CHAPTER 10
Tiffany's POV
"Caleb? Bakit ba nandito tayo?" tanong ko sa kanya.
"Lumipat na kasi ako sa condo. Wala pang masyadong gamit. Tulungan mo ko mag-ayos." so umabsent ako sa major class ko para lang tulungan siyang mag-ayos ng gamit sa condo? Ayos ha!
"Ginawa mo pa kong interior designer ah." asar kong sagot.
"Eh sino ba dapat nag-aayos ng bahay, diba yung wife?" he caught me offguard lalo na nang akbayan niya ako. Ano ba! Sa Shirt lang tayo mag hubby and wifey hindi in real life!
"Hoy feel na feel mo naman." tatanggalin ko na sana yung pagkaka akbay kaso biglang umepal yung sales lady. Sus makatingin naman si ate parang gusto ng iuwi si Caleb.
"Good morning Sir and Ma'am. How can I help you?" infairness kay Caleb lang siya nakangiti then pagdating sakin taas kilay. Woahh! Di ako papaapi aba kaya naman itinaas ko rin ang kilay ko then yung right hand ko nilagay ko sa waist ni Caleb tapos yung left hand ko nilagay ko sa 'abs' ni Caleb. May abs nga ata. Machete body! Yummy! Hahaha.
"Hubby. Ikaw na magsabi." nag-wink pa ako kay Caleb and binigyan ko siya ng maki-ride-ka-na-lang-look, bwisitin ko lang 'tong babae 'to. Nag-smile si Caleb and OUCH! WTH! Pinisil niya ang ilong ko.
"Ang cute talaga ng asawa ko oh. Miss bagong kasal lang kasi kami so kailangan namin ng mga bagong gamit sa condo namin" Wow naman Caleb so kailangan talaga naka emphasize ang condo. Iba naiisip ko eh.
Shock naman si malditang saleslady. Sus! And ayun natapos din ang pamimili namin. Nakakatuwa naman na para kaming naglalaro ng bahay-bahayan. Pwede na din 'to practice na din pag nag-asawa na ako which is malayo pa. Nagpunta na kami sa condo ni Caleb na hindi naman pala kalayuan sa university. Mayaman talaga may sarili ng kotse may condo unit pa. Pumasok na kaming dalawa tama nga siya wala pang masyadong laman kailangan ng major major make over dito.
"Hindi ka ba malulungkot dito? Mag-isa ka lang kaya." medyo malaki rin kasi 'tong unit ni Caleb and I think more than two bedrooms ang mayroon dito.
"Hindi 'yan. Sa bahay din kasi namin parang mag-isa lang ako." wala sa sarili niyang sagot habang inaayos ang mga pinamili namin sa may center table.
"Kaya mahirap din maging mayaman 'no." minsan sa buhay ko nakaranas rin ako ng karangyaan pero nakalimutan ko na 'yon dahil mas matagal ang hirap na dinanas ko kaysa sa saglit na pag-angat sa buhay. Sabi nga nila ako daw ang tunay na Princess Sarah. Haha.
"Oo sinabi mo pa. Hehe. Pero masaya din basta mayaman ka at gwapo chicks na lalapit sayo." ayos na sana yung drama niya kaso may pagmamayabang sa dulo.
"Babaero!" sabay hinagis ko sa kanya yung isang throw pillow.
"Joke lang! Stick to one tong hubby mo." natatawa niyang sagot at inilagan yung hinagis ko pang throw pillow.
"Hubby ka diyan." geez! Kahit na gusto kong kiligin ay pinigilan ko pa rin ang sarili ko dahil baka mamaya ay makahalata siya.
"Promise pag ako naging asawa mo sayo lang ako uuwi." weh? Serious ba siya? Baka totohanin ko ang mga biro niya! Nagbablush na naman ata ako.
Inayos ko na ang mga gamit ni Caleb kahit na dapat ay siya talaga ang gumagawa ng mga ito. Hindi ko alam kung paano siya mabubuhay dito sa unit niya dahil halos puro instant ang laman ng kanyang ref. Instant noodles, sardines, tuna at madami pa. Jusko! Maaga ata siyang mamamatay sa sakit ng bato eh. Nag high five kaming dalawa at naupo na sa may carpet, isinandal ko ang ulo ko sa may sofa at pumikit.
"Tiffany." tawag sa akin ni Caleb ngunit dahil sa inaantok na ako ay pinili ko nalang na hindi na sumagot. Hinawakan niya ang kamay ko at nilalaro-laro niya iyon. Nagsusulat din siya sa palad ko ng imaginary lines using his fingers. Heart? Heart nga. Paulit-ulit yun yung sinusulat niya sa palad ko. Kinikilig ako pero di ko pa din binubukasan ang mga mata ko.
"Tiffany? Tulog ka na ba?" I don't wanna ruin this moment kaya pinili ko na lamang na pumikit kahit gustong gusto ko ng makita ang kanyang mukha.
"Tiffany. I know di pa tayo ganun katagal magkakilala and lagi pa tayong nag-aaway. But ang gaan talaga ng loob ko sayo alam mo yung parang ang tagal na natin magkakilala? I don't know pero ganun ang nararamdaman ko."
"Hay bakit ko nga ba kinakausap ang tulog. Tsk." So akala pala niya tulog ako. Edi panindigan na. Tulug-tulugan muna ako.
"Pero at least ito yung best moment na masasabi ko sayo 'to. Tiffany, I think I'm falling for you" and before I open my eyes he kissed me on my lips.
BINABASA MO ANG
I Wish I Never Met You (Edited)
Teen FictionMinsan kailangan nating pakawalan ang nag-iisang taong nariyan para sa atin.