11

575 19 0
                                    

Jaja's POV

"Jaja bangon na diyan hoy! Pa special ka talaga! Kanina ka pa namin hinihintay sa labas hindi ka parin bumabangon!" Nakaramdam ako na may humahampas sa aking puwetan.

Umungol lang ako at sinalin yung direksyon ng ulo ko sa kanan, nakadapa yung pwesto ko ngayon sa kama.

Wala akong gana bumangon.

"Sunod na ako 10 minutes muna. Inaantok pa ako."

"Hoy hindi pwede! Susunduin pa natin sa airport yung si Shantel at kaibigan niya. After nun kikitain pa natin yung secretary ni Lola Daisy!"

"Kayo nalang Cris, susunod nalang din ako kapg kikitain niyo na yung secretary, tinatamad ako."

"Bahala ka, diyang kana nga!" Hinampas ako nito ng unan sa ulo.

Tangina talaga.

Nakakatamad lang talaga ngayon. Tapos hindi pa ako makatulog kagabi. Siguro nasanay ako na palaging late na natutulog kaya ganun.

Tapos dumagdag pa yung babaitang yun.

Kainis.

Kapag talaga nakauwi siya dito sasabunutan ko talaga siya. Yung pati anit niya matatanggal na.

Nakailang tawag at text na ako sa kanya, kahit like man lang wala akong natanggap.

Nakakatampo!

Magtatampo ako as a friend sige. Yun lang naman karapatan ko.

Animal.

---

Gwy's POV

"Ano sabi?" I asked Cris after niya lumabas ng hotel. Nasa baba kasi kami ng building, kanina pa kami naghihintay kay Jaja tarantado talaga yun palagi nalang nahuhuli.

"Hindi siya sasama. Inaantok." kita mo na. Naghintay kami di pala sasama.

Kagabi pa yun matamlay, pati sa pagkain ng dinner kung hindi namin sinasabihan na kumain hindi kikilos para sumubo.

"Let's go then. Any minute dadating na yung eroplano na sinasakyan nina bebe." I said at lumakad papunta kina Mikee na kausap si Madeline.

I didn't know what happened kahapon, it's my first time seeing Mikee like this na hindi awkward makipag usap sa kakakilala niya palang.

Kaya nga susunod na sana ako kay Cris kanina para puntahan sila sa kwarto dahil hindi ako makasabay sa pinag uusapan nila. Dagdag mo pa yung kaingayan ni Elaine, if those two can match Elaine's energy...ako hindi.

"Mikee." Tawag ko, tatlo sila nakangiting lumingon sa amin.

"Where's Jaja?" She asked.

"She's not going, tayo nalang umalis." I said.

"Ay dai, hindi daw sasama." Bisaya accent pa yung pagkasabi ni Madeline habang nakatingin ng panunukso kay Elaine.

Hmm..

Kita ko naman kung paano umalis ngiti ni Elaine at sumimangot. Tumawa naman si Mikee..

"Ok lang yan makikita mo parin naman siya... alis narin tayo dahil hindi gusto ni Gwy na pinaghihintay bebe niya.." i only rolled my eyes, because i can't deny it. Totoo yun.

"Edi let's go!" Napangisi ako nang makita parang nabigla si Mikee when Madeline grab her hand and cling to it.

Naglalakad na sila ngayon paalis. Sumunod naman ako, but when i realized na wala yung presence ni Cris ay nilingon ko siya.

Unexplainable Feelings [ MIKHAIAH ]Where stories live. Discover now