CHAPTER 38
TIFFANY'S POV
"Ang ganda mo na bebz! Excited na ako sa gift mo for Caleb. Pinaka the best yun." halos mapangiwi ako sa excitement ni Clavs. Kung alam lang niya.
"Thank you sa suporta." I smiled weakly. Mamaya ibibigay ko kay Caleb ang regalong babago sa buhay niya. Ang babago sa lahat. Ito na siguro yung right time. Inaayusan ako ngayon ni Clavs. Tama okay na kami ngayon, susuportahan daw niya ako sa lahat ng desisyon ko. Yumuko ako. Nanggigilid na naman ang luha ko. Nagiging iyakin na ako dapat nga sa mga panahong ito ako matatag. I sighed.
Pag iniwan ko si Caleb para na din akong nag suicide. Masokista nga siguro ako sabi ni Clavs. Mawawala na ng tuluyan sa akin si Caleb. Iniisip ko pa lang na masasaktan ko siya mas doble yung sakit sa akin. Kung alam lang niya kung gaano kahirap sa akin 'tong ginagawa ko.
Nandito na kami sa mansion ng del Rosario. Ipinakilala ako ni Caleb sa mga kamag-anak niya. Hindi ko pa din makita si daddy.
"Tiffany!" Niyakap ako ni Maggie habang ako naman ay nagtaas ng isang kilay.
Ito na naman ang nakakangawit na fake smile. Biglang nawala yung ngiti ko ng nalipat yung atensyon ko dun sa lalaking papalapit sa amin. Humigpit yung pagkakahawak ko sa kamay ni Caleb. Bakit parang gusto ko siyang yakapin? Medyo maputi na ang buhok niya pero wala pa ding nagbago kay daddy.
"Dad!" Kumaway pa si Caleb kay daddy. Napaiwas na lang ako ng tingin kay daddy na nakangiti pa habang papalapit sa amin.
I bit my lips bitterly. Halatang close na close talaga silang dalawa. Para naman akong sinampal ng harap-harapan. Lalo kong naramdaman na tuluyan na niya kaming kinalimutan sa buhay niya at masaya na siya sa pamilya niya ngayon. Naikuyom ko yung left hand ko para pigilan ang galit ko.
Inakbayan ni daddy si Maggie at hinalikan sa lips. Naningkit na yung mata ko sa galit. Bibitiwan sana ni Caleb yung kamay ko para yakapin si daddy pero hinigpitan ko yung pagkakahawak ko sa kanya.
"Hello po Sir. I'm Tiffany Javier." I said in a cold voice. I maintained my composure.
"Oh Tiffany. Finally nakilala na din kita. I heard so much stuff about you. Mas maganda ka pala sa personal. No doubt kaya ayaw ka ng pakawalan ng anak ko."
"Thank you Sir."
"Masyado ka namang pormal. Tito na lang hija."
"Let's go guys. It's time to open the presents." sabik na wika ni Maggie sabay hila sa kabilang kamay ni Caleb.
"Ma! Para namang bata."
"Hahaha. Sumunod ka na lang sa mama mo anak. Sige mauna na kami dun."
What a perfect family. I sighed. I feel so alone right now. I can feel the emptiness. I miss you daddy.Sinimulan ng magbukas ng mga regalo ni Caleb. Ang saya ng party pero ako matamlay at walang gana.
"Dalawang presents na lang ang wala yung kay Tiffany and Tito Chris. Hmmm mukhang surprise yata ang mangyayari ah." ani ni Troy. Siya ang nag M.C sa party. Ito na yung oras na hinihintay ko.
Pumunta ako sa stage and kinuha yung microphone kay Troy. Tumingin ako kay Caleb na nakangiti sa akin habang naka upo siya sa gitna.
"I dedicated this song for you Caleb." Nagbulungan yung lahat nung narinig nila yung intro. Nawala yung mga ngiti nila si Caleb nahaluan ng pagtataka.
Of all the things I believe in
I just want to get it over with
tears from behind my eyes
BINABASA MO ANG
I Wish I Never Met You (Edited)
Teen FictionMinsan kailangan nating pakawalan ang nag-iisang taong nariyan para sa atin.