Cris's POV
"Crisss!" Napapikit ako sa ka-ingayan nitong jowa ni Gwy. Aalis na sana ako ng room pero bigla niyang sinigaw pangalan ko, dami pang tao sa paligid hindi ba siya nahihiya?! Jusko naman!
"Bakit?!" Pabulong kong sigaw, tinawanan lang ako ng boset.
"Saan ka pupunta?"
"Bakit mo natanong?"
Ayun.
Napatawa ko na naman siya ulit, ano ba nakakatawa sa sinabi ko? Baliw din talaga 'to minsan. Ay, hindi lang pala minsan.
-_-
"Masama ba magtanong?"
"Wala." Sagot ko nang matanaw ko rin yung jowa nito na papalapit.
Wala din naman ako plano na iwan siya dito mag isa nung nilapitan niya ako.
"Crisss! Par! Vergara!" Sunod na sunod na sigaw ni Gwy, hayop si Gwy ba 'to?!
Bakit marunong na 'to sumigaw in public?!
Nahawa na nga.
Hindi ko siya hinarap at nagpatuloy lang sa paglakad.
Bahala ka diyan.
Nakarating na ako sa kung saan naka park yung kotse ko. Buti na may parking lot yung school na 'to for students, yung iba kasi wala.
Pagpasok ko ng kotse ko ay naramdaman ko naman na nag vibrate phone ko sa bulsa. Siyempre tiningnan ko, and si Gwy yung bag message tinatanong kung saan ba daw ako pupunta pero hindi na ako nag reply at ini-start na kotse ko.
Maaga pa pero hinahanap na talga ng lalamunan ko, and gawain ko narin ito.. ano pa ba bago?
---
Nakarating nadin ako sa destinasyon ko..
"Boss ang aga niyo naman" sabi ng guard bago niya ako pagbuksan ng pinto.
"Maaga kasi natapos klase." Sagot ko nalang at pumasok nadin sa loob.
"Boss Cris! Wala ng pasok? O cutting?"
"Hirap mag cutting kapag college Cj... baka ma tegi ako sa mga magulang ko." Umupo ako sa counter habang pinapanood si Cj na isa dito sa mga bartender dito sa bar na nagpupunas at linis ng mga tables.
"Usual ba boss?"
Tumango ako at kinuha ang vape sa aking bulsa.
"Wala naman ako balak magpakalasing madami pa akong gagawin na school works."
Kahit na mabisyo akong tao, nagseseryoso naman ako sa pag aaral. Hindi ako katulad ng ibang mga anak na, wini waste yung pag aaral sa kanila ng mga magulang nila. I know my limitations.
"Nga pala boss si–"
"Cj...tapos kana ba sa paglilinis ng table– WHY ARE YOU HERE CRIS NICOLE VERGARA?!" Taas kilay na tanong ng Tita ko.
Napahilamos naman ako sa mukha ko dahil sa inis.
"Ilang ulit ko ba ipaalala sayo Tita na iwasan mo na kakatawag sa full name ko lalo na yung word na toot!"
"Pangalan mo yan bakit mo ba kinakahiya?! Tsaka ganyan naman tawag ko sayo dati ah?!"
"Dati yon Tita! Dati!"
"Ewan ko sayo Nicole."
Tangina ang kulit ng lahi.
"Nga pala, hapon palang ah! Bakit ka nandito?! Iinom ka na naman?! Eh kung isumbong kita sa mga magulang mo?!"
![](https://img.wattpad.com/cover/363888897-288-k6858.jpg)
YOU ARE READING
Unexplainable Feelings [ MIKHAIAH ]
FanfictionMikee can say na sobrang swerte na siya sa mga taong nakapaligid sa kanya, from friends and family. The love she received from them was enough but, she can't help but feel like there's something missing. She feel empty. She doesn't have a clue what...