Shantel's POV
"Ayusin mo iyang mukha mo Stella baka matampal kita." Sabi ko dito sa kasama ko na kanina pa irap ng irap at reklamo.
Naririndi narin ako sa ingay niya, ok lang sana kung maingay siya na fun fun lang, eh yung puro reklamo lumalabas sa bibig niya! Sino ba namang tao yung hindi maririndi?! Arte-arte pa hindi ko lang ito kaibigan nasa Manila palang kami iniwan ko na yan.
"Bwesit kasi, gosh if Dad just told me ng early hindi magiging like this yung happenings sa akin right now!" Yan pati iyang pagiging conyo niya, dumagdag pa. Nakaka dugo sa ilong.
"Pwede ba! Tigilan mo na iyang pagiging conyo mo?!" Umirap naman siya.
Eh paano ba naman kasi hindi niya daw alam kung nasaan na yung phone niya after niya mag impake kahapon, kakadating niya lang galing NY tapos pinapa impake daw siya ulit ng Dad niya for vacation.
Kaya ayun si Mima mo galit na galit, pagod galing flight tapos pinapa impake na kaagad kahit na kakauwi lang.
Wala naman sa plano namin na magkasama kami for vacation, nagkataon lang na sabi daw ng Dad niya sa Arceta Resort daw siya pinapa bakasyon.
Tapos mag business partners daw kasi yung family niya at nitong mga Arceta. Susunod naman daw yung family niya, dun daw iiheld birthday ng Dad niya.Tapos eto pa, kanina pa yan hindi mapakali na makita phone niya. Nagtatanong naman ako bakit eh yung Mima mo ang sagot "eh kasi nga may mga important people me dun na imi-message."
Pinahiram ko rin naman siya ng phone ko pero sabi niya wag na daw.
Kita mo na, hindi mo talaga maintindihan yan. Diko alam kung paano yan natagalan ni Drake ugali niya.
Sabagay pareho din naman sila, pero sa totoo lang kung ako tatanungin...i don't think Drake deserve Stella.. di ko sasabihin kung bakit. Basta ayoko sa kanya."Where na ba yung girlfriend mo?"
"Nasa may waiting area na daw, kanina pa sila dun naghihintay." Hay! Finally! Makikita ko narin bebe ko!
Namiss ko amoy nun na mala baby powder..grrr kagigil. Argh!
"Eew, girl...stop that smile nga...ang creepy." Arte neto. Palibhasa ano...
"Hoy Stella! Saan ka pupunta alam mo ba mga mukha niyang kaibigan ko para mauna ka!" Sigaw ko.
"It's so init na kasi! Hurry up na!" Nagsisigawan na kami dito sa airport, gaga talaga kaya pinagtitinginan naman kami dito ng mga tao.
Habang naglalakad kami, natanaw ko na sina bebe and friends. I chuckled as i saw her na parang wala ka na naman makitang emosyon sa mukha niya. Yan talaga resting face niya.
"Tawa mo diyan girl?"
"Nandun na sila oh.." turo ko sa direksyon kung nasaan sina bebe.
"Oh...why naman parang mag aaway naman yung dalawa na kasama nila?" Si Cris yun and hindi ko kilala na girl na nakasalamin. Nag aambahan kasi sila ng suntok, kita sa mukha ni Cris na pikon na pikon na.
Hahaha sino naman kaya itong si Ate girl na nakapag test ng anger side nitong kaibigan ko.
"Bebe!" I saw how her face lit up as she turned her look towards me..hays iba ka talaga Shantel ikaw lang nakakapag-gawa niyan sa jowa mo. Siyempre dapat proud tayo.
"Hawakan mo be." Binigay ko kay Stella yung bag na dala ko at binitawan ang aking maleta.
Tumakbo ako papunta kay bebe at tumalon, nakayakap ako sa kanya na yung dalawang binti ko ay nakapulupot sa kanyang bewang. In short, nagpabuhat ako. Buti nalang at marunong itong magbalance yung jowa ko.. dahil sa postura nito malamang sa malamang matutumba kami.
YOU ARE READING
Unexplainable Feelings [ MIKHAIAH ]
FanfictionMikee can say na sobrang swerte na siya sa mga taong nakapaligid sa kanya, from friends and family. The love she received from them was enough but, she can't help but feel like there's something missing. She feel empty. She doesn't have a clue what...