Chapter 32

734 17 0
                                    

CHAPTER 32

Walang wala talaga ako sa mood kahit na may pool party pa. Napaka-unfair ko na ba kay Caleb? Wala kasi siyang kaala- alam tapos ang cold pa ng treatment ko sa kanya. Nandyan yung di ko siya kinakausap or pinapansin man lang. Naiirita kasi ako parang gusto kong manakit.

"Tiffs?" bati sa akin ni Clavs kaya naman nagbuntong hininga na lang ako.

"Uh?" Sorry bestfriend pati pagsasalita wala ako sa mood.

"May problema ka ba? Di ako sanay kapag ganyan ka. Black aura ka na oh." pambibiro pa niya sa akin na nakakasiguro akong nais lang niyang tumawa ako. Hindi ko siya binigo, pinilit kong ngumiti at tumawa man lang. Ang bawat ngiti at tawa ko ay katumbas ng mga luhang gustong-gusto kong pakawalan. Gusto kong yakapin si Clavs at iiyak sa kanya ang lahat pero hindi ko magawa. Nasanay na akong kinikimkim ang lahat. Kailanman ay hindi ko iniyakan ang miserable kong buhay. Not until now.

"Sira ka talaga!" I said

"Ayan tumawa ka din. Alam mo kasi kanina pa nag-aalala sayo si Caleb. May problema ba kayo? Pwede mo naman sabihin sa akin." Niyakap ko si Clavs at pinigilan kong umiyak. Ayoko ng maging mahina.

"Thank you bebz." napapaos kong sabi.

"Grabe ang weird mo ngayon ah!" Kailangan kong magkunwaring masaya kahit nasasaktan ako.

Diba doon naman ako magaling pero bakit hindi ko magawa ngayon? Naupo na lang ako sa side ng pool habang nakababad yung paa ko sa tubig. Dapat masaya ako ngayon, sana kahit ngayong gabi man lang makalimutan ko yung lahat. Niyakap ako ni Caleb mula sa likod tapos hinalikan niya ang balikat ko.

"Ang lungkot naman ng baby ko." panlalambing sa akin ni Caleb. Nagbuntong-hininga ako at nagkibit-balikat.

"Hindi naman ah." I forced a smile then isinandal ko ang ulo ko sa dibdib ni Caleb.

Siguro kung wala akong problema ngayon baka kiligin pa ako o baka nga manyakin ko pa si Caleb pero wala eh, nakakawalang gana. Ipinikit ko na lang yung mga mata ko habang nakasandal pa din sa dibdib ni Caleb, feeling ko kasi tutumba ako. Naramdaman ko yung paghalik niya sa ulo ko, sa pisngi at pati sa leeg. I love this feeling.

"I love you Tiffany." he said with full of sincerity. Ibinulong niya iyon sa tainga ko.

"I love you too." And I hate you too Chase Caleb. I said it to my mind. Nagulat ako ng bigla kaming itinulak ni Troy sa pool. Nakayakap pa din si Caleb sa baywang ko.

"Gago ka! Hahaha." tawa ni Caleb habang hinihila pababa si Troy sa may pool.

"Ang cheesy niyo kasi!" halakhak ni Troy habang ako naman ay hindi ibig matawa sa lahat ng nanagyayari.

CLAV'S POV

May kakaiba talaga kay Tiffany lalo na noong tinawag siyang Precious ni Ate Tina. Hindi naman siya yung tipo ng tahimik na tao tapos sobrang tamlay pa. Sana naman kung may problema siya ay sabihin niya kasi as bestfriend ayokong nakikita siyang ganoon.

Natuwa naman ako habang pinapanuod siyang nakikipaglaro sa pool kasama si Caleb pero may mali pa din eh. Kami yung magkatabing matulog ngayon. Yung kwarto namin na gagamitin dati daw kwarto nung anak ng step-father ni Caleb which is si Precious nga daw, na akalain mong kapangalan pa ni Tiffs.

Si Tiffs din kaya yun? Imposible naman kasi may parents si Tiffs edi ampon siya kung nagkataon? Hay ano ba 'tong iniisip ko nasosobrahan na ako sa pagbabasa ng pocketbooks. Pagkarating namin sa may silid na gagamitin namin ay hindi ko maiwasan ang mapamangha. Ang yaman ng kwarto akala mo pang prinsesa. Puno ng pink stuff toys halos lahat pink eh pati yung bathroom! Siguro spoiled yung Precious noong bata pa siya.

]

"Tiffs tignan mo oh. Napaka bongga!" turo ko doon sa magagandang gamit sa may bedside table.

"O-oo nga." Napalingon ako kay Tiffany para kasing umiiyak yung boses niya.

"Tiffany? What's wrong?" Nilapitan ko siya at niyakap. Umiiyak siya. Iyak ng iyak. Ngayon ko lang nakitang umiyak ng ganito si Tiffany kaya naman wala akong nagawa kundi tapikin ang likod niya at patahanin siya.

"Ano bang problema?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Ang lahat." mas lalo pa siyang napaiyak kaya naman napaiyak na rin ako. Ano bang problema Tiffany? Sabihin mo naman.

TIFFANY'S POV

Nananadya ba talaga? Aba'y dito pa ako sa kwarto ko pinatulog? Hindi man lang nagbago pati ang dating ayos nito. Nagsimulang manggilid yung luha ko noong napatingin ako sa may kisame.

Noong gabing iwan kami ni daddy ay magkatabi kaming natulog ni mommy sa kwarto ko. Magkayakap kami habang sabay na umiiyak. Kumukuha ng lakas sa bawat isa at sa paggising kinaumagahan ay wala sa tabi ko si mommy hanggang sa mapatingin ako sa taas.

"MOMMY!!!!!!"

Napabalikwas ako ng kama. Pawis na pawis ang noo ko. Panaginip lang pala. Si Clavs tulog na tulog sa tabi ko at ng mapatingin ako sa kisame napahagulgol na lang ako. Isinubsob ko yung ulo ko sa tuhod ko habang tahimik na umiiyak.

Hindi ko na kaya.

7;TŃ5


I Wish I Never Met You (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon