ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟷𝟷 - ʜɪɢʜ ᴋɪɴɢ

180 7 3
                                    

Malakai's Point of View

Biglang tumayo ang hari na agad napansin ng lahat. Tumigil rin bigla ang tugtog.

"Prepare for battle, mages. A thousand demons are walking towards here as we speak."

Naalarma at natakot ang mga estudyante.

Half of the Royal Guards of different kingdoms immediately went to the gate.

Since medyo malayo-layo pa sila sa academy. Mas mabuting dalhin ang laban mismo sa kanila kaysa dito dahil mapipinsala lamang ang academy.

"Light up all the towers!" Unang utos ni Headmaster na agad sinunod ng iba.

Nakatulong ang malakas na ilaw na nagmumula sa mga tore upang higit na makita ang sitwasyon sa loob at labas ng akademya.

"Professors, Students and Healers of Team Alpha. Go straight outside and position yourselves. Stick to your roles and kill as many as you can!" Agad tumalima ang mga tinawag ni Headmaster.

Team Alpha?

"Professors, Students and Healers of Team Beta. Go behind the gate. Kill all the demons that will try to get in!"

Team Beta.

"Team Charlie. Fly and scatter around the academy. Half of you will monitor the situation and report back to us and the rest will kill all the demons lurking around the academy!"

Now, Team Charlie.

Awesome! Lahat ay kumilos nang organisado na parang kabisado na talaga nila ang gagawin. Sigurado akong nangyari na ito sa academy noon kaya't walang dudang handang handa na sila.

This is one hell of a strategy!

"First years, stay here in the field. You're new to this and most of you never experienced this before. It will be safer and better if you're all gathered here while we finish them off." Baling sa amin ni Headmaster.

Pansin ko namang kalmado lang ang Royal Families sa sitwasyon.

Pero bakit kinakabahan ako?

Kabadong excited. Pfft. This is bad.

Ramdam ko ang paghawak ni Beau sa braso ko.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko.

"I'm fine. It's you that I'm worried about. Something is telling me that you're about to do something stupid. So I'm holding you hostage right now."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Bigla na lang ako napabunghalit ng tawa sa isinagot niya sa akin. Hawak-hawak ko pa ang tiyan ko sa labis na pagtawa.

Oh gosh. She's so adorable!

Pansin ko pang napatingin bigla sa akin ang mga tao sa paligid.

*Pak!*

"Aray!" Daing ko. Natigil ako sa pagtawa nang bigla akong hampasin nito sa braso.

"Stop laughing. I'm serious!" Pagsusungit nito.

"Pfft." She glared at me when I can't stop myself from giggling.

"Okay. Okay. I'm sorry!" Sambit ko habang natakataas pa ang dalawang kamay. Jeez.

"Deploy surveillance bugs outside. Let's see the situation." Agad sumunod ang inutusan ni Headmaster.

Ilang sandali pa ay ilang floating screen ang nagAppear sa field.

Doon ay pinanuod namin ang laban na nagaganap sa labas at masasabi kong sobrang galing nila!

A Promise to Fulfill (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon