CHAPTER 31
"Tiffany? We're here." tapik sa akin ni Caleb kaya naman nabalik ang atensyon ko sa kung nasaan na kami. Bumaba ako ng van at t-teka anong ginagawa namin dito? Lumingon ako kay Caleb at biglang nanlamig yung pakiramdam ko kasabay non ay namanhid lahat ng emosyon ko. I looked at him with a horrified eyes. Inakbayan ako ni Caleb at ngumiti.
"Welcome to my home" proud niya pang sinabi habang ako naman ay nais na matawa. NO! It's not yours Caleb or should I say Ace? It's my house. My home. Ibinalik ko yung paningin ko sa bahay na nasa harapan ko. Gusto kong umiyak pero walang luha na gustong lumabas.
"Hey are you okay?" tanong niya sa akin ngunit nanatili lamang akong nakatulala sa may harap ng bahay habang sarkastikong napapangiti.
Chase Caleb Del Rosario?! I'm such a fool. Ang bahay na ipinagawa ni daddy para lang sa amin ni mommy. Para sa amin lang pero ngayon nakuha na din nila. Ang galing talaga nila.
He is Ace. My bestfriend. My first love. And now my boyfriend.
How pathetic! Natupad yung promise namin para sa isa't-isa.
Gusto kong matawa out of frustration. Gusto kong tumawa, grabe naman sila walang gustong itira para sa akin. Ang alam ko lang ngayon punung-puno ako ng galit. Ang lahat ng para sa akin napunta sa lalaking mahal ko.
Bakit sa lahat ikaw pa yung kaagaw ko? Bakit ba kami na lang ni mommy yung laging kawawa.?Habang hinahakbang ko ang mga paa ko papasok sa bahay ay hindi ko maiwasan yung pananakit ng lalamunan ko. Ayokong umiyak. Nanginginig ang mga tuhod ko. Gusto kong manlambot at maupo na lamang doon, kung maaari lang akong pumalahaw ng iyak ay ginawa ko na.
Pagpasok namin ng loob ng bahay.......
"P-Precious?" I gasped
CALEB'S POV
"P-Precious?"
Tinawag ni Ate Tina si Tiffany na Precious na ikinagulat naman ni Tiffany. Ang weird niya ngayon, sobrang tahimik hindi ako sanay hindi ko na lang tinatanong kasi baka PMS lang. Masungit naman siya kapag ganun.
"Ate Tina ano ba yang sinasabi mo?" tanong ko kay Ate Tina iyong caretaker ng rest house namin rito sa may Lemery. Nakakahiya naman kay Tiffany baka akala niya'y nagsama na ako ng ibang babae dito, hindi ko naman kasi naikwento sa kanya iyong tungkol kay Precious.
"P-Precious ikaw na ba 'yan ha?" Lumapit si Ate Tina kay Tiffany pero nagtago lang si Tiffany sa likod ko.
"Ate hindi siya si Precious. Ikaw talaga." natatawa kong awat sa kanya kaya naman napatigil na siya sa paglapit kay Tiffany
"Ha?" nagtataka pang tanong ni Ate Tina sa amin kaya naman napailing na langa ko.
"She's Tiffany. My girlfriend." Pakilala ko sa girlfriend ko ngunit tinitigan ni Ate si Tiffany. Ang weird talaga minsan ng caretaker namin.
"Ganda naman dito pre. Unique ng style." napahinga ako ng maluwag nang sumulpot ang dalawa kong kumag na kaibigan.
"Mayaman eh." dagdag pa ni Alex
"Si daddy nag design nitong bahay. He's an architect." pagmamalaki ko sa kinilala kong ama. Ang tahimik talaga ni Tiffany nagalit kaya siya kasi napagkamalan siyang ibang babae? Si Ate Tina naman kasi bad mood na nga yung girlfriend ko dinagdagan pa. Naka-kunot noo tuloy ang magandang mukha ni Tiffany.
"Tara ihahatid ko na kayo sa mga kwarto ninyo." aya ko kay Tiffany na hindi man lang kumilos sa kinatatayuan niya. Damn! Ang putla niya. May sakit kaya ito?
"Bhie?" She gave me a weak smile.
"Bakit?" tanong ko sa kanya habang pasimpleng hinahawakan ang pisngi niya dahil baka nilalagnat siya o kung ano. Normal naman ang temperature niya.
"Ihatid mo na sila mag-iikot lang ako dito sa bahay nam----ninyo." mahina niyang saad at ngumiti. Ang mga ngiting hindi man lang umabot sa kanyang tainga.
"Are you okay? Are you sick or something?" Nag-aalala na talaga ko. Hinawakan ko yung noo niya at pinagpapawisan siya ng malamig tapos ang putla pa niya. Akala mo babagsak na eh. She forced to smile. A very weak smile.
"O-of course." ani Tiffany
"Okay." Tinanguan ko na lang siya kahit nag-aalala ako.
TIFFANY'S POV
Si Ate Tina ang yaya ko dati, nakilala niya ako. Noong tinawag niya ako sa pangalang Precious ay nagkatinginan kami ni Clavs halatang nagtataka siya pero yumuko lang ako. Nagpaiwan ako dito sa sala para tignan ang buong bahay halos walang pinagbago, itong-ito pa din yung bahay na iniwan ko ten years ago.
Nakita ko yung picture frames na naka display sa isang table. Family picture nila Caleb kasama si daddy, ang mommy niya at si Toni. What a happy family? Nakaakbay pa si daddy kay Caleb. Gustong gusto kong basagin yung frame hindi ko na napigilan yung luha mga ko.
Ako kasi yung dapat na nasa picture at si mommy. Sobrang sakit pa din, kahit ilang taon pa ang lumipas ay hinding-hindi mawawala ang sakit na idinulot sa akin ng sarili kong ama. He broke my heart into pieces at kahit anong tatag ko ay palagi pa rin akong nababasag kapa naalala ko kung paano niya kami sinaktan ni mommy.
"P-Precious? Alam kong ikaw si Precious." Nilingon ko ang babae sa likod ko. Umiiyak din siya katulad ko. Nginitian ko siya pero patuloy pa din ang pagiagos ng mga luha ko.
"Welcome home Precious." Nginitian din niya ako habang umiiyak. Lalo na akong napahagulgol sa sinabi niya. Napaupo na lang ako sa sahig at agad naman niya akong niyakap.
"Precious! Ang tagal kitang hinintay bumalik." yakap niya sa akin habang hinihimas ang buhok ko. Wala na akong nagawa kundi ang yakapin din siya ng mahigpit at umiyak.
"Yaya." hagulgol ko sa balikat niya. Buti na lamang ay hindi pa bumababa sina Caleb ayokong makita niya kami ng ganoon at ayokong malaman niya na ako si Precious. Nagpunta kami ni yaya sa tabing dagat para makapag-usap.
"Precious? Gumaganti ka ba sa kanila?" panimula ni Ate Tina habang nakamasid lamang ako sa may dagat. Walang tigil ang pag-alpas ng aking mga luha kahit pa namamanhid na ako sa lahat ng emosyong umuokupa sa aking puso. Sa sobrang sakit at galit na nararamdaman ko ay namamanhid na ito.
"Hindi ako si Precious." matabang kong riin sa kanya.
"Precious Tiffany."
"Ang kakapal ng mukha nila. Talagang wala na silang itinira sa akin. Kahit iyong bahay lang, kahit iyong ala-ala na lang namin doon iyong itira" Nakaupo kami ni Ate Tina sa buhangin. Iyak pa din ako ng iyak. Nanginginig na ako sa matinding galit. Ganito pala yung pakiramdam na para kang sasabog na dam sa sobrang sama ng loob at sa sobrang pagpipigil ng luha.
"Hindi sa ganoon Precious. Marami kang hindi alam."
"Y-yung bahay na si mommy mismo yung nag-plano. Yaya dream house yun ni mommy tapos mapupunta lang din sa kanya? Talagang bastusan na lang? I mean talagang hindi na nila nirespeto si mommy?" Bwiset na mga luha 'to ayoko ng umiyak, ayokong iyakan ang mga walang kwentang tao na nanira ng buhay ko. Mga peste!
"Hindi sa ganoon. Ano nga pa lang nangyari sa'yo kasama ng tita mo?" himas niya sa likod upang pakalmahin ako.
"Inampon niya ako kaya naiba ang apelyido ko. Sinubukan kong kalimutan yung lahat ng nangyari pero parang multo na lagi akong binabalik-balikan tulad ngayon boyfriend ko pa pala si Ace." I laughed bitterly. Para lang teleserye yung buhay ko.
"Precious walang kasalanan si Caleb sa mga nangyari kaya sana wag mo siyang sasaktan." Hindi ko alam yung sasabihin ko.
Ito na ang pagkakataon ko para makaganti. Halu-halo yung nararamdaman kong emosyon. Ayokong matalo ng galit yung nararamdaman ko para kay Caleb pero ganoon yung nangyayari. Gusto kong saktan din yung damdamin niya, parang nakaganti na din ako sa magulang niya diba?
"Hindi ko alam."
BINABASA MO ANG
I Wish I Never Met You (Edited)
Novela JuvenilMinsan kailangan nating pakawalan ang nag-iisang taong nariyan para sa atin.