ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟷𝟼 - ʙᴀᴛᴛʟᴇ ᴏғ ᴛʜᴇ ɢᴜᴀʀᴅɪᴀɴs (ᴘᴀʀᴛ 𝟸)

159 7 0
                                    

Malakai's Point of View

Jazz froze in his spot. I can't blame him. Apollo has this domineering aura. Kahit ang ibang Guardians ko ay takot sa kanya. He's like a royalty or something. Who knows...

Pagkalapit ni Apollo sa kanya ay ginamit agad nito ang isa sa kanyang ability. He took advantage of his opponent's state and casted a cage-like barrier around him. Only me and my Guardian can go in and out of that barrier. Apollo made a powerful vertical strike na agad humati sa katawan ni Jazz. Dahilan para matapos agad ang laban.

"Congratulations, Princess Malakai!" Pagbati sa akin ni Headmaster.

"Thank you po." Tugon ko saka lumapit kay Jake. Nakipag-kamay ako rito.

"Hindi man lang kami nakakilos ng Guardian ko. Congrats, Princess." Nakangiting bati nito sa akin.

"Pasensya na. Ugali din ng guardians ko na tumapos agad ng laban. Hehehe." Napapakamot sa kilay na sagot ko.

Pagkatapos ng Round 1 ay agad tinawag ni Headmaster ang iba pang mages na nanalo. Pinapwesto kami paikot sa buong arena. Magkakalayo kami ng mga kaibigan ko.

Nagulat ako nang biglang gumalaw ang kinatatayuan ko at unti-unti itong umangat sakay ako. Hindi lang ako dahil dalawampu't lima kami ngayon ay nasa floating platforms.

"Alright, mages. You may now summon again your Guardian." Utos sa amin ni Headmaster na agad naman naming sinunod.

Muli kong tinawag si Apollo at ngayon ay nasa arena na ito. Dahil sa laki niyang taglay halos umabot na ang tuktok ng ulo nito sa platform na tinutungtungan ko.

Nakita ko naman agad ang kanya-kanyang guardians ng mga kaibigan ko.

V and her Earth Guardian.

Tori and her Sound Guardian.

Mike and his Thunder Guardian.

Ate Leah and her Fire Guardian.

Nathalia and her Water guardian.

Zach and his Metal Guardian.

Mason and his Air Guardian.

Then Rhea and her Ice Guardian. Hindi pa ganun kalakas ang Water Guardian niya kaya siya muna ang ginamit niya.

Sa hudyat ni Headmaster ay pumosisyon agad ang kanya-kanya naming guardian.

Apollo, defeat everyone except Nathalia's. I want you to play with her guardian later. I commanded my guardian through our mind link.

Hindi ito tumugon ngunit alam kong naintindihan niya naman ang sinabi ko. Agad naman niyang ginamit ang isa sa kanyang ability. He used the same cage-like barrier sa lahat ng guardians except Nathalia's. Saka ito mabilis na sumugod at magkakasunod na inatake ang mga ito.

Apollo is the only Light Guardian who passed Round 1. Kaya't ito lang ang may ganitong ability sa lahat ng magkakalaban sa arena ngayon.

Ang ability na ito ay isa sa dalawang abilities na mayroon si Apollo. Kaya hindi ko sila madalas ilabas dahil sa kadahilanan na ito. Hindi lang si Apollo ang may dalawang abilities. All of my guardians has two na hindi ko pwedeng ipakita sa iba. Lalo na ngayon na nasa academy at nanunuod sa amin ang pinakaimportanteng mga tao sa mundo.

Hindi ko pwedeng ipakita ang isa pa nilang ability lalo na ng Dark Guardian ko. Dahil ang isang ability na mayroon siya ang pinakanakakatakot sa lahat.

*FLASHBACK*

Today is my 16th birthday. Sixteen years na ang nakakalipas simula nang matagpuan ako ni mama sa sira-sirang barko. Wala naman kami masyadong gagawin ni Mama. Tuwing kaarawan naming dalawa ay pumupunta kami sa kakaibang mga lugar. Madalas ako pa nagrerequest sa kanya na bigyan niya ako ng challenge para naman may thrill ang kaarawan namin. Hahaha.

A Promise to Fulfill (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon