ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟷𝟾 - ɪɴᴛʀᴜᴅᴇʀs

145 8 2
                                    

Malakai's Point of View

"Bakit kasi paharang harang ka sa dinadaanan ko?!" Galit na sigaw niya. Nakataas ang dalawang kilay at nanlilisik ang dalawang matang nakatingin sa kausap. Nakapamewang pa ito.

"Mahal na Prinsesa, kaya po tinawag na hallway ay dahil daanan po siya." Sarkastikong pagpapaliwanag ng maliit na babae pagkatapos ay ipinagpatuloy ang paglalakad.

"At talagang sumasagot-sagot ka pa!" Asik ng una.

"Nagtatanong po kayo diba, Mahal na Prinsesa?" Halata na ang inis sa mukha nito pero may 'konting' respetong sumagot pa rin sa kausap.

"Arghhhh! I really hate you!" Hiyaw ng Prinsesa at binilisan ang paglalakad at inunahan ang kausap. Bahagya pa niyang binangga si Beau na katabi ko lang. Nahawi naman bigla ang lahat ng mga estudyante na nasa unahan namin dahil sa takot sa kanya kaya hinayaan lang nila ito makapasok sa great hall.

Napailing na lang kami sa mga kaganapan.

They're at 'it' again. Princess Nathalia and her mortal enemy 2.0 na si Erica. Walang interaksyon ang dalawa na hindi nauuwi sa bangayan. So far hindi pa sila nagkakasakitan pero hindi ko masabi na hindi yun mangyayari. Dahil kung hindi lang Prinsesa si Nathalia baka matagal na siyang pinisikal ni Erica. Pffft.

Nabawasan ang kaingayan ni Erica dahil araw-araw itong nabubwiset kay Nathalia. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba iyon o hindi. Hahaha.

"Hihi! Kahit palagi kayong nag-aaway kinikilig pa rin talaga ako sa inyo!" Nagtititili na bulalas ni Tori sabay siko kay Erica.

Agad naman na nalukot ang pagmumukha ni Erica at umaktong nasusuka pa. "Prinsesa, paumanhin pero nakakadiri po ang sinabi niyo."

Tumawa lang si Tori bilang tugon.

"Kyahhhh! Ako din! Akala ko sa BeauKai lang ako kikiligin. Ngayon pati sa inyo na ni Princess Nathalia!" Hiyaw naman ni Freya. I snorted. BeauKai? Really?! Bakit ang pangit pakinggan?! Argh! "Ano kaya ang magandang name ng loveteam niyo? Hmmm." Tumingin pa ito sa itaas habang nag-iisip. "Aha! CaNa---"

Hindi na naituloy ni Freya ang sasabihin niya nang tampalin ni Erica ang noo niya. Pfft.

"Manahimik ka, Freya! Baka pumanaw ka bigla sa kinatatayuan mo ngayon!" Naiiritang paninindak sa kanya ni liit.

"Tumigil na kayo. Nagugutom nako." Pag-awat sa kanila ni Mau.

Walang nagawa na sumunod ang dalawa. Agad kami pumwesto nila Rhea sa usual spot namin. Samantalang ang Royal Bloods ay pumunta na sa kanilang pwesto sa harap. Kahit pa itinalaga na ako bilang Prinsesa ay hindi pa rin ako umuupo doon.

Pero minsan ay umuupo ako doon kapag namimiss ko masyado si Beau. Hehehehe.

Pagkaupo ko bigla na lang ako nakaramdam ng pagkahilo.

"Üzgünüm bebeğim." (I'm sorry, baby.)

Isang boses ng babae ang narinig ko bigla sa isip ko.

Ang tunay kong ina!

Fuck! Medyo kumirot pa ang ulo ko.

"Bizi affet çocuğum." (Forgive us, child.)

Boses naman ng ama ko ang narinig ko.

Napahawak na ako sa ulo ko dahil mas tumindi ang pananakit nito.

"Kai! Anong nangyayari sayo?" Nag-aalalang tanong ni Rhea na kumuha sa atensyon ng iba pang kaibigan ko.

Napatayo si Erica sa upuan niya. "Dadalhin ka na ba namin sa clinic? Huy!" Nakahawak sa balikat kong tanong niya.

A Promise to Fulfill (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon