Chapter 40

899 20 0
                                    


Chapter 40

TIFFANY'S POV

"Tiffs may gusto ka pa bang kainin basta utusan mo na lang si JP ha o kahit sinong lalaki sa barkada kahit si Caleb pa yan. Naku ikaw talaga alagaan mo yang inaanak ko ah. Wag na wag kang ma-stress dun sa poser na yun." Alam ninyo sa totoo lang ang OA na talaga ni Clavs! Akala mo siya nanay ko eh, si mama nga hindi alam kung napapaano ako. Mas excited pa nga siya sa akin. Ilang araw na siyang windang!

"Mamaya pupunta tayo ng OB ha naku baka naman pwede ng i -ultrasound yan diba? Excited na ako Tiffs!" ani Clavs

"Ang OA mo naman bebz at saka hay naku naman. Mababaliw na yata ako sa dami ng iniisip ko." ni hindi pa nga kumpirmadong buntis nga ako ay excited na siya.

Nababaliw na kasi ako kakaisip kung buntis nga ba ako o hindi at saka kailan ba ako huling nagka period? Wahhhh hindi ko maalala! Biglang umepal pa sa buhay ko si impostora at mamamatay na ao sa selos! Ilang linggo ko na ding nakikita ang ka sweet-an nilang dalawa. Bitter na kung bitter!

"Clavs punta lang ako ng C.R ah parang ang sakit yata ng tyan ko."

"Ay tara samahan na kita. Bakit masakit?"

"Ewan ko ba. Amp." Ang sakit talaga ng tiyan ko parang may cramps sa loob tapos pati balakang ko namamanhid na sa sakit.

"Dali tara na baka natatae ka na." Nag-aalala pang sabi ni Clavs. Parang hindi naman ata ako natatae eh! Nagpunta na nga kami ng CR ni Clavs kasi naman ay hindi ko alam kung bakit sa CR ako nagpunta eh hindi nga ako najejebs basta parang may cramps lang yung tiyan ko. Pumasok na ako sa isang cubicle at umupo nagulat na lang ako sa nakita ko.

"DUGO!!!"

"Hoy Tiffs anong dugo? Dinudugo ka! Wahhhh di ka pwede makunan!" Jusmiyo nagwawala na si Clavs sa labas. Teka akala ko ba buntis ako pero bakit parang ang tingin ko may period ako? Hala naguguluhan ako. Nakunan ba ko o meron lang talaga ko ngayon?

"Tiffs lumabas ka diyan dali at isusugod kita sa hospital! Hoy! Di ka pwedeng makunan. I know nasa state of shock ka pa pero kailangan na nating pumunta ng doctor. Precious Tiffany Javier!" Lumabas na ako ng cubicle. At grabe di ko alam kung natatae ba yung hitsura ko tapos si Clavs naman nagpapanic.

"OMG Tiffs nasaan yung dugo???" Pero bago pa ako nakasagot hinigit na ako sa kamay ni Clavs palabas ng campus at sumakay na kami ng taxi papuntang hospital.

Come to think of it kung buntis nga ako at nakunan kung makadala sa akin si Clavs eh nangangaladkad so paanong hindi ka makukunan. Feeling pa nga yata ni Clavs eh manganganak ako kasi naman halos ipalipad na niya kay manong driver yung taxi.

Nakarating na kami sa emergency room at sinimulan na kong i check up nung resident OB at after ilang test ay nandito na kami sa clinic ng doctor para sabihin yung result. My gosh kinakabahan ako!

"Miss Javier base on your laboratory tests ay hindi ka buntis and about sa dugo, It's your first day of menstrual period so you don't have to worry."

"What?!? Hindi siya buntis?! How come eh kumpleto niya yung signs and symptoms ng pagbubuntis. Sure ba kayo diyan doc?" Sino ba yung pasyente? Ako o si Clavs? Diba dapat ako yung nag rereact? Pati ako naguguluhan pero kasalanan 'to ni Clavs eh siya naman talaga yung nagbigay ng conclusion na buntis ako. Walanjo yan oh! Delayed lang pala ako.

"Mayroon kasing 3 stages ng signs and symptoms of pregnancy. Ang Presumptive, Probable at Positive. Sa presumptive puro subjective lang ang naroon o yung mga nararamdaman ng buntis at nandoon din yung kutob na baka buntis ang isang babae pero hindi lahat ng yun ay masasabi nating signs na ng pagbubuntis malay natin may iba pang dahilan."

I Wish I Never Met You (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon