ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟷𝟹 - ɴᴀᴛʜᴀʟɪᴀ

182 7 0
                                    

Malakai's Point of View

"Okay, so the bracelet didn't disappear? We just can't really see you wearing it?" Tanong ni Mike.

"Ganun na nga." Sagot ko.

Nakabalik na kami ngayon sa academy. Sinama nila ako sa kanilang dorm dahil marami silang tanong sakin.

Nasa malaking sala kami at kumakain ng kung ano. Marami kasing ibinigay na iba't ibang pagkain ang pamilyang tinulungan namin. Ilan pa nga sa mga ito ay ngayon ko lang natikman. Ang sasarap! Hihi.

Katabi ko naman si Beau sa isang sofa habang nakapaligid naman sa amin ang iba.

"That's why you were the only one who detected that bracelet because it's yours." Patango-tangong reyalisasyon ni Victoria sabay subo ng kinakain nito.

"But how did that become yours if that bracelet has been in their care of their clan for hundreds of years?" Tanong naman ni Veronica.

Yeah. Paanong naging sa akin ito?

"I don't know, V. Iyon din ang gusto ko malaman." Sagot ko sabay abot ng tubig kay Beau dahil mukhang nabubulunan na ito sa kinakain niyang malagkit na panghimagas. Pffft.

"It's rare to find that kind of magical relics these days. Do you feel any magic from it, Kai?" Tanong naman ni Ate Leah.

"Magical relics? But yes, I do feel a little magic."

"Yes, Kai. Because in the past, when our race had not yet learned to use any of the elements, they used magical spells. The only way they know to fight the demons is to use some weapons that they have filled with magical spells to strengthen them." Sagot niya.

"That's why Hektavir's weapons are extraordinary. He's one of the strongest magic user that time. He puts spells on every process in creating the weapons. It's almost indestructible." Mike added.

*****

Rhea's Point of View

It's been two months since the demons attacked. First time ko makakita ng ganoong karaming demons. Kahit sa screen lang kami noon nanunuod ay hindi ko pa rin maiwasang matakot. Naaalala ko kasi kung paano pinatay sa mismong harap ko ang pamilya ko.

Hangang-hanga ako sa mga napanuod kong pakikipaglaban ng school sa demons. Lalo na kay Malakai at sa High King.

"Rhea, let's go!"

Natigil ako sa pag-iisip ko nang tawagin na ako ni Kai. May mahalaga pala kaming dapat gawin ngayon.

Araw ngayon ng Sabado. At pupunta kami ni Kai sa Bloodhill Forest. Nagbunga na ang mga pag-aaral namin at pagtitiyaga ni Kai na sanayin ako. Hinamon na ako ng aking Water Spirit upang ma-claim ang aking Water Guardian. Ay ngayon ko siya balak makuha.

Isa siya sa primary elements kaya't alam kong mahihirapan akong makuha siya pero gagawin ko ang lahat para magtagumpay.

"Handa kana ba talaga, Rhea?" Tanong sakin ni Kai habang naglalakad kami sa gubat.

"Oo, Kai. Ayaw ko na ring patagalin pa. Gusto ko na maging mas malakas pa. Tsaka diba may Spirits and Guardians Festival na gaganapin sa Lunes? Gusto ko kumpleto na ang guardians ko bago ang festival."

"Alright. May tiwala ako sayo. Alam ko ang pinagdaanan mo sa lahat ng training natin." She tapped my shoulder. Ngumiti na lang ako bilang tugon dito.

Mas mahirap pa nga ang training ko sa kanya kaysa sa mga training sa mga klase namin. Amp!

To think na bata palang si Kai ay ganon na ang mga ginagawa niya. Hindi talaga kataka-taka na napakalakas niya na. Mas malakas pa nga siya sa maraming propesor sa academy!

A Promise to Fulfill (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon