10

574 18 0
                                    

Mikee's POV

"Po?!"

"Kami?!"

"Magtatrabaho?!"

"DITO?!" sunod na sunod naming tanong, si Jaja yung paghuli muntik ko na nga mabatukan dahil ang lakas sumigaw.

Napaka tamlay nito kanina hindi ko alam kung bakit, si Cris naman tulala tapos etong si Gwy sakto lang. Maayos naman siya.

"Yes girls, you will help my apos here sa resort...while I'm going to Manila para mag bakasyon."

This can't be for real!? Pumunta nga ako dito to have a peace of mind and makapagpahinga tapos magtatrabaho lang ako dito?!

Mabalik nga tayo, sinabi kasi sa amin ng Lola ni Madeline na magtatrabaho daw kami dito sa resort, and lahat ng expenses namin here ay free.

Kaya pala hindi pa kami nakapag order may room service na agad na dumating with foods. Ang saya-saya pa namin nun kanina kasi may free foods kami.

"What are you going to do sa Manila Lola?" Tanong dito ni Madeline.

Nakita ko rin kanina na nagulat yan sa sinabi ni Lola Marcy, hindi din pala alam ng dalawa yung plano nito.

"I'm going on a vacation there with my bestie Daisy." Ang sassy pa nung pagkasabi niya. They really are besties, yung si Wowa may pagkamaarte din yun minsan eh.

"How about the resort? Sino naman magma manage nito?"

"Kaya nga pinauwi ko kayo ni Elaine dito diba?"

"Lola i can't!"

"Yes you can."

"But–"

"No buts Madeline Queen, you will temporarily manage our resort and that's final."

Palipat-lipat lang yung tingin naming nandito sa mag Lola, di na kami nakapagsalita.

Ramdam namin yung pangangamba ni Madeline, sino ba naman hindi? Biglaan kang na inform na magpalakad ng resort niyo temporarily, hindi ka mag aalala dun?

And me, nagpipigil ako ng sarili ko na umalis dito para tawagan si Wowa.

"Apo...alam kong nag aalala ka, you can do it Madeline, you're always doing good on your work here diba?...nagtitiwala ako sayo.."

Umusog si Elaine sa sofa palayo sa tabi ni Madeline nang lumapit si Lola sa kanya, she's holding Madeline's hands para pagaanin loob nito.

"But Lola,iba yun, you're there to guide me.."

"Don't worry, iiwan ko sayo ang secretary ko."

Madeline can only sighed in defeat, wala naman siyang choice eh.

"And kayong apat na apo ni bestie, you will meet my secretary also tomorrow..para sa inyong my tasks...and pumayag naman Wowa niyo to do this."

Pati kami wala na din choice.

And Wowa didn't tell me about this?!

"Another thing, habang nasa resort ko kayo you will all follow all the rules here and sundin ang mga inuutos sa inyo, got that?"

I secretly rolled my eyes sa sinabi ni Lola, do we have a choice pa here? Hindi man lang nila nirespeto yung desisyon namin kung papayag ba kami dito o hindi?

"Lastly the most important is, please behave..ayoko ng gulo. I don't want na pag uwi ko dito may problema akong aayusin... especially you Cris."

Unexplainable Feelings [ MIKHAIAH ]Where stories live. Discover now