Mikee's POV
"Ang tagal naman ni Jaja?! Natawagan mo na ba talaga Gwy? Saan na daw siya?"
Ngayon yung alis namin papuntang Cebu.
Yung mga pamilya ko dito, iling lang ng iling dahil sa nangyayari.
Kanina pa yan nagrereklamo si Cris, ang aga niyan dumating sa bahay eh, 4:30 palang nandito na yan.
Yung call time kasi namin 5 nandito na, para maaga kami makapunta dun. And 6:30 yung flight namin hanep na Jaja malapit na mag six.
"Natawagan ko na nga." Hindi lang yan pinapahalata ni Gwy pero alam ko naiinis na yan.
Antok na kaming lahat dito dahil maaga kami nagising tapos si Jaja tulog mantika pa habang kami nag lalagay na ng mga gamit sa sasakyan.
Buti nga lang nagising ni Tita si Jaja, gagong yun naka silent pala yung phone.
"Kapag talaga mali late tayo sa flight, siya talaga papaliparin ko hanggang cebu!" Aga uminit ng ulo ni Cris.
Napakamot nalang ako sa ulo, tinatadtad ko naman si Jaja ng message. Kainis naman oh. Di nagri reply.
Iiwan ka talaga namin Jaja, makikita mo.
"If she's not here in 5:45 aalis na tayo. Bahala na siya kung susunod siya sa airport o hindi." Yan, si Gwy na nagsabi di na ako tututol diyan.
-5:45 am-
5 minutes binigay namin kay Jaja pero mi anino niya walang dumating.
"Times up. Let's go na po Tito." Sabi ni Gwy kay Papa, nag paalam muna siya kay Wowa bago pumasok sa loob ng sasakyan.
"Hindi niyo na ba hihintayin si Jaja?"
"Oo nga kayo talagang mga bata jayo..."
"Susunod yan Tita. Mautak yun, dami yun maiisip na paraan."
Si Papa yung maghahatid sa amin sa airport siyempre kasama si Mama, and si Wowa maiiwan sa bahay kasi yung boys walang magbabantay, sunday ngayon and day off ng baby sitter nila. Si Ate naman kasi may pupuntahan rin, maya-maya gigising na yun.
"Gago talaga yun si Jaja nasaan na ba yun.." bulong ni Cris.
Natawa ako kasi si Cris hindi parin umaalis sa kinakatayuan niya at hinihintay parin si Jaja.
Mukhang galit lang yan pero ayaw talaga niyan na may naiiwan sa amin.
"Wowa, we're going na po.." paalam ko kay Wowa and niyakap siya.
"Osige apo, yung mga sinabi ko sayo ha...tawagan mo lang ako if may problema.."
"Yess po Wowa...i love youuu!" Sabi ko dito at hinalikan siya sa forehead. Sa totoo lang, mas close pa ako kay Wowa compare to my parents.
Wowa was been there since i was grade 1 palang, tapos si Mama and Papa ay busy pa sa kanilang trabaho that time noon. Palipat-lipat sila ng lugar because of their respective works. But buti nalang ngayon, after Mama give birth sa twins naging permanent na sila dito sa Manila.
"Tara na Cris.." hinatak ko yung kamay niya.. alam ko naman na susunod yan si Jaja...makakagawa yan ng paraan.
"Pero si Jaja..."
"Susunod yan." Nagpapahatak pa talaga siya ayaw umalis eh.
"HALA GUYS WAIT I'M HERE! WAG NIYO AKO IWAN!" may tricycle na papalit at nasa loob nito si Jaja na sigaw ng sigaw.
YOU ARE READING
Unexplainable Feelings [ MIKHAIAH ]
FanfictionMikee can say na sobrang swerte na siya sa mga taong nakapaligid sa kanya, from friends and family. The love she received from them was enough but, she can't help but feel like there's something missing. She feel empty. She doesn't have a clue what...