6

598 15 0
                                    

Jaja's POV

"Mikee!" Sigaw ko pagpasok sa loob ng condo niya. I know her passcode naman so hindi na ako kumatok o nag paalam man lang sa kanya na ako'y pupunta.

Also sanay narin naman yan na may bigla bigla pupunta sa kanyang condo. Only her fam, and kaming tatlo lang nakakaalam.

"Ano na naman ginagawa mo dito?!" Lumabas ang isang Mikee Lim na naka pajama, medyo magulo ang naka ponytail niyang buhok and may hawak siya na sandok.

Kakagising lang siguro neto, anong oras na..malapit na mag tanghalian. Eto talagang isang to madalas na sinasabay ang kanyang breakfast sa lunch. Kapag alam ito ni Tita sermon abot nito.

And akala ko din wala siya dito kasi nung isang araw dumalaw ako pero walang tao yung condo niya, and hindi din namin alam kung nasaan siya. Bigla nalang nawawala.

"Nandito ka pala" kumunot naman noo niya sa sinabi ko.

"Saan ka pumunta nung isang araw ha?!" Nahampas naman niya ako ng sandok sa braso. dahil sa biglaang pagsigaw ko.

Sakit nun ha!

"Wag ka nga sumigaw! Magkaharap lang tayo!"

"Bakit wala ka nung isang araw sa condo mo?! Saan ka nagpunta?!" Tanong ko ulit na hindi parin hinihinaan ang boses ko.

"Sa tabi-tabi." Ang gandang sagot niyan Mikee.

"Alam kong umuwi ka at magkasama kayo ni Juliana!" Sinundan ko siya papuntang kusina.

Akala mo ha, nakita ko yung ig story ng kaibigan ni Juliana na vid tapos natanaw sa vid na magkatabi sila.

"Alam mo naman pala nagtatanong kapa." Sabi nito at tinuon ang pansin niya sa niluluto niya.

"Ano ba relasyon niyo ni Juliana ha?"

"Friends."

"With benefits?"

"Friends nga bwesit!"

"Weh?

"Ayaw mo maniwala edi wag!"

Nakakalito rin jasi eh, ayoko lang masaktan mga friends ko at magpaka tanga, di nila deserved yun.

Nilapitan ko si Mikee na nakatalikod sa akin, sumilip naman ako sa niluluto niya. Ang bango kasi parang alam ko na niluluto nito.

"Uy! Adobo!" Napatalon naman siya sa gulat.

Napaka magulatin naman neto.

"Potangina ka talaga Jaja! Malapit pa talaga sa tenga ko ha?!"

"Sakto! Gutom na ako! Dito na ako kakain ha!" Sabi ko naman at tumingin sa rice cooker niya ayun, sakto madami din yung sinaing niya.

Napamura nalang siya at wala ng nagawa.

"Buti at madami-dami yung naluto kong ulam, sa susunod kasi magpa alam naman kayo na pupunta kayo dito!" Sabi niya habang sinasalin ang ulam sa bowl. Ako naman yung kanin nilalagay ko sa nga pinggan namin.

Marunong din naman ito magluto si Mikee pero hindi katulad ni Wowa, walang makakatalo sa luto ni Wowa noh. And of course no offense din dito kay Mikee kasi tanggap niya rin naman na mas masarap magluto si Cris sa kanya, sabagay lumaking may dalawang sikat na chef si Cris na kasama sa loob ng kanilang bahay. Siyempre nasa lahi na yan.

Sinabi narin sa amin ni Cris yung plano niya maging medtech and mag manage na restaurant nila soon.

"Thank you sa foods!" Sabi ko naman.

Unexplainable Feelings [ MIKHAIAH ]Where stories live. Discover now