga naunang kaso, sigurado si Princess Anastacia na iisang grupo lang ang lahat ng may gawa nito. Bagaman may mga nahuli sila sa Vermillion Academy ay hindi pa rin masyadong umuusad ang kanilang imbestigasyon. Tikom ang bibig ng mga nahuli sa kung sino ang nag-uutos sa kanila.

Maya't maya rin sila humihingi ng update sa High Queen tungkol naman sa mga estudyanteng nasawi mula sa academy. Nakapreserve ang mga katawan nito at patuloy na pinag-aaralan.

Inaalam din ng Holy Circle ang naging paraan ng grupo para makapasok sa akademya nang walang nakakapansin.

These are all forbidden type of magic. How did they learn this? Anastacia asked herself.

All those kinds of magic are like old. She thought.

*****

"What do you think of her? Reika's so-called-daughter?" Tanong niya sa kanyang kausap. Nagbabasa ito ng ilang dokumento sa kanyang opisina.

"I don't know. I still couldn't believe that Reika's alive and had a child." Sagot ng kanyang kausap.

"Should we look into it ourselves? I don't trust the Holy Circle in this. I can't let them investigate this all on their own when they already failed the first time. Plus, their hands are full now."

"Alright, do your thing."

*****

Malakai's Point of View

"Listen up! As you all already know, the High King punished me for what happened last week. Again, I'm really really sorry for what happened. I failed to save three of us. I can't let that happen again. So, dahil pinaaga na ang Annual Magic Games, kukunin ko na rin ang pagkakataon na ito upang itrain kayo nang mas maigi. Maging hamon sana sa ating lahat ito upang pag-igihan pa ang pag-aaral at pagsasanay dito sa akademya. Prince Mike and High Princess Malakai will help me facilitate today's training."

Nagulat ako nang marinig ko ang sinabi ni Headmaster. I'm not sure kung anong kinalaman namin ni Mike.

"Physical training tayo today. Kaya huwag na kayo magtaka kung bakit tinawag ko silang dalawa." I see.

"Lahat kayo ay kailangang tumakbo paikot ng field. Kung ilang beses? Minimum of twenty times. Before lunch ay dapat tapos na kayo. Lahat ng hindi aabot at lahat ng susuko ay may extra lap na gagawin because we will do it regularly from now on. Five laps everyday until the Annual Magic Games. Six laps sa lahat ng hindi makaka-achieve mamaya. Maliwanag?" A few nodded their heads. Cool! Hindi naman pala ganun kahirap. Kakayanin namin ito lahat!

"Hindi nga ako makabangon nang maaga, tapos tatakbo pa tayo?"
"Papunta ngang great hall halos gumapang na ako tuwing umaga."
"OMG! Hindi ko kaya to!"

A Promise to Fulfill (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon