ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟸𝟶 - ᴡᴇɪʀᴅ

177 7 1
                                    

Third Person Point of View

"Empress." Bungad ng isang lalaki pagpasok sa silid ng kanyang pinuno.

"Cancel all the missions and bring them all here. We need a new plan." Maawtoridad na utos nito sa kausap habang nakatingin sa labas mula sa malaking bintana ng kanyang silid. "That bastard Maximo is starting to ruin everything I've worked hard for." Galit at madiin na sambit nito. Sa tindi ng emosyon nito, sunod sunod na nagkabasag basag ang bawat salamin na nasa loob ng kanyang silid.

Natatarantang umalis ang lalaki para sundin ang utos sa kanya.

*****

"Who do you think our enemy is?" Tanong ni Lucy sa kaibigan na si Maximo. Katatapos lamang ng kanilang pagpupulong kasama ang iba pang Hari at Reyna ng limang kaharian at naiwan ang dalawa sa silid. "Do you think it's one of us?" Dagdag niya.

Tumayo si Maximo para kumuha ng alak at nagsalin sa baso. Nagsalin pa siya sa isang baso saka inabot kay Lucy. "Maybe. It could also be you." Direktang sagot niya.

Lucy just smiled almost smirking and took a sip. Both of them are facing the big and open window. Parehong malayo ang tingin sa kawalan. "Reika should be here."

"Maybe this is the reason why she's out there anyway. She knew about this all along. Knowing her." Maximo took the last sip from his cup. "Take care. Update me with everything."

Palabas na sana ng silid si Maximo nang marinig ang huling kataga ni Lucy. "I still don't trust that kid."

*****

Malakai's Point of View

Limang araw na ang lumilipas pero wala pa rin kaming update mula kay Tito. Ang huling sinabi niya kasi samin pagkabalik nila dito sa academy ay hintayin na lang daw namin matapos ang pag-aaral nila Tita Diana sa tatlong estudyanteng namatay.

Limang araw na ring walang klase dahil isang linggo itong kinansela mismo ni Tito. Pagbibigay respeto at pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi. Naparusahan ang lahat ng guards ng academy dahil sa nangyari. At lahat sila ay pinalitan mismo ni Tito. Kaya lahat ng guards sa buong academy ngayon ay bago. Mas malalakas rin sila kumpara sa mga tinanggal.

Hindi rin nakaligtas si Headmaster Stefan sa parusa. Bagaman nanatili pa rin siya sa kanyang pwesto, halos mag-agaw buhay naman ito sa ginawang parusa sa kanya ni Tito. Inutusan siya na paslangin lahat ng wild beasts na sumugod sa isang bayan sa Zacari Kingdom nang hindi gumagamit ng alin man sa kanyang elemento. Halatang hindi sanay sa ganon si Headmaster kaya siguro nahirapan siya.

Ang daming nangyayari ngayon. Hindi ko na rin maipagpatuloy ang pag-iimbestiga tungkol sa mga magulang ko.

Lincoln... Celeste... Sino po ba talaga kayo? At nasaan kayo ngayon? At bakit mayroon akong tila mga alaala sa inyo kung bagong silang na sanggol pa lamang ako nang makita ni Mama Reika?

Sana sa susunod na marinig kong muli ang mga tinig nila sa isip ko, makita ko naman ang mga mukha nila. Gustong gusto ko na sila makilala.

"Aray! Punyeta!" Nagulat ako sa daing na yon ni Tori. Natamaan kasi ito bigla ng nilalarong bola ng kambal niya.

"Ay sorry! Hindi kasi kita nakita. Bigla ka na lang sumulpot!" Depensa ni V.

"Alam naman nating lahat na sinadya mo yon. Tse! Sorry mo mukha mo!" Maarteng tumalikod si Tori at naglakad papunta sa pwesto nila Erica. Tumabi ito sa huli at nakipagdaldalan. Ngumisi lang si V sa tinuran ng kambal.

Tsktsk. Ibang klase talaga tong kambal na ito. Asaran ang lambing sa isa't isa.

Nandito kami ngayon sa isa sa pinakamalawak na garden ng academy. May kalat-kalat ding mga puno kaya hindi mainit tumambay dito.

A Promise to Fulfill (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon