Chapter 23

61 3 0
                                    

MEDYO nahimasmasan din si Sonja sa ilang araw niyang pag-iisip. Mabuti na lang at ilang araw din silang walang klase. Ngayon ay naglilibot siya sa rancho habang nakasakay sa kabayo. Medyo kumalma na siya ngayon matapos ang ilang araw na pagmumukmok at pag-iwas sa mga tawag ng asawa na dapat ay hindi niya ginawa dahil sigurado siyang nag-aalala na ito sa kaniya.

Siguro isa na rin sa dahilan kung bakit natapos ng bahagya ang pag-o-overthink niya dahil ilang araw niya ring hindi nakita si Ezra. Kung saan ito nagpunta ay hindi niya alam at hindi rin siya interesado.

Bumaba na siya sa kabayo sa may bandang manggahan nang makaramdam siya ng pagkahilo. Ilang araw na rin kasi siyang hindi nakakain ng maayos.

Bumaba na rin si Niki sa kabayo, kasama ang isang bodyguard dahil hindi naman ito marunong mangabayo. May dala itong basket na sigurado siyang puno ng pagkain at medicine kit.

“Madame! Ang layo na nitong nilibot niyo, kapagod!” Reklamo kaagad nito sa kaniya. “Kumain ka muna, hindi ka pa kumakain.”

“Mamaya na, medyo nahihilo kasi ako.”

“Ayan! Kaya mas lalong kailangan mong kumain, siguradong sa gutom ’yan, Madame!”

Mabilis ang naging kilos nito, naglatag nito ng banig at saka hinanda ang mga dala nitong pagkain. Wala namang gana si Sonja na kumain, ang gusto niya lang ay magpahinga.

Abala naman ang isang bodyguard na itali sa isang puno ang mga kabayong dala nila.

“Madame, h’wag niyo nang intindihin si Ma’am Ezra, masyado kayong matamlay mula noong dumating siya,” si Niki nang tabihan siya nito sa banig na nilatag nito.

Sonja sighed.

“Ganoon po talaga si Ma’am Ezra,”

Alam naman ni Sonja iyon at naiintindihan niya. She was once like that, young, spoiled and immature. Hindi niya lang talaga maiwasang mapaisip doon sa mga sinabi nito lalo na nang malaman na rin niya iyong tungkol sa kay Dyane Wilson Smith.

Muling bumuntong hininga si Sonja at saka yumuko. Bahagya niyang inangat ang kamay para haplosin kung nasaan ang singsing na binigay ni Erez sa kaniya.

She will asked him about that woman once he’s back para matigil na ang bumabagabag sa kaniya.

“Aalis pala ako mamaya, Niki.”

“E? Wala kayong pasok, Madame, a!”

“Kikitain ko ang kaibigan ko, saglit lang ako.” Aniya.

Kumunot ang noo nito, “Sasama ako, Madame.”

Umiling si Sonja. “Hindi na, isang bodyguard at driver lang ang isasama ko.”

“Madame!” Reklamo nito. “Hindi kaya maganda ang complexion niyo tapos gusto niyong umalis na wala ako? Namumutla ka kaya!”

She gave her a faint smile. Alam niya at kitang kita naman niya kung gaano ka-genuine si Niki sa kaniya. Unlike noon na dudang duda siya sa loyalty nito. Mukhang mas loyal na nga ito sa kaniya kumpara sa boss nito.

“Niki, I’m fine, at saglit lang ako.”

“Hay naku, Madame!” apela pa nito. “Papayagan lang kitang umalis na hindi ako kasama kung kakain ka, namumutla ka, o!”

At ilang oras pa ang tinagal ng sermon ni Niki sa kaniya hanggang sa makabalik sila sa farm mansiyon ay hindi pa rin ito tumitigil. Halatang ayaw siyang payagan nito ngunit wala itong magawa dahil hindi naman nagpapapigil si Sonja.

Lumabas siya ng kaniyang silid at bihis na bihis na. Si Jasmine ang kikitain niya ngayon dahil may pabor na naman itong hiniling sa kaniya.

Inayos ni Sonja ang kwelyo ng long sleeves polo dress na suot niya maging ang cuffs nito. Bahagya siyang tumigil nang makarinig ng pagbukas ng pinto, nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang isa sa mga guest room iyon.

Ex-HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon