Jaja's POV
"Ginagawa mo?"
"Doing my homework po."
"You're busy pala eh, bakit kapa tumawag?"
"I can multitask naman, so bakit hindi?" Natawa ako nang makita yung pag ikot ng kanyang mata sa screen ng ipad ko, hindi ko na rin mabilang kung pang ilang beses na.
"May gagawin kapa ba after niyan?"
"Meron."
"Ano?"
"Ang kausapin ka buong gabi hanggang sa makatulog tayo." Kasabay nung paglabas ko ng mga salita ay napatingin ako sa kanya.
"Ewan ko sayo Robles!" Tumawa na naman ako dahil sa reaksyon niya, ganito siya kapag bumabanat ako, walang marerebat e. Minsan bumabanat din siya, minsan lang. At mabuti at minsan lang.
"Diyan kana nga!"
Hala siya pinatayan ako, hahahah pikunin talaga.
Nag chat nalang ako sa kanya at hindi na sinubukan pa na tumawag, alam ko kailangan din nun ng pahinga. Pinagpatuloy ko narin yung dapat ko tapusin, malayo pa naman deadline pero ayoko rin kasi na mag cram.
Ang malapit narin finals, i need to focus on reviewing all of my notes. Naka schedule narin kasi mga dapat kong gawin, and kung ano nandun dapat gagawin ko talaga.
After an hour natapos ko narin yung mga gagawin ko, sa wakas ako ay makapag pahinga narin at makahiga sa malambot kong kama! Just like Mikee i have my own condo din same as din sa dalawa, afford din naman ng mga parents namin at sila mismo nag decide kaya hindi narin kami makatanggi, yun nga lang medyo magkalayo yung floors namin, kaya if we have time nalang kami nagbibisita sa mga condos namin.
Noon palagi kami sa condo ni Mikee suki yun palagi condo niya, but habang tumatagal yung college life namin dun nadin kami nagiging busy sa sarili namin schedule. Kapag free yung tatlo yung isa naman hindi, minsan naman isa lang yung free. Kaya we made a decision na Friday or Saturday barkada time.
Inaantok narin ako at past twelve na buti nalang 8 am pa first class namin bukas maraming oras pa ako makatulog.
Hindi ko na nalimutan mag goodnight sa kausap ko kanina bago matulog. Di narin ako naghintay kasi alam ko tulog narin yun.
Goodnight din Lord! Thank you for this day.
---
Gwen's POV
"Oh buti naman nagpakita kana sa akin, akala ko hindi mo na naman ako susunduin."
"Shanteeel" i whine nang kunin ko yung phlebotomy kit niya. Medtech rin kasi yung kurso nitong girlfriend ko, and classmate sila ni Cris.
"Joke lang bebe, i understand naman na busy ka kahapon with your friends, iniinis lang talaga kita." Tumawa siya at hinalikan ako sa pisngi, kita niyo na? Ganyan yan siya, after niya ako inisin, isang halik at ngiti with labas dimples niya nawawala na yung tampo ko.
May galit din talaga ako dito sa kit na hawak ko ngayon kasi sa tuwing nasa condo ang gf ko at bubungad siya na may hawak na kit.. naku naman! Mag expect ka nalang talaga na mababawasan na naman dugo mo sa katawan.
Nakaka trauma rin kasi nung first time kumuha ng jowa ko hindi niya daw makita ugat ko, hindi din kasi visible tapos nakailang tusok na siya hindi niya parin ako nakukuhanan ng dugo, naiiyak narin ako nung time na yon kasi ang dami ko ng pasa. Kung di ko lang mahal jowa ko hindi ako papayag na magpakuha.
Iniisip ko rin na etong phlebo din nila na subject ang magpapa anemic sa akin eh. Ako palagi kinukuhanan ni Shantel ng dugo, tapos yung dalawa kong kaibigan plano pa sana nila, aba mga gago kay Shantel palang mauubos na itong dugo ko tapos dadagdag pa sila?!
Before summer siguro ang putla-putla ko na tingnan at kapag makauwi dito sina Mommy at Daddy sa pinas magtatanong talaga yun, bakit ang putla ko?!
Ano naman isasagot ko? Eh kasi Mommy etong anak in law niyo nagpapaka vampire. Yun ba?
Hay naku nalang!
"May laboratory kayo today? Hanggang seven ka later?" I asked. Every monday kasi phlebo nila morning is laboratory while lecture naman on afternoon 4 hanggang 7 pm nayan. Alam ko sched niya kasi siyempre ako jowa.
"Laboratory lang kami ngayon, natapos nadin kasi lahat ni Ma'am yung lecture... waiting nalang kami ng schedule for finals." Sagot niya habang nasa gilid kami ng kalsada naghihintay ng jeep na masasakyan.
"Bakit bebe?"
"Eh kasi kapag ganyan for sure, si Cris makikipagkita na naman yan.."
"Hayaan mo na iyang kaibigan mo, wala kasing jowa kaya ayan naghahanap. Malapit na yan magbente bebe.."
"Dami kasing kinikitang babae noon, ayan tuloy edi tagtuyot season niya." Sagot ko naman hinampas naman ako ni Shantel sa balikat at tumawa.
Tama din naman sinabi ko, hindi ako nagbibiro.
Sakto naman na may paparating na jeep kaya sumakay kami, konti lang din yung sakay nito. Mga 15 mins pa kasi yung byahe ng simula sa bahay nina Shantel papuntang school same as my condo din, dinaanan ko nalang palagi si Shantel tuwing papasok kasi lakarin lang din naman ang condo ko sa bahay nila.
"Ikaw..diba vacant mo every Monday afternoon?" Tumango naman ako, nakaupo narin kami sa jeep and I'm getting our bayad sa wallet ko. Kinuha ko yung 50 pesos and pinaabot dun sa mas nauna sakin at malapit sa driver.
After ko makuha yung sukli ko ay hindi ko naman nalimutan na magpasalamat sa nag abot.
"Arcade tayo later pleasee" Shantel linked her two arms at mine kaya nawala yung paghawak nito sa kanyang palda. Mahangin kasi sa jeep kaya nalilipad ng konti yung mga palda namin, hindi naman ganun kaiksi akin and naiipit ko naman kahit paano...yung sa kanya above the knee kasi.. and yung sastre kasi nun nagtahi ng kanyang uniform ay namali yata yung sukat.. matanda narin kasi kaya hindi narin pinaulit ni Shantel hindi naman daw malayo sa tuhod niya.
Pero kasi yung pagiging overprotective ko talaga hindi maiiwasan eh, lalo na pagdating dito kay Shantel... and hindi lang naman ako yung ganito kahit yung tatlo ko na kaibigan, same lang din kami... And kung nandito rin sila I'm sure they will do this on Shantel narin, tinuturing bunso narin ito ng tatlo eh...
Since hs nakilala namin si Shantel, she's transferee kaya as an walanghiya nga una nakipag approached nun si Jaja sa kanya kasi kawawa daw at walang kausap sa gilid and mukhang mabait naman daw si Shantel, hindi narin naman kami umaangal..and since then sa amin na siya sumasama.
Hindi nakatakas sakin kung paano tumingin yung mama sa harap namin, mabilis ko naman linagay palad ko sa lap ng jowa ko at walang emosyon nakipagtitigan sa mama, nagtagpo yung tingin namin kaya nailang siguro at umiwas ng tingin sakin.
"Lagay mo yan diyan." Ako na naglagay ng kit niya sa kanyang lap. Hindi naman siya nag question pa at hinayaan lang ako.
After a minute dumating nadin kami sa school, and dinaanan ko naman si bebe sa laboratory room nila.
"Tuloy tayo mamaya?"
"Oo naman... Daanan kita dito later."
"Okiee." She cheerfully said at hinalikan ako sa pisngi, tumingin naman ako sa paligid if may mga tao, hindi sa kinahihiya ko ito, pero nahihiya ako kasi nga as an introvert person hindi talaga ako fond ng maraming tao, o circle of attention. Pwera nalang kapag kumakanta ako sa harap nila, ibang usapan nayon.
"Love you, see you later.." sabi ko at umalis na hindi ko na siya hinintay sumagot.
Umalis na naman ako ng may malaking ngiti sa labi.
Hay bebe...ikaw lang yung nakakagawa sakin ng ganito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.---
Vote and comment po your thoughts.
.
.
.
If may nagbabasa hehe
YOU ARE READING
Unexplainable Feelings [ MIKHAIAH ]
FanfictionMikee can say na sobrang swerte na siya sa mga taong nakapaligid sa kanya, from friends and family. The love she received from them was enough but, she can't help but feel like there's something missing. She feel empty. She doesn't have a clue what...