SONJA'S eyes were swollen when she woke up after she had a nap from the long drive. Ang buong akala niya ay sa main mansion sila ng mga Alterra didiretso since naroon sina Gustav at Niki pero nang idilat niya ang mga mata ay unang napansin niya ang pamilyar na farm mansion nina Erez. Dito sila dumiretso matapos ang pangyayari kanina.She's still sad. Her heart is still aching for her brother, mabuti na lamang at nariyan si Erez para pakinggan ang mga hinaing niya. She cried so hard awhile ago. Pero dahil doon ay medyo gumaan ang pakiramdam ni Sonja.
Naisip niya, siguro sa ibang pagkakataon, kapag handa na ang kuya niya na makita siya or sagutin ang mga chats niya, doon pa lamang niya ito haharapin. Kapag handa na ang kuya niya.
"Kanina pa ba tayo?" Napansin niya kasing hindi pa sila bumaba ng sasakyan pero patay na ang makina nito.
Umiling naman si Erez sa kaniya. "Not really."
"Bakit dito tayo dumiretso? Paano sina Niki? Si Snow at Luna?"
"They're going back here tomorrow. I just want you to rest today." Marahang sagot nito.
Hindi na sumagot si Sonja doon, sa halip ay tinanggal na niya ang kaniyang seat belt dahil napansin niyang hindi na suot ni Erez ang seat belt nito. Mukhang kanina pa yata sila dumating at hinintay lang siya nitong magising.
Hindi naman siya bumaba sa sasakyan, sa halip ay kumportable pa siyang sumandal sa back rest nito.
"Are you feeling okay now?" He asked.
Honestly, she doesn't.
Umiling siya sa tanong ni Erez.
"Do you want to go inside and rest?" Mas marahan ang boses nito.
Muling umiling si Sonja. "I'm sorry for what happened today, I know you put some effort for my meeting with my kuya, sorry if hindi ko siya hinarap at nasayang ang oras mo."
Erez immediately shook his head. "My time and effort will never be wasted if its for you, Zoelle. Please don't say that."
Napayuko siya roon. Mabigat pa rin ang kaniyang dibdib kaya tila iyon lamang ang emosyong nararamdaman sa mga oras na iyon.
"I. . . I expected him to be working as the sole bread winner to my parents, after I. . . You know, I was. . ." Halos hindi niya alam kung saan magsisimula. "Galit ako sa mga magulang ko dahil pinakasal nila ako sayo. . ." Pag-amin niya.
Nag-angat siya ng tingin para makita ang reaksyon ni Erez pero laking gulat niya nang hindi natinag ang concern sa mga mata nito.
"Are you sure you wanted to tell me this?" May pag-iingat sa boses nito.
Tumango siya. "Gusto kong maintindihan mo," she bit her lower lip. "I, I, I was afraid to marry kahit hindi ikaw siguro, takot ako. I was too young, I'm not ready for this, I don't understand why I need to suffer from my parent's debts to you. I loathed them, s-sinabi ko pa na hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa akin. It felt like, I was an item being sold to someone I don't know. Natakot ako sayo, akala ko sasaktan mo ako. I was scared at our age gap. I was scared of everything. It feels lonely."
Hindi niya alam kung paano niya nakukuhang sabihin ang mga ito kay Erez ng walang luhang nagbabadya sa kaniyang mga mata. Ang gusto niya lang kasi ay malabas ang lahat ng ito, pakiramdam niya kasi ay gagaan ang loob niya kapag nasabi na niya ang mga bagay na matagal nang bumabagabag sa kaniya.
"I thought you were some kind of jerk who wanted a woman years younger than her, I thought you were gonna make me suffer, I thought you're going to beat the crap out of me, I misjudged and thinks ill of you and I'm really sorry for that."
BINABASA MO ANG
Ex-Husband
RomanceBETRAYAL SERIES BOOK 3 Sonja Zoelle Castello was forced to marry a man eleven years older than her. She was the repayment of her parents' debt. She was once the princess and the most loved daughter of her family, so, how can they sold her like this...