Chapter 20

77 4 0
                                    

MALUNGKOT pero mas magaan na ang loob ni Sonja nang ihatid nila si Erez sa airport. Actually, hindi na nga sila bumaba ng sasakyan dahil iyon ang bilin ni Erez, iyon din naman ang gusto ni Sonja dahil baka kapag nakita niya itong nagbo-board na pasakay ng eroplano ay baka habulin niya pa ito at pigilan.

Si Lucas ang nagmaneho ng sinasakyan nilang SUV ngayon, isa sa mga sasakyan ng mga Alterra sa farm, kasama rin nila si Ezra at Gustav. Sa kabilang van naman ang mga bodyguards na kasama nila.

“Take care while I’m away,” mahigpit na paalala ng asawa.

Marahang tumango si Sonja.

“Ikaw din, mag-iingat ka.”

Erez also nodded, “Remember what I told you,”

“Uh-uhmm,”

“Please wait for my return.”

Isang mabilis na halik ang ginawad ng asawa sa kaniyang mga labi bago ito tuluyang bumaba ng sasakyan.

Bumaba rin si Ezra at si Lucas. Nakita ni Sonja mula sa loob ng sasakyan na may binibilin ito kina Gustav at Lucas, nagtagal ang mga sinasabi nito sa kapatid na si Ezra na nakakunot lamang ang noo, siguro ay dahil sa sinag ng araw sa labas.

Hindi gusto ni Sonja na magpaalam pa ng matagal sa asawa dahil baka magbago ang isip niya at sumama rito kahit na baka maging sagabal lang siya sa magiging trabaho ni Erez.

A few minutes later, pumasok na muli sa loob ng sasakyan ang dalawa. Naiwan pa si Gustav dahil ito ang maghahatid hanggang sa loob ng airport.

Sonja gave her final wave inside the car, she’s sure that Erez will not see her because it’s tinted. She will not cry, pigil na pigil niya ang kaniyang sarili as she looked at her husband’s back taking steps away from her hanggang sa tuluyan na na itong nakapasok sa loob.

Sonja sighed heavily, fighting the urge of crying.

“Gustav will took a cab back to farm mansion mauna na tayo,” si Ezra na nakaupo na ngayon sa tabi ng driver’s seat.

Hindi naman sumagot si Sonja, nakayuko siya habang marahang hinahaplos ang kaniyang daliri kung nasaan ang singsing na binigay ni Erez kagabi.

Panghahawakan niya ang pangako ng asawa.

They will get married again once he comes back.

And she couldn’t wait it to happen.

Siguro ay iyon na rin ang dahilan kung bakit sinubukang kontakin muli ni Sonja ang kaniyang kuya Sunny. She wanted to invite him, she wants him to witness that she’s happy and fine. Dahil malaki ang pagtutol ng kuya Sunny niya sa pagpapakasal niya noon kay Erez sa maling paraan, ngayon gusto niyang makita ng kuya niya na maayos na ang lagay niya ngayon.

Hindi naman siguro pagiging selfish iyon? Iniisip niya na magiging masaya ang kuya niya para sa kaniya, despite of what happened to their family.

It’s been almost a year since the last time she saw her brother working in that restaurant, naroon pa rin kaya ang kuya niya?

alterra.zoelle

Hi, kuya! How are you? I hope you’re fine. This is my new account. I miss you so much, I hope to see you soon. If you’re not busy can I we meet up?

She sent it hoping to recieve a response from her brother as soon as possible.

“Hey! Are you busy?”

Nabigla siya nang lapitan siya ni Jasmine, katatapos lang ng isang subject nila at free time nila ngayon bago ang sunod kaya napagpasyahan ni Sonja na magpunta muna sa kalapit na benches para tawagan ang asawa.

Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon