Mikee's POV
"Baka bored kana diyan Mikee ah.." Kanina niya pa sinasabi yan, baka ma bored daw ako kasama siya kasi nilibot namin buong resort nila.
As one of the owner kasi need niya rin kamustahin yung mga nagtatrabaho dito.
Actually nabo-bored talaga ako kanina pa, madali lang talaga ako ma bored. Especially yung ginagawa namin dito naglilibot lang sa buong resort tapos ang lapad pa dito, edi eto pagod na yung paa.
Pero ewan, hindi ko kayang magreklamo at tiniis ito...aaminin ko na, kaya sumama ako dito kay Aiah kasi gusto ko siya makasama pa. Wag na magtanong kung bakit basta yan yung nararamdaman ko.
"Knowing you Mikee kung nahihiya ka magsabi na bored ka, wag...sabihin mo lang kung gusto mo na bumalik ng hotel hindi ka naman pipigilan ni Aiah." At kanina pa ako naiinis dito kay Cris, parang pinapaalis ako nung ugok eh.
Baka daw gusto ko na bumalik ng hotel, desisyon ka gar?
Boset. Kung hindi lang kita kaibigan eh.
"Paulit-ulit tayo Cris? Hindi nga diba?" Pigil inis kong sambit. Parang mag aaway pa kami dito eh.
"Edi hindi. Madali naman ako kausap." Hindi ko alam kung may galit ba siya sa akin pero kanina ko pa nahahalata yung masama niyang tingin sa akin eh.
"HOY. Ano na nangyayari sa inyong dalawa diyan nag aaway ba kayo?" sulpot ni Elaine.
"Wala!"
"Wag mo na alamin. Chismosa."
"Nagtatanong lang chismosa agad!" Bago pa sila magtalo naman sa harap ko ay lumapit nalang ako kay Aiah.
Nandito kami ngayon sa may cafe ng resort, yes pati dito may cafeteria din. Meron din na restaurant and bar dito, yung bar nga lang nasa may malapit sa dulo ng boardwalk...sabi daw ng Lolo noon ni Aiah nung pinatayo nila ito para daw if may gulong mangyayari ihahagis nalang sila sa dagat.
"Need help diyan Miss?" bulong ko banda sa likuran nito. Sapat lang para marinig niya.
Tinutulungan niya kasi yung mga waitress dito kasi masyado daw maraming tao kung umaga, tsaka kulang din sila ng tao tuwing summer kasi yung iba humihiling ng bakasyon.
"Would you mind helping us...giving number 6 order?" Ngiting lingon niya sa akin.
"Of course not, I'll help.." kaya sinenyasan niya ako na kunin yung order na nasa cashier banda. Yung cashier naman na naka bantay ang lapad nung ngiti sa akin, tinaas baba ko naman yung kilay ko na mas lalong nagpalapad ng ngiti niya.
"Sabi ko kunin mo lang yung order, hindi yung nagpa cute ka diyan sa cashier ko." Di ko alam kung seryoso siya o hindi eh, kasi kung base lang sa mukha iisipin ko talaga na seryoso siya.
"Sorry naman, minus points naba ako niyang sa pagiging helper mo Miss Arceta?"
"Minus 1.." sagot niya kaya ngumuso naman ako.
Kaya ginulo niya yung buhok ko, maloko ko naman siyang sinamaan ng tingin."Nagpapa cute ka naman, deliver mo na yung order dun.." utos niya sa akin kaya sinunod ko naman.
Saktong pagbalik ko kung nasaan si Aiah ay sumulpot naman si Cris.
"Tumutulong kana pala dito Mikee, Ai- Madi pala pwede ako din?" Umikot naman yung mata ko. Kanina ko padin yan nahahalata na parang naiilang siya banggitin yung pangalan ni Aiah, pwede niya naman yun sabihin tutal magkaibigan naman din sila. TSK.
Nakita siguro ni Aiah yung simangot ng mukha ko, tumawa siya at lumapit sa akin. She hang her arm at my shoulder at pat it twice.
Sinabi ko din kasi sa kanya na naiinis na din ako kay Cris kanina pa. Ang sabi niya nalang ay tiisin ko nalang daw kasi kaibigan ko din naman yun.
Kaya sinunod ko nalang si Aiah. Tinitiis kahit naiinis.
Siyempre hindi din nakawala sa akin yung pagbago ng tingin ni Cris nang umakbay sa akin si Aiah.
Nagseselos ba to? Kanino? Sa akin o kay Aiah?
Sus. Hindi ako manhid para hindi mapansin yan Cris. Sobrang nakakahalata kana.
"You want to help Cris?" Tanong ni Aiah na hindi parin tinatanggal yung akbay sa akin. Tumango naman agad si Cris. Bilis magbago ng mood ah.
"Follow me..." Sabi nito siyempre sumunod naman agad is Cris at hindi man lang tinanong kung ano gagawin niya. Pero bago yun...
"Just stay there wag ka umalis." Bulong ni Aiah sa akin bago naglakad paalis kasama si Cris na kunot noong tiningnan ako nang lumapit mukha ni Aiah sa tenga ko banda.
At ako naman parang may naramdaman akong kilabot dahil dun, yung biglang may gumalaw sa tiyan mo ganun? Ewan ko ba.
Eto naman si Elaine, grabing ngisi naman neto mukhang aabot ng tenga na.
"What?"
"Walaaa." She answered with a tone pa.
Weird talaga ng babaeng to.
Hula ko ha dahil sa kusina pumasok sina Cris at Aiah, i think ipapatulong dun si Cris magluto. We know how much Cris loves cooking... Sobrang close nga siguro sila if Aiah assigned her sa kitchen.
May sinabi din kasi sa akin yun na she has a feeling na yung ipapagawa sa amin ni Lola Marcy ay tumulong dito sa cafe as staffs dahil nga kulang. And i think it's possible naman...
---
Cris's POVTahimik lang ako na nakasunod sa likuran ni Aiah papuntang kitchen. Mukhang alam ko na ipapagawa nito.
Alam na alam na talaga niya kung ano gusto ko.
Sana alam niya din na gusto ko parin siya.
Shutacca Cris.
"I know how much you love to cook, kaya you'll help their chief here for today." Nakatitig lang ako sa kanya, hindi ko alam kung ano pinagsasabi niya pero...nakakahumaling talaga ang ganda niya.
Hindi parin nagbabago, kahit gaano mo siya katagal tititigan hindi ka magsasawa.
"Cris? Hoy!" Natigil ako sa pagdi-daydream when she clapped her hand once sa tapat ng mukha ko.
"Ay sorry nu yon?" She laughed. "Bakit ba lutang ka na naman?" Tama ba narinig ko? Tumawa siya? Tinawanan niya ako?
"I'm asking if it's okay kung dito ka?"
"Oo naman! No probs! Baka nga magiging permanent trabahador na ako dito eh." She nodded.
"Okay, thank you for helping Cris... I'll see you later" tinapik niya ang balikat ko bago umalis.
Hindi ko alam, pero parang nabawasan ako ng kaba na harapin siya at kausapin sa mga pinag gagawa ni Aiah ngayon.
Final na talaga.
Ilang taon na ang nakalipas Cris. Huwag ka na magpakaduwag ngayon.
Nandiyan kana. Take it as your chance para makabawi sa kanya.
"Aiah.." tawag ko sa kanya. Buti hindi pa siya nakalabas sa kusina.
"Yes Cris? Is there any problem?" Hindi ko alam kung paano niya nagagawa maging ganito, parang wala lang nangyari.
"Can i ask for your time later?"
"For?"
"For us to talk." Kinabahan ako nang hindi siya nagsalita...please payag ka.
"Sure." Sagot niya at tuluyan ng umalis.
At dahil dun, umaasa na naman ako.
---
Hello everyone, on-hold ko muna siguro itong story...while tinatapos ko pa yung isang bini au ko :(
Sorry po!
YOU ARE READING
Unexplainable Feelings [ MIKHAIAH ]
FanfictionMikee can say na sobrang swerte na siya sa mga taong nakapaligid sa kanya, from friends and family. The love she received from them was enough but, she can't help but feel like there's something missing. She feel empty. She doesn't have a clue what...