ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟸𝟸 - ᴛᴇɴsɪᴏɴ

34 4 0
                                    

WARNING: R18 (slight?)

Malakai's Point of View

Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko dahil sa nag-uumapaw na excitement ko. Hindi ko na rin magawang umupo nang maayos.

"Pwede ba, Kai? Ikalma mo nga yang katawan mo. Kanina ka pa!" Naiinis na turan sakin ni Freya.

Siya kasi ang katabi ko sa kaliwang side. Sa kanan ko naman syempre si Beau.

"Excited na kasi talaga ako!" Hindi nakatinging sambit ko sa kanya na may hindi mawala-walang malaking ngiti sa labi.

Nandito kami ngayon sa pinakamalaking battle arena sa mundo. Sakop ito ng Vermillion Kingdom na medyo may kalayuan sa mismong palasyo.

Kabilang kami ng mga kaibigan ko at ang Royal Bloods sa fifty students na pambato ng academy. Ito ang unang araw ng Annual Magic Games kaya naman kanina pa ako excited. Oh gosh!

Katulad ng nakagawian, huli ang pagpasok ng Royal Families. Isa-isa sila pinakilala at matapos non ay nagbigay respeto kaming lahat at yumukod sa kanila.

Hindi kasama ang Royal Bloods doon dahil kalahok sila ngayon kaya katabi namin sila. Kahit hindi kasali ang iba sa Academy ay pwede pa rin sila pumunta para manuod. Marami kaming mga nagtitipon-tipon ngayon dahil kahit mga ordinaryong mago ay pwedeng dumalo.

Iniisip ko rin ang mga kalaban namin. Hindi naman siguro sila susugod sa lugar kung saan nagtitipon-tipon ang pinakamalalakas na mago sa mundo, diba?

"Good day, everyone! I'm Michael. Your host for this year's Annual Magic Games! Ngayon pa lang ay binabati ko na ang lahat ng mga kalahok natin ngayon. Ito ang pinaka-inaabangang paligsahan ng mga mago sa ating mundo. Nararamdaman kong isa ito sa magiging pinakamagandang edisyon sa buong kasaysayan ng paligsahang ito. Hindi na ako magdadaldal pa masyado at umpisahan agad natin dahil alam kong marami na sa inyo ang kanina pa nasasabik---"

"Ako! Ako! Excited na excited na ako!" Sigaw ko habang nakatayo pa at nakataas pa ang dalawang kamay.

"I swear, Kai! Bibigwasan na talaga kita! Nakakahiya ka! Katabi lang natin ang pinakamalalakas na guilds sa bawat Kingdom!" Pabulong pero may gigil na bigkas ni Freya. Mukha kasi itong nahiya bigla sa inasal ko. Sus! Marami kasi siyang nakikitang gwapo sa limang guilds kaya nagpapaka-demure at cutesy kuno raw siya dahil baka isa pala sa kanila ang mate niya.

Hindi ko siya pinansin. Pfft.

"Para sa unang round ng ating kompetisyon, ang rank 1 to 10 ng limang guilds at ng Vermillion Academy ay hindi muna kasali. ---"

"What?!" I exclaimed. Hindi ako kasali sa unang laro?!

"Deserved!" I glared at her.

"Calm down, Love. You'll have your chance to participate. Besides, watching is also fun." Hawak ako sa kamay ni Beau habang sinasabi niya iyon.

I smiled at her. "Yeah, you're right. I'm sorry. I'm just really excited."

"Yeah. We know." She sarcastically said while rolling her eyes and trying to hide a smile. Natawa naman ako dahil don.

"--- Sa round na ito, kung sinong group ang may pinakamaraming myembro na makakagawa ng challenge ang siyang makakakuha ng pinakamalaking puntos. First place will have 100 points while 80 points sa second. 60 sa third, 40 sa fourth, 20 sa fifth and walang makukuhang puntos naman ang last place. Maliwanag ba, mages?"

Damn. 0 points talaga sa last?

"Hoy! Umayos kayo! Galingan niyo sa laro." Sigaw ko sa mga kaibigan ko na kasali sa unang round. Lahat kasi sila bukod sa Royal Bloods ay kabilang sa rank 11 to 50.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 3 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Promise to Fulfill (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon