Chapter 28

74 2 0
                                    


DYANE’S still here at hindi niya pa nakakausap ng maayos si Erez simula nang magising ito. He’s already stable and walking around, he tried his best to approach her pero mukhang napapansin nito na si Sonja mismo ang umiiwas.

Sa totoo lang, hindi niya alam kung paano magsisimula kay Erez, ang paghingi ng kaniyang tawad dahil sa mga nangyari dito o ang muling pagpapaalam niya rito.

Hindi niya alam kung paano.

Natatakot si Sonja na baka hindi niya kayanin.

Sonja gently touched her belly, she slowly caressed it.

Hindi niya rin masabi ang tungkol sa kalagayan niya ngayon.

She’s sure Erez will accept it and gladly take them back but Sonja... She believe she wasn’t deserving for him anymore. She’s not deserving to be his wife again, not now, saka na kapag may ibubuga na siya. Kapag kaya na rin niya ang sarili niya, when she’s mature and ready. Kapag pwede na siyang tumayo sa tabi ni Erez.

“Madame, tawag na kayo sa hapag.” Si Niki.

Nasa loob siya ng kaniyang silid, hindi siya masyadong naglalabas dahil hindi pa siya handa kapag nakasalubong niya si Erez kung sakali. Iba kasi ngayon, he’s already awake, unlike when he was asleep, she can freely looked at him and touch him.

Bumuntong hininga si Sonja. “Susunod na ako,”

“Napakain ko na rin sina Luna at Snow ng snacks nila.”

“Thanks,”

Tumayo si Sonja sa kinauupuan niya ngunit nawalan ng balanse dahil bigla siyang nahilo.

Mabilis naman siyang dinaluhan ni Niki.

“Okay ka lang, Madame? Namumutla ka!”

Hinaplos niya ang kaniyang noo, “Okay lang ako, Niki. Medyo nahihilo lang.”

“Naku! Ipapahatid ko na lang ang pagkain niyo dito, Madame.” Nag-aalalang anito.

Marahan siyang umiling dito at kahit na mabigat ang kaniyang talukap ng mga mata dahil sa pagkahilo ay seryoso niya pa rin itong binalinga.

“Hindi na,”

Nakakahiya sa Don kapag hindi siya sumabay sa hapag gayong nakikisilong lang siya sa poder nito.

“Pero, Madame,” aapela pa sana si Niki pero inilingan niya na ito. “Aalalayan kita kung ganoon.”

She sighed. “Fine, pero hanggang makababa lang ako sa hagdan.”

Hindi rin kasi sigurado si Sonja kung kaya niyang bumaba ng hagdan ng mag-isa. Mahirap na baka bigla siyang matumba at mapahamak pa ang baby niya.

True enough, hanggang sa makababa lang siya ng grand staircase inalalayan ni Niki pero nakasunod ito sa kaniya hanggang sa makarating siya sa dining area.

The usual chair of Erez was occupied by the old Alterra, sa tabi nito sa bandang kanan ay si Erez, sa tabi ni Erez ay isang bakanteng upuan bago si Lucas. At the left side were Erez’s brother, Erycc then Ezra and then Dyane.

“Come, hija,” anang ama ni Erez.

Marahan siyang tumango.

Is she going to sit beside Erez?

No, she sat beside Lucas sa kabilang banda nito.

Hindi nakatakas sa kaniyang tingin ang pag-irap ni Ezra sa bandang gawi niya.

“Let’s eat.” Anunsyo ng Don.

Nagsimulang kumain ang lahat, the food served was all delicious but Sonja couldn’t find the right food for her and her baby. Parang lahat ng nakahain ay isusuka niya anytime ngunit ayaw niyang gumawa ng eksena.

Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon