“MADAME! Male-late ka na!”
Mabigat ang mga talukap ng mga mata ni Sonja na dumilat nang marinig ang ingay ng boses ni Niki. It was early in the morning and she didn’t wanna get up yet! Anong oras na siya natulog dahil tinapos niya ang reports niya kagabi para ngayong umaga.
Niki was now opening the huge black out curtain of the window. Doon lang napagtanto ni Sonja na mataas na nga ang sikat ng araw.
“Late ka na naman nagising, Madame! Tumawag si Sir Erez para kausapin ka sana pero natutulog ka pa,”
Her husband called!?
Napabalikwas siya ng bangon.
Oo nga pala, may usapan silang tatawag ito ng alas sais ng umaga pero alas otso na! At may first class siya ng eight-thirty!
“Bakit hindi mo ako ginising nang mas maaga, Niki!?” she fired at her.
And Niki, being rude, pinameywangan pa siya nito!
“Hello, Madame! Kanina pa kaya ako pabalik-balik dito, kasama ko pa ang mga aso niyo kaso sarap pa ng tulog niyo.”
Oh gosh!
Umalis na siya sa kama at nagmamadaling pumasok ng banyo! Hindi na niya liliguan ang buhok niya, mamaya na lang pag-uwi niya. Sobrang late na si Sonja!
“Si Ezra?”
Minuto lang ay tapos na siya sa banyo sa kamamadali, nakapagbihis na rin siya para sa eskwela, si Niki naman ay abala sa pagliligpit ng higaan ni Sonja.
“Hinatid na ni Sir Lucas kanina pang alas siyete.”
Napapikit siya ng mariin. “Sa school na ako magbe-breakfast. Tatawagan ko rin si Erez mamayang break ko.”
Nagkibit balikat si Niki, “Okay, Madame. Handa na rin naman na ang sasakyan mo.”
“Thanks,” ngisi niya rito.
Her day went smoothly like any other day, pumasok siya sa school, tinawagan ang asawa or the other way around, uuwing hindi kasama si Ezra and maghihintay sa tawag ni Erez bago matulog. Ganoon ang naging routine ni Sonja sa nagdaang mga araw. Medyo panay nga lang siyang nale-late ng gising kaya naka-ilang mark na siya ng late sa attendance.
“Here,”
Isang maliit na karton ng yogurt juice ang humarang sa paningin ni Sonja. Binalingan niya ng tingin ang may hawak nito, si Jasmine.
“Masakit pa rin ulo mo?”
Kagagaling lang kasi ni Sonja sa clinic para manghingi ng gamot dahil medyo masakit ang ulo niya ngayon.
Marahan siyang tumango.
Umupo sa katabing upuan niya si Jasmine. Medyo naging mas malapit sila nito mula noong naka-kwentuhan niya ito ng minsan sa bench, though she still acts cockily, nasanay na rin si Sonja sa ugali nito.
“Dapat nagpahinga ka muna sa clinic.”
“Kaya ko naman,” sagot niya.
Jasmine shrugged at her, “Hmm, may sasabihin pala ako sayo. Kung willing ka lang makinig.”
Umayos ng upo si Sonja.
Is this about her waiter boyfriend again or may balita na ito sa mom nito?
“Pumayag na ang boyfriend ko na pasyalan ako dito!” Halos tumalon sa tuwan si Jasmine habang ikinukwento iyon sa kaniya.
“Really?” Masaya naman si Sonja para dito.
She excitedly nodded, “Yes! He’s going here this Friday!”
BINABASA MO ANG
Ex-Husband
RomanceBETRAYAL SERIES BOOK 3 Sonja Zoelle Castello was forced to marry a man eleven years older than her. She was the repayment of her parents' debt. She was once the princess and the most loved daughter of her family, so, how can they sold her like this...