ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟼 - sᴘɪʀɪᴛs ᴀɴᴅ ɢᴜᴀʀᴅɪᴀɴs

181 6 0
                                    

Rhea's Point of View

Today is the first day of our classes. I'm so nervous.

Pero para sa pamilya ko ay gagawin ko ang lahat. I need to find who's responsible for their deaths.

He killed my entire family. I will kill him. Slowly...

Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nahahanap. Kailangan ko maipaghiganti ang pamilya ko.

Kahit hindi ko sila tunay na kadugo ay minahal nila ako nang sobra sobra.

Sabi ni ina ay natagpuan lamang niya ako sa tapat ng kanilang bahay. Sanggol pa lamang ako noon.

It was the night of my 18th birthday nang may taong nakasuot ng long hooded black cloak ang pumasok sa aming bahay. Sa loob ng hood ay may takip pa sa kanyang mukha kaya't mata lang ang nakita ko. He used an advanced magic in creating a barrier. Kinulong niya ako sa loob ng isang cage like barrier at kahit anong gawin ko ay hindi ako makagawa ng magic. Kaya wala akong nagawa para tulungan ang pamilya ko. He killed them one by one in front of me.

Walang naging laban ang mga magulang at dalawang kapatid ko sa taong iyon. Walang awa niya silang pinatay.

Tapos ay ginamitan ako nito ng isang mahika na pampatulog. Pamilyar ako sa mahika na iyon.

Nagtaka siya noong una nang hindi ito gumana. Maging ako ay nagtaka kung bakit hindi gumana sa akin.

Kaya't inulit niyang muli. Sa pagkakataon na iyon ay nagkunwari na lamang akong nakatulog talaga.

Naghintay ako ng ilang segundo bago ko imulat ng kaunti ang mga mata ko. Napansin kong kinokolekta nito ang dugo ng bawat isa sa pamilya ko at inilagay niya ito sa maliliit na botelya. Matapos niyang kunan ng dugo ang pamilya ko ay agad itong umalis.

Para saan iyon? Hindi pa ba sapat ang pagkitil niya sa mga buhay nila?

Sa labis na galit at gitna ng matindi kong pag-iyak ay tuluyan na akong nakatulog.

Isang araw ang lumipas bago may nakarating na tulong. Nadatnan nila ako sa barrier na iyon na walang malay.

Nang magising ako, natagpuan ko na lang ang sarili ko sa isang pagamutan.

Members of the Holy Circle came and asked me some questions. Nilahad ko naman sa kanila ang lahat ng nangyari except sa part na nakita ko itong kumolekta ng kaunting dugo isa-isa mula sa pamilya ko. Hindi ko rin kasi masabi sa kanila na hindi gumana sa akin ang mahika na pampatulog ng taong iyon dahil kahit ako nagtataka kung bakit. At kung bakit niya ako iniwang buhay.

Sabi nila ay mag-iimbestiga sila at hahanapin ang may sala upang panagutin ito. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita.

Minabuti ko nalang na ipalibing ang mga labi ng pamilya ko sa tabi mismo ng bahay namin. Wala na ako ibang maisip na lugar kung saan sila pwedeng dalhin.

Simula ng araw na iyon ay araw araw na akong nagsanay. Sa loob lamang ng tatlong buwan ay naging Bronze Class mage na ako. At limang buwan pa ang lumipas bago ko napagpasiyahan na mag-aral dito sa academy noong mabalitaan kong muling magbubukas ito para sa mga gustong mag-enroll.

I don't know if it's just a coincidence, but I think that person who killed my family is targeting light mages.

Nakarinig din kasi ako ng isang balita mula sa ibang nayon. Isang pamilya din daw ng light mages ang pinatay.

Kaya ba hindi ako nito pinatay? Dahil hindi ako isang Light mage? Kung ganoon, anong meron sa mga Light mages para puntiryahin niya?

Lalong sumidhi ang galit ko sa naisip. Dahil kung gaanon ay marami pa ang magiging biktima niya.

A Promise to Fulfill (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon