Author's NOTE
I know na ang bida natin dito ay Mikaiah, but napag isipan ko na lalagyan ko den ng eksena ibang members dito. ;]
---
Mikee's POV
Kakatapos ko lang maligo, and pinuntahan ko agad yung tatlo na natutulog pa sa living room.
"Hoy! Magsibangon na kayo diyan at umuwi! Dadating si Wowa dito, ayoko madatnan niya kayong ganito!"
Linggo kasi ngayon, tapos may simba si Wowa after nun bumibisita siya sa condo para kamustahin daw ako. Minsan na lang din ako umuuwi ng bahay, kasi nga sabi ko these days mas gusto ko nalang talaga mapag isa at wala akong gana makipag socialize din. Sa school palang ubos na ubos na.
"Hmm...anong oras na ba?" Si Cris nakahiga sa sofa tapos sina Gwy at Jaja nasa sahig may nakalatag na comforter.
"Seven na ng umaga." Sagot ko sa kanya nakadapa parin siya sa sofa.
"ANO?! Ang aga pa!" Yung dalawa naman na natutulog nagising sa aigaw ni Cris.
"Ay kabayo na lumilipad!"
"Ano ba naman yan Cris ang ingay!"
napatawa ako ng konti sa naging reaksyon ng dalawa.Si Jaja sumigaw ng kabayo kaya alam ko wala pa yan sa wisyo, si Gwy naman bumangon na at tulalang nakatingin sa tv.
Bigla naman ako nakaisip ng kalokohan, ganti ko narin sa kanila kasi niloko nila ako kagabi sabi manonood lang ng movie at chill tapos may dala palang alak si Cris. E sabi ko hindi pwede kasi kakapalinis ko lang sa condo ko at kinabukasan dadating si Wowa, ayaw kong bibisita yan dito na madumi paligid ko. And kilala ko din yun, sa sobrang clean freak ni Wowa kahit hindi niya gawain at nakita niyang madumi maglilinis siya.
Kaya, try natin, and knowing Jaja...oa yan mag react. Nakita rin siguro ni Gwy na parang may binabalak ako kasi napatingin siya sa akin when she heard me chuckle kahit wala naman nakakatawa.
Napailing nalang siya dahil alam na niya gagawin ko.
1..2..3!
"Sunog!! Sunog Jaja bangonn!!" I act na parang natataranta ako and pati yung table ko malapit sa tabi niya ay hinahampas hampas ko. Pati si Cris napabalikwas ng bangon dahil sa gulat.
"AHHHH! SUNOG ASAN YUNG SUNOG–TUBIG HANAP KAYO NG TUBIG GAGO GUSTO KO PA MABUHAY!" Diba oa?
Napa hagalpak ako ng tawa dahil dito...nakatayo si Jaja na gulong gulo yung buhok tapos umaakto na parang may aawayin, pota–
HAHAHAHA hindi ako makahinga!Gago may sunog tapos umasta na parang may aawayin?! HAHAHAHAH
"Tangina naman Mikee...kinabahan ako dun." Napahilamos si Cris sa kanyang mukha, nasa sahig na siya ngayon nakaupo kasi nalaglag siya sa gulat.
Narealize narin ni Jaja na nag bibiro lang ako kasi tawa parin ako ng tawa, si Gwy sa amin pinapanood lang kami pero tumatawa nadin siya.
"NAPAKA GAGO MO MIKEE–" lumaki naman mata ko dahil bigla tumalon si Jaja at dinaganan ako, pagkatapos nun ay sinakal niya ako sa leeg.
Ooof puta ang bigat.
"Wa-walnghiya ka Ja-ja bi-bitaw!" Yung isang kamay ko pilit ko inaalis sa kamay niyang nakasakal sa akin, while yung isa ay hinahampas sa balikat niya.
Buti naman at to the rescue agad si Gwy at hiniwalay si Jaja sa amin, kundi baka himatayin ako dahil hindi na talaga ako makahinga.
"Ang aga pa kasi Mikee, bakit ka ba nanggigising?" Sasagot na sana ako sa tanong ni Gwy, pero napalingon kaming lahat nang bigla bumukas yung pintuan ng condo ko.
YOU ARE READING
Unexplainable Feelings [ MIKHAIAH ]
FanfictionMikee can say na sobrang swerte na siya sa mga taong nakapaligid sa kanya, from friends and family. The love she received from them was enough but, she can't help but feel like there's something missing. She feel empty. She doesn't have a clue what...