Chapter 3

103 4 0
                                    

HINDI pa rin maiwasan ni Sonja na mamangha sa glass house. Ilang beses na niyang pinuntahan iyon pero manghang-mangha pa rin siya sa ganda nito. Hindi pa rin siya makapaniwala na mabubuhay ang ilang bulaklak na tanging sa ibang bansa lang nakikita roon. May ilan pa ngang hindi siya sigurado sa pagkakakilanlan.

T’wing umaga, pagkatapos ng breakfast ay dito siya dumediretso hanggang tanghalian. Dito niya na rin madalas ipahatid ang pagkain niya. She never gets bored being here. Maybe because this garden reminds her so much of their home.

May garden din kasi ang mommy niya, hindi man ganito kalaki at kaganda pero madalas silang tumambay doon ng kuya Sunny niya.

She may be mad to her mother but she misses her too. If only hindi nangyari ang lahat ng ito sa kanila.

Napapitlag sa gulat si Sonja nang makarinig siya ng kaluskos hindi kalayuan sa kinatatayuan niya. Nawala tuloy sa isip niya ang kaninang iniisip.

Kumunot ang noo niya nang mapansing may mga halamang gumagalaw ng medyo marahas. Hindi hangin ang dahilan noon dahil hindi naman malakas ang ikot ng mga elesi sa mga ventilation ng glass house.

What’s that?

Lalo pang kumunot ang noo ni Sonja nang makakita siya ng mabalahibong buntot.

Her lips immediately formed into a smile when she finally realized what it is.

It was a little pure black puppy!

A labrador retriever!

Pero hindi pa man nakakahuma si Sonja nang tumakbo papalapit sa kaniya ang isa pa! This time it’s a pure white puppy!

Kumakahog ang buntot nitong lumapit sa kaniya ang puting tuta. Kusa namang umangat ang kamay ni Sonja para i-pet ang naunang lumapit. Sumunod rin naman ang itim kaya pi-net din ito ni Sonja.

She was giggling while touching their soft fur.

May aso pala rito?

Sinong amo?

Si Erez?

“Niki! They’re so cute! Kanino sila?” tanong niya sa personal maid niya habang hindi inaalis ang mga tingin sa mga aso. “Niki?”

Hmm? Bakit hindi sumasagot si Niki sa kaniya?

Nagulat siya nang biglang tumakbo papunta sa likuran niya ang mga tuta. Dahan-dahang napalingon si Sonja doon.

The puppies were jumping at the long legged man. Hindi naman nagtagal ay binuhat ng lalaki ang dalawang tuta. Doon lamang nag-angat ng tingin si Sonja at bahagyang umawang ang mga labi.

She never seen this man in this mansion but his body built looked oddly familiar.

Biglang sumagi sa isip niya ang nakatalikod na katawan ng asawa habang naglalakad ito palayo sa kaniya noong gabing umiiyak siya.

She looked at his face carefully, his hooded brown eyes, thick eyebrows, perfectly sculptured nose, his jaw and his lips. He looks like the perfect discription of some male character in a greek god’s based film.

He’s tall and musculine at that!

She’s not really short in height, she’s at least 5'2 but this man is excessively tall! Sixth five or even taller than that!? Pakiramdam ni Sonja ay magkakastiff neck siya kakatingala rito.

At isang tao lang ang kilala niyang ganoon katangkad.

Erez Alterra. . .

But his hair is short! Not clean cut but it’s definately shorter than the first time she saw it! Mahaba ang buhok ni Erez but now. . .

Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon